Kinabukasan...
Nahihimbing pa sa pagkakatulog si Merthiel ay nagpasya s'yang umalis na. Sakay ng taxi, tinungo n'ya ang bahay nina Jojo. Marami s'yang tanong sa isip habang nakasakay sa taxi pero ipinagwalang bahala na lang n'ya ang mga 'yon. Disidido s'yang magmakaawa kay Jojo kung kinakailangan bumalik lang 'yon sa kanya.
Hanggang sa natagpuan na n'ya ang sarili sa tapat ng isang napakalaking bahay.
Jojo's mother welcomed her with a caring hug. Kay gaan talaga ng loob n'ya sa mama ng lalaking pinakamamahal n'ya, siguro dahil namimiss n'ya rin ang magkaroon ng ina at isa pa mabait naman 'yon sa kanya. Magiliw pa rin 'yon katulad ng dati at inalok pa nga s'yang kumain pero tinanggihan n'ya.
"S-si Jojo po? G-gusto ko po s-sana s'yang makausap." Sa halip ay sambit n'ya kay Mrs. Alicia De Chavez Aquino, mama ni Jojo.
"S-sinabi na ba n'ya sa'yo?" usisa ni Mrs. Aquino na animo'y nag-aalala sa kabila ng malambing na tinig nito. Nangusap ang mga mata n'ya dahil sa tanong nito. Magsasalita pa sana s'ya pero pamilyar na tinig ang nakapagpahinto sa kanya.
"Mom Alicia 'di ko makita 'yong cellphone ni Jo. Nasa-" nahinto si Jessica ng makita s'ya.
"S-so it's you again." Nakangiting sambit nito ngunit halatang nagulat din ng makita s'ya.
"I-ikaw?" pakiramdam n'ya biglang nanlambot ang tuhod n'ya ng makita 'yon at lalo na ng mula sa likuran ng babaeng 'yon ay yumakap si Jojo at ginawadan 'yon ng halik sa pisngi.
Nakaramdam s'ya ng animo'y mga karayom na tumutusok sa puso n'ya. Sobrang dami at sobrang sakit.
"Yes Shane! S'ya nga. Mom invited her. We spent the night together-" paunang sambit ni Jojo at sinulyapan ang ina. "-right mom?"
Hindi na n'ya hinayaang sumagot pa ang ina noon. 'Yong eagerness n'yang magmakaawa kay Jojo ay parang bulang biglang naglaho.
"W-wala na ba talaga tayo? A-ayaw mo na ba talaga s-sa'kin? Ganun na lang ba 'yon?" nanginginig ang tinig n'ya ngunit hinayaan n'ya lang 'yon.
"Shane, ayan ka na naman eh. Sinasaktan mo na naman ang sarili mo eh. 'Wag na nating ipilit ang bagay na alam naman nating hindi na pwede. Tinapos ko na nga eh. 'Wag ka namang selfish." Tugon ni Jojo na dahilan pa upang madagdagan and sakit na nararamdan n'ya.
"Hon, I'm sorry. I hope you understand." Dugtong nito na bumaling kay Jessica at muling dinampian ng halik, sa pagkakataong ito sa labi na ngumiti lang naman 'yon.
"Okay I got it!" aniya na pinipigil ang luha. "Kung ayaw mo na talaga sige okay lang. Pero bakit ba, huh? Bakit ba?" lakas loob na tanong n'ya.
"Shane, please I'm begging you. Just let him go. Give us your consent." Sabad na ni Jessica ng mapansing nakatitig na lang si Jojo sa kanya.
"Nakakaboring ka na kasi eh at ngayong araw na 'to mas lalo ka lang naging boring." sagot ni Jojo na hindi n'ya inasahan. Napansin n'yang maging ang ina ni Jojo eh nabigla din sa nasasaksihan.
"Nagiging pabigat ka na sa'kin, Shane. Tsaka I really want to marry the girl who I really love and that's Jessica." Muling sambit nito na lalong nakapanlambot sa tuhod n'ya.
"Okay." Aniya tanda ng pagsuko. "So I guess I really don't need this anymore." Aniya at inilaglag sa floor ang dala-dala n'yang envelope.
"C-congratulations." Hirap na bigkas n'ya. Napansin n'yang sinubukang magsalita ni Mrs. Aquino pero nakita n'ya ring pinigilan 'yon ni Jojo.
BINABASA MO ANG
THE MISSING PIECE
RomanceAno ang handa mong gawin para mapunan ang kakulangang nararamdaman ng iyong puso't isipan?? HIGHEST RANK: #5 out of 1.2k stories under #MISSINGSOMEONE -MhireJed/ItinakdangAsul- CJL