AN: << HEY! @jhenabby YOU voted for chapter 42 of this story but since may dedication na 'yon, I choose to dedicate this chapter to you dear.. God bless @jhenabby ..>>
Sa kagustuhan ng tita ni Christopher malimit silang dumalaw doon tuwing weekend habang busy naman s'ya sa orphanage tuwing weekdays. Kasama n'ya si Christopher sa pagsi-serve sa mga bata. Halos hindi na sila mapaghiwalay pa. Saksi sina Mrs. Anessa, ang bestfriend n'yang si Merthiel, ang mga bata sa bahay ampunan at ang mga madre sa pagpapatuloy ng pagmamahalan nila. Sinikap nilang punin ang mga araw na nasayang noong nagpapagaling si Christopher.
They were happy so much happy until...
"So totoo nga ang narinig ko that you are really back, son?" may pagkasarkastikang saad ni Mrs. Alicia habang nagbi-bake sila ng cake ni Christoper sa kitchen ng mansyon ng tita nito.
"Alicia, you didn't inform me na darating ka pala. Naipasundo sana kita." sabad naman ni Mrs. Anessa na kararating rin lang galing sa garden.
"Anessa, ikaw pala ang unang inuwian ng magaling kong anak. Hindi mo man lang nabanggit sa'kin ang tungkol dito. Mukhang kinukonsinte mo pa s'ya." baling ni Mrs. Alicia sa donya na may mapanlait na tingin.
"Hindi naman ako na-inform na dapat ko palang ireport sa'yo ang mga bisita ko sa mansyon ko." pilosopong sagot naman nito.
Napilitang ngumiti ang stepmom ni Chris pero bakas sa mukha nito ang iritasyong nararamdaman.
"Baka gusto mong ipaalala ko sa'yo na asawa ako ng ama ng pamangkin mo ibig sabihin noon I'm his second mom, not you or anybody else. Kaya karapatan kong malaman kung saang lupalop ba nagpupunta ang anak kong isang taon ding nagtago sa'kin." anito. "And take note he's with my son's ex fiancée. Karapatan ko ring malaman 'yon, Anessa."
"Wala naman sigurong masama kung magkasama sila in my house."
"Masama! Hindi mo ba narinig ang sinabi ko, he's with my son's EX-FIANCEE." pinagdiinan talaga nito ang huling salita.
"As far as my mind can remember, it was your son who choose to end their relationship and engagement as well." ani Mrs. Anessa na lalong ikinainit ng mainit ng ulo ng stepmom ni Chris.
"But still, she's my son's ex-fiancee. Hindi rin magandang naghaharutan sila dito sa loob pa mismo ng mansyon na ibinigay lang sa'yo ng kapatid ng asawa ko."
"Madam." tanging sambit ni Christopher.
"Shut up Christopher." sansala ni Mrs. Alicia. "Anessa, kung wala kang pakialam sa mga sasabihin ng ibang tao pwes ako mayroon. Kaya hindi ko nagugustuhan ang ginagawa mong pangungunsinte sa dalawang 'yan." hirit pa nito.
"Alicia, my dear, it's time to face the fact that your son is not really the guy that Shane love her whole life. Kung hindi mo alam then let me inform you this. Ang lalaking minahal ni Shane ay ang lalaking sumagip ng buhay n'ya 17 years ago. Hindi si Jojo 'yon. That person who saved her life is my nephew-Christopher."
"How dare you talk to me like that?" gigil ng saad ni Mrs. Alicia. Balak pa sana nitong sugurin si Mrs. Anessa pero namagitan na si Christopher.
"Madam! Tita!" sansala ni Christopher. "Tita kayo na po muna ang bahala kay Shane mag-uusap lang po kami." anito at pilit na inilayo si Mrs. Alicia sa doon.
Tahimik na lang n'yang pinagmasdan ang papalayong sina Christopher.
Sa garden dinala ni Christopher ang stepmom kung saan hindi s'ya hinayaang makapagsalita agad dahil nauna na ito.
"Wala kang dapat i-explain. Nakita ko na ang dahilan kung bakit mas pinili mong hindi man lang bisitahin ang opisinang basta mo na lang iniwan. Are you out of your mind? Nakikipagkita ka pa rin sa babaeng 'yon after what happened to you? Ex-fiancee pa rin s'ya ng kapatid mo kahit na anong mangyari." halos kunsumidong saad nito sa kanya. "You shouldn't be dating her. Kaya halika na. Sumama ka na sa'kin. Bumalik na tayo ng Manila. Marami ka pang obligasyong dapat intindihin.
"Hindi ako sasama. Babalik ako ng Manila I can assure you that pero hindi ngayon. Hindi ako sasama sa inyo." tanggi n'ya dito.
"Christopher, tanggap ko namang hindi mo ako matanggap bilang second mom mo pero sana kahit konteng respeto lang sa anak ko. Stop dating her for his sake. She's the reason of his-"
"She's not! Ilang beses ko pa hu bang uulit-ulitin sa inyo na hindi n'ya kasalanan 'yon. No one's to be blame. Kaya tigilan n'yo na ang paninisi sa bagay na wala s'yang kasalanan." fierce na ang boses n'ya.
"Gagawin ko lahat Christopher Villamor Aquino, lahat-lahat para iwan mo s'ya. And you wouldn't want what I'm going to do." may pagbabantang saad nito.
"Ano pa hu ba ang kaya n'yong gawin na hindi namin kayang lagpasang magkasama?" aniya. "Sana naman sa pagkakataong ito hayaan n'yo na kaming dalawa. Malaki na ang pagkakamali na nagawa n'yo noon 'wag n'yo na sanang dagdagan pa ngayon."
"Christopher, kahit sinong babae tatanggapin ko para sa'yo, 'wag lang s'ya. 'Wag lang si Shane." nagbago ang reaksyon nito. Nagtaka s'ya.
"Wala akong ibang gustong babae maliban lang sa kanya. Teka nga hu, bakit ba ayaw na ayaw n'yo sa kanya? Bukod sa paninisi n'yo sa kasalanang hindi n'ya naman ginawa. Bakit hu ba hindi n'yo s'ya matanggap para sa'kin? Bakit hu ba?"
"Nasabi ko na sa'yo lahat, Christopher. Hindi ako papayag na magkatuluyan kayong dalawa. Kaya ngayon pa lang isuko mo na s'ya." muli may galit ang tinig nito.
"Alam n'yo kahit anong isip ko parang napakaliit na dahilan ang paninisi n'yo kay Shane kasi nga alam n'yo namang wala s'yang kasalanan. Ano pa bang dahilan kung bakit ayaw na ayaw n'yo sa kanya?" muli n'yang tanong.
"Marunong ba kayo ng salitang respeto? Konteng respeto naman. Ang babaeng gusto mo, minahal at minamahal pa rin ng anak ko hanggang sa kahuli-hulihang n'yang hininga. Kaya nga hindi ako papayag na mapunta s'ya sa'yo o sa kahit na kanino dahil para lang s'ya kay Jojo."
"Ano palang gusto n'yo? Habambuhay n'yang mahalin ang anak n'yo? Ganun hu ba?"
"Ganun na nga. Namatay ang anak kong mag-isa na hinahanap at nangungulila sa kanya kaya dapat ganun din ang mangyari sa kanya. Mamamatay s'yang mag-isa na wala ka sa tabi n'ya."
"No! I will never let that happen. I am Shane's destiny at 'yon ang patutunayan ko sa inyo. Ibinalik na sa'kin ng anak n'yo ang babaeng inagaw n'ya. Sana ganun na rin ang gawin n'yo para man lang sa anak n'yo." aniya at tinalikuran na ito.
"You-are-not-meant-to-be!" word by word na saad ng stepmom n'ya. "That's what I can assure you. Because I will be the one who'll dictate your and hers fate."
Umiling na lang naman s'ya at itinuloy na ang pasyang iwan 'yon sa garden. Nagulat naman s'ya nang makasalubong ang tita at makitang patakbo ng umaalis si Shane.
"Tita?" aniyang puno ng pag-aalala.
"She heard everything, Chris. She insisted. Wala akong nagawa kaya we both listen to your conversation. Go to her. She needs you at this point." sagot naman ng tiyahin.
"Yhen." unang sambit n'ya nang makita na inaayos na nito ang mga baked na cake. Ngumiti lang ito sa kanya ng lingunin s'ya at ipinagpatuloy ang ginagawa. Mula naman sa likuran ay niyakap n'ya ito. "You heard everything, right?" aniya and Shane just nodded. "Wala kang sasabihin?" tanong n'yang muli at inalis ang pagkakayakap dito.
"Puntahan natin si Jo. Hindi pa natin s'ya nabibisitang magkasama." sa halip ay sagot naman nito sa kanya.
Na-realize n'ya na hindi pa nga pala nila nabibisita si Jojo.
To be continued...
BINABASA MO ANG
THE MISSING PIECE
RomantikAno ang handa mong gawin para mapunan ang kakulangang nararamdaman ng iyong puso't isipan?? HIGHEST RANK: #5 out of 1.2k stories under #MISSINGSOMEONE -MhireJed/ItinakdangAsul- CJL