Nangyari nga ang inaasahan ni Christopher every free time ni Shane eh nagkakaroon sila ng oras para pagkwentuhan lang si Jojo. Hindi n'ya nga lang maintindihan kung bakit sa tuwing babanggitin nito ang pangalan ni Jojo eh punong-puno ng pagmamahal.
Nakita n'ya 'yong ngumiti sa tuwing maaalala ang funny traits ng stepbro n'ya. Sa loob ng isang buwang mahigit tuluyan na n'yang hindi maintindihan ang sarili kung bakit kahit anong pilit n'yang pigilang hindi mapalapit sa babaeng ito eh napapalapit lalo s'ya.
Every time na magkasama sila pakiramdam n'ya eh matagal na silang magkakilala. 'Yong mga mata nila sa tuwing magtatama nararamdaman n'yang dinudurog noon ang anumang galit na nararamdaman n'ya. Ngunit sa tuwing nararamdaman n'ya 'yon eh dinudukot n'ya ang pambatang relo (hello kitty ang design, kulay pink at may gasgas sa likuran) sa bulsa ng pants n'ya. Palagi n'ya 'yong dala para sa kanya lucky charm 'yon dahil bigay 'yon ng batang babaeng nakilala n'ya nong ten years old pa lang s'ya. Ang tanging babaeng may malaking puwang sa puso n'ya kahit alam n'yang matagal na s'yang iniwan noon.
- - - - - -
Hindi naman na nagtaka pa si Merthiel ng mapagbuksan ng pinto si Christopher. Ano pa bang ipagtataka n'ya eh palagi naman 'yong dumadalaw sa inuupahan nilang bahay kapag dayoff o di kaya naman eh kapag free si Shane. Hindi n'ya nga maintindihan ang kaibigan kung bakit pumayag itong magkwento eh alam n'ya namang sa bawat alaala ay mas nasasaktan ito.
"Pasok ka muna. May binili lang si Shane sa labas pero pabalik na rin siguro 'yon." Anito. "May bibilhin nga rin pala ako saglit lang ako. Dito ka muna huh." Saad nito ng makapasok na 'yon. "Pero syemperd 'wag kang magnanakaw. Hehe. Joke lang. Promise mabilis lang talaga ako." Muling pahayag nito at tuluyan ng umalis.
Naiwang mag-isa si Christopher sa bahay at hindi n'ya maintindihan kung bakit may nag-uudyok sa kanyang silipin ang silid nina Shane. Nag-alinlangan s'ya noong una hanggang sa matagpuan na n'ya ang sariling tinitingnan ang silid mula sa pinto noon. Isang makinang na bagay sa bed side table ang nakakuha ng atensyon n'ya. Hindi n'ya 'yon masyadong makita dahil nakasabit 'yon sa picture frame ng magkaibigan. Balak n'ya sanang pumasok sa silid na 'yon upang tingnan ngunit boses ni Shane ang nakapigil sa kanya.
"Christopher?" may halong pagtatakang tinig ni Shane ng maabutan s'yang nasa pintuan ng silid. Agad naman s'yang napalingon dito.
Samantalang...
Natigilan si Richmond ng makita ang babaeng nasa loob na ngayon ng opisina n'ya. Nakabawi din naman kaagad s'ya sa pagkabigla sa prisensya noon.
"Elaiza, what are you doing here? May problema ba?" aniya saka inayos ang mga nakakalat ng file sa table n'ya.
"Wala naman. I just want to see if you're doing fine without ME." may pagkasarkastikang tugon ni Elaiza at binigyang diin ang huling salita. "Mukha namang okay ka. It's good to see that you're okay." Sambit nitong muli ng mapansin ang animo'y di naniniwalang anyo n'ya.
"Hindi ka ba hahanapin ng manager mo? Baka kz missing in action ka na naman at may mga appointments kang dapat na puntahan pero dahil sa'kin 'di mo na naman mapuntahan. O baka naman may press sa labas at maging issue 'to then sisihin mo ako." aniya in a cold voice.
"You hate issues, right? You hate it especially when you and I are both involve." Paglilinaw n'ya sa babae ng makita ang dismayadong tingin noon.
"Nagbago ka na talaga. I mean it's-"
"Lahat ng tao nagbabago, Elaiza. Depende kung anong gusto nilang gawin o mangyari sa buhay nila. So if you came here just to check if I'm okay then I'm telling you-" huminto s'ya at tinitigan 'yon, "-I'm FINE, SUPER FINE and DOING GREAT."
BINABASA MO ANG
THE MISSING PIECE
RomanceAno ang handa mong gawin para mapunan ang kakulangang nararamdaman ng iyong puso't isipan?? HIGHEST RANK: #5 out of 1.2k stories under #MISSINGSOMEONE -MhireJed/ItinakdangAsul- CJL