-------------------------------------------
Tahimik lang si Shane habang pinagmamasdan si Christoper na binubuhay ang flat screen. Hindi na n'ya sinabi pa dito ang tungkol sa komprontasyon na nangyari sa pagitan nila ni Mrs. Alicia tatlong araw na ang nakakalipas. Kasunod noo'y tumabi na sa kanya ito at hinawakan ang kamay n'ya.
"Seryoso ka." puna n'ya dito. "Ano bang mahalagang dapat nating panoorin ng sabay at sinundo mo pa talaga ako sa orphanage?" aniya na hindi na sinagot ni Christoper.
Humigpit lang ang hawak nito sa kamay n'ya at itinuon na rin n'ya ang mata sa flat screen.
Hanggang sa...
"I don't want to do this but I need to. Kahapon, after hearing ma talking with someone on the phone, I accidentally discovered na-" huminga ito ng malalim at napapikit na iniinda ang sakit. "-buhay pa ang papa ng babaeng pinakamamahal ko. I wanted to let her know kaso ipinagtabuyan ko na nga pala s'ya sa buhay ko. Then mom learned about me discovering about her huge secret. Nakiusap s'yang ilihim ko na lang kung ano 'yong nalaman ko. Mahal ko ang mama ko, sobrang mahal na hindi ko alam kung bakit kailangan kong pa s'yang saktan." anito at namilipit sa sakit pero mas ininda 'yon. "Shane, if you're watching this right now, muli akong humihingi ng tawad for everything. For keeping a secret na dapat mong nalaman. I'm sorry." tumungo ito ngunit sa kilos ay iniinda nito ang sakit na nararamdaman mula sa ulo. "Ako at ang mama mo. We almost ruined your life. Her for keeping your father away from you and me for lying because of so much love. Gusto ko sana na ako ang kasama mo habang kayakap mo na ang papa mo pero hindi naman na pwede. It maybe too late pero sana lang mapatawad mo si mama. Kahit si mama na lang. Kahit s'ya na lang." muli itong huminga ng malalim. "First love ng mama ko ang papa mo and she has plan on marrying him pero hindi n'ya ginawa because of me. She took care of your father so much. 'Yon nga lang inilihim n'ya 'yon. Pero maniwala ka, inalagaan n'ya ang papa mo the way he took care of me."
Ramdam ni Christopher na hindi s'ya makapaniwala sa napapanood dahil sa panginginig ng kamay n'ya. Ngunit sa halip na magalit ay mas nangibabaw ang pangungulila sa kanya. Hindi kapani-paniwala pero pakiramdam n'ya nakahinga s'ya ng maluwag knowing na buhay pa ang papa n'ya. Naramdaman n'ya ang pagpisil nito sa palad n'ya. Alam n'ya kung bakit hindi s'ya makaramdam ng sobrang lungkot dahil nasa tabi n'ya ito.
"Shane, if you're watching this now that means something is breaking your heart that much. I hope this will help ease the pain you're feeling right now. Wala ako sa tabi mo pero sigurado naman akong sa mga oras na ito may isang taong pwedeng magpakalma sa'yo. Patawarin mo ako. You're the best thing that ever happened in my life. It might be too hard for you to believe that right now pero maniwala ka minahal talaga kita. If God will ask me to choose someone I will love in the next life I will still choose you. Paulit-ulit kitang pipiliin kahit pa ang ibig sabihin noo'y paulit-ulit din lang akong mabibigo't masasaktan. Dahil nga mahal kita pipiliin ko 'yong maging masaya ka. Kaya kunin mo na, bawiin mo na ang papa mo kay mama dahil sigurado akong nangungulila din s'ya sa'yo. Sana-" hindi na nito naituloy ang sasabihin nang biglang bumagsak ito sa floor. Dumating naman kaagad si Jessica. Nakita nilang may ibinulong pa ito doon. Pinatay ni Jessica ang videocam.
Lunok na lang ng laway ang narinig ni Christoper mula sa kanya. Hindi n'ya na alam kung paano mag-re-react. Ganun ba talaga s'ya kamahal ni Jojo para sabihing paulit-ulit lang s'yang pipiliin nito. Naawa s'ya dito kalakip ang lungkot. Naramdaman n'yang niyakap s'ya ni Christoper.
"Iiyak ka? Sige umiyak ka na." anito
Pero bakit nga ba hindi s'ya makaramdam na gusto n'yang umiyak nong mga oras na 'yon. Siguro dahil napapapagod na rin s'yang lumuha sa tuwing may mga rebelasyong sumsampal sa mukha n'ya. Gumanti lang s'ya ng yakap dito sa halip na umiyak. Relieved, 'yon ang naramdaman n'ya nang mapanood ang video. Siguro dahil na rin sa kasama n'ya si Christoper nong mga oras na 'yon.
"Babawiin ko na ang papa ko sa stepmom mo." basag n'ya sa pananahimik habang nagluluto si Christoper.
Nakita n'ya ang naging reaksyon nito sa sinabi n'ya. Pero hindi n'ya ito kinakitaan ng pagtutol.
"Tulungan mo ako." aniya at nilapitan s'ya nito pagkatapos tanggalin ang aprong suot. "Kukunin ko na s'ya sa stepmom mo."
Tumango-tango lang ito sa kanya saka niyakap s'ya. Ramdam n'yang tutulungan s'ya nito. Pero ramdam n'ya ring nahihirapan ito sa sitwasyon.
Samantalang...
Yakap mula kay Angelique ang natanggap ni Jennifer habang nasa loob s'ya ng Music Hall. S'ya na ang napiling representative ng University para maging lead actress sa theatre act na ilalaban nila sa ibang University. Sobrang saya n'ya. Finally after some time heto na't iniimikan at pinapansin na s'ya ni Angelique.
"Namiss kita." ani Angelique nang umalis sa pagyakap sa kanya. "Good luck sa performance n'yo next month. Galingan mo kasi manonood kami." anitong muli at tiningnan sina Marco na nasa may pintuan ng Music Hall.
"Ang saya." maigsing sambit n'ya.
"Syempre dapat masaya ka at ease 'yang mind mo for the performance." ani Luke na bigla silang pinicturan ni Angelique. "Wow! Sobrang ganda mo pa rin. Pang-post sa twitter. Trending 'to for sure." pabirong sambit pa nito.
"Burahin mo 'yan!" utos ni Angelique na animo pinag-isipan pa ni Luke bago tuluyang deletin ang picture.
"Takot ko na lang sa'yo." ani Luke at umakbay pa kay Jennifer. "Hindi ko alam kung bakit naging kaibigan mo 'yan. Hindi ko maipaliwanag kung tigre ba s'ya o lion." anito na lalo lang ikinainis ni Angelique. The next thing parang mga bata na itong naghahabulan sa loob ng Music Hall.
"Mukhang okay na s'ya." ani Derrick na hindi na n'ya namalayang nasa tabi na n'ya. "Eh tayo kaya? Kelan magiging okay?" muling saaad nito.
"Hoy kayong dalawa d'yan." sigaw ni Luke nang huminto sa pagtakbo. Lumingon naman silang dalawa kasabay noon kinunan sila noon ng picture. Saka muling tumakbo nang makitang palapit na si Angelique. "Bakit ba ang sweet n'yo pa ring tingnan. Nakakapagselos talaga, oh'oh." pabirong sambit pa nito.
"Tingnan mo 'yang si Luke nagawa pang idaan sa biro 'yong nararamdaman." mahinang wika ni Dandrev.
"May sinasabi ka Drev?" tanong naman ni Marco.
"Kung may sinasabi 'yan, palagay mo sasabihin n'ya sa'yo? 'Wag mo na lang 'yang pansinin, mag-i-start na practice nina Jen." sabad naman ni Earl saka ay pumunta na sa upuan malapit sa entablado.
Napangiti na lang s'ya habang pinagmamasdan ang mga ito at si Derrick na nakangiti rin sa kanya.
To be continued..
BINABASA MO ANG
THE MISSING PIECE
RomanceAno ang handa mong gawin para mapunan ang kakulangang nararamdaman ng iyong puso't isipan?? HIGHEST RANK: #5 out of 1.2k stories under #MISSINGSOMEONE -MhireJed/ItinakdangAsul- CJL