Nagpasya naman na si Merthiel na samahan ang kaibigan kung saan nakalagak ang labi ni Jojo. Nakarating naman sila sa lugar na 'yon. Pakiwari ni Shane nakikiramay ang langit sa kanya dahil sa patak ng ulan. Lalo lang bumigat ang mga paa ni Shane nang pasukin na n'ya ang kwartong kinaroroonan ng puntod ni Jojo. Ayaw n'ya pa sana talagang maniwala pero bumigay ang pag-asa n'ya nang mabasa ang nakasulat doon.
"In loving memory of Jojo Aquino July 18, 1986 - January 16, 2013"
Tuluyan ng naglaglagan ang luha n'ya. Masayang mukha nito ang naalala n'ya at ang malambing na boses nito ang animo'y naririnig n'ya. Saka sumunod ang tinig ni Christopher na sinasabing nasa ibang bansa lang ito.
Nabibiyak ang puso n'ya sa katotohanang sumampal sa mukha n'ya. Nadudurog ang puso n'ya dahil sa realization na totoo nga ang posibilidad na niloko lang s'ya ni Christopher. Ayaw n'ya sanang maniwala pero totoo ang nakikita n'ya. Hindi pa man sila natatagalan doon ay nakarinig na sila ng pamilyar na boses.
"So alam mo na pala?" tinig ni Mrs. Alicia (mommy ni Jojo) na nakapagpalingon sa kanila. "Sabagay. Wala naman kasing lihim na hindi nabubunyag." muling wika nito at nilagay ang bulaklak na dala sa puntod ni Jojo.
"Bakit hindi n'yo man lang sinabi sa'kin? Bakit po?" halos nanunumbat ang tinig n'ya.
"I tried to tell you," paunang sagot ni Mrs. Alicia, "but you're not picking up your phone. He tried to call you but you seemed very busy with that Richmond."
Umiling-iling lang s'ya habang nagpapatakan ang mga luha. Pakiramdam n'ya kasi kasalanan n'ya ang lahat.
"Nawala po ang phone n'ya noon. Bakit sa tawag n'yo lang gustong sabihin kung pwede n'yo naman sana s'yang puntahan? Pwede namang personal n'yong sabihin sa kanya dahil alam n'yo naman hu kung saan s'ya matatagpuan." si Merthiel na ang sumagot.
"Iha, if you only hold unto my son the way he did to you eh di sana nalaman mo lahat-lahat. You might have also realize na kaya n'ya piniling lumayo eh para sa'yo para hindi mo s'ya kaaawaan habang nagsa-suffer s'ya from brain tumor." sumbat naman ni Mrs. Alicia. "Unfortunately iha, hindi ganun katindi ang pagmamahal mo sa anak ko. Why? Dahil nong sumuko s'ya ay mas pinili mo na rin ang sumuko sa kanya na hindi man lang inalam ang lahat ng pwede n'yang maging dahilan."
"Hindi hu 'yan totoo! I loved Jojo so much that I chose to get hurt para maging masaya lang s'ya nong mga panahong may pinili s'yang mas mahal n'ya. Minahal ko hu s'ya ng sobra. I even went to your house pero ipinagtabuyan n'ya ako."
Pagak ang tawa ni Mrs. Alicia na inialis ang tingin sa kanya. "You loved my son but you're dating Christopher who happened to be my son as well. How do you want me to believe you iha? Tell me." anito na ikinatahimik nilang magkaibigan.
"Ano ba namang magagawa ko pa kung dinidate mo na Si Chris, diba wala na? Pero sana iha nagkaroon ka naman ng konteng dilikadesa. Pareho kong anak 'yon although Christopher and I were not blood related."
"Hindi hu kasalanan ni Shane 'yon. Si Christopher ang lumapit at-"
"That's exactly my point." sabad ni Mrs. Alicia. "Hindi ka man lang ba nagtaka why all of a sudden dumating sa buhay mo si Christopher?" anito.
"Hindi naman po ito tungkol kay Christopher. My point is-"
"No iha it's also about him. After eight years bumalik sya from LA. You know why? It's because he want to get revenge. And you're the reason of that vengeance. Christopher thinks that you're the reason why Jojo died kaya gusto ka n'yang saktan. Gets mo?" anito na inilingan lang n'ya.
BINABASA MO ANG
THE MISSING PIECE
DragosteAno ang handa mong gawin para mapunan ang kakulangang nararamdaman ng iyong puso't isipan?? HIGHEST RANK: #5 out of 1.2k stories under #MISSINGSOMEONE -MhireJed/ItinakdangAsul- CJL