Los Angeles...
Malakas na tunog ng cellphone ang naging dahilan upang magising ang natutulog na nakadapang lalaki sa kama. Pilit na naghagilap ang kamay n'ya at nadampot naman n'ya ang cellphone. Sa ginawa n'yang pagkilos ay gumalaw ang katabi n'ya pero hindi naman 'yon nagising sa halip ay ikiniling lang ang ulo. Idinikit n'ya ang cellphone sa tenga at nagsimulang sumagot pero nanatiling naka-ub-ob sa unan ang mukha.
"Kelan ka uuwi? Hinihintay ka na ng kuya mo. May importante s'yang sasabihin sa'yo." anang nasa kabilang linya pero hindi naman s'ya nagsalita.
"Hello Chris? Chris, are you still there?" muling tanong nito. Bumuntong hininga muna s'ya bago tuluyang tumihaya saka ay bumangon at naupo sa kama.
"Christop, is there a problem?" tanong ng naalimpungatang babae na sa halip sagutin n'ya ay tinapunan n'ya lang ng ngiti at muling bumaling sa kausap sa cp.
"I'm still here, madam! Ang 'aga n'yong tumawag. Two hours pa lang akong nakakatulog." wala sa pusong tugon n'ya saka naupo sa kama.
"Kailangan ka ng kuya mo, umuwi ka na. Nakikiusap ako."
Tumalim ang pagkakatitig ng mapupungay n'yang mga mata at nagkaroon ng pait ang ginawa n'yang pagngiti dahil sa sinabi ng nasa kabilang linya.
"Kelan ka uuwi? Eight years ka ng hindi nagpapakita sa'min. Umuwi ka na, please."
"Kung gusto n'yo pang magkaroon pa tayo ng communication, eh 'wag n'yong ipilit sa'kin ang mga bagay na ayaw ko, Madam!" makapangyarihan ang tinig n'ya na nagpatigil sa kausap. Muli s'yang ngumiti.
"Madam, okay ka lang?" dugtong na tanong n'ya pa na tinugon naman muna ng buntong hininga ng nasa kabilang linya.
"Kelan mo ba pagbibigyan ang kapatid mo? Kelan ka babalik dito sa Pilipinas?" seryoso ang tinig nito ngunit may tono ng sobrang pagdidemand.
Tumitig s'ya sa kawalan at ngumiti na may halong galit. Ang puso n'ya rin ay may galit pang nararamdaman. Ayaw n'yang sumagot dahil baka makapagsalita pa s'ya ng hindi maganda. Nagtitimpi s'ya pero sadyang makulit at mapilit ang nasa kabilang linya.
"Christop gusto ka ng makita ng kuya mo. Kelan ka babalik? Magpasabi ka lang at ako mismo ang susundo sa'yo." muling sambit nito.
"Bakit ba ang kulit n'yo? Gusto n'yo talagang malaman kung kelan ako babalik? Gusto n'yo, huh?" matapang ang tinig n'ya na naging dahilan upang maupo na rin sa tabi n'ya ang babaeng kasama n'ya sa condo.
"Babalik lang ako d'yan kapag NAMATAY na S'YA!" aniya at tuluyan ng pinatayan ang cp ang kausap.
"Christop, is that your mom?" usisa ng babaeng kasama n'ya. Sa halip na sumagot ay tumayo na s'ya at dumiretso sa shower room. Ang pagbagsak ng malamig na tubig sa katawan n'ya ay tila nakapagpagaaan sa galit na nararamdaman ng puso n'ya ngunit nananatiling matalim ang titig n'ya sa wall noon.
S'ya si CHRISTOPER VILLAMOR AQUINO ay anak ng may ari ng may pinakamalalaking hotel at condominium sa Pinas at idagdag pa ang construction company na ipinangalan pa sa kanya ng yumao n'yang ama. Twenty seven years old, Engineering graduate at palaboy (meaning kahit saan saan na s'ya napupunta ngunit dito sa Los Angeles s'ya nagtagal dahil dito n'ya nakilala si Bella, ang malapit n'yang kaibigan). His eyes is his best asset, mapupungay ang paris noon na sadyang ka-akit-akit. He's a so hot bachelor, hehehe. Walong taon na rin s'yang hindi tumutuntong ng Pilipinas-one year sa Australia, one year sa London, one year sa Japan, two years sa Paris at three years naman dito sa Los Angeles, that's because he felt na wala naman na s'yang rason para bumalik pa sa Pinas. Only son s'ya until just a year after his mom died eh nag-asawa muli ang daddy n'ya at nagkaroon nga s'ya ng stepmom and step brother. Mabait ang step mom n'ya kahit hindi n'ya 'yon aminin doon pero hindi n'ya nga lang 'yon magustuhan dahil sa katotohanang pakiwari n'ya inagaw noon ang lugar ng mama n'ya sa bahay nila. Ang step brother n'ya? No comment s'ya doon because he doesn't even like him in the first place. Pakiramdam n'ya kz his step brother stole everything from him. Kaya instead of being a good guy eh naging pasaway s'ya at sobrang naging sakit sa ulo ng papa n'ya para lang mapansin noon. Wala na s'yang balak bumalik pa ng Pinas lalo na kung step brother n'ya lang ang nagrerequest. What for? His father died eight years ago kaya wala na s'yang nakikitang dahilan para bumalik pa.
Bihis na ang babaeng iniwan n'ya kanina nang makalabas s'ya ng shower room. Hinalikan muna s'ya noon bago tuluyang umalis. She's Bella Smith-his closefriend. Hindi n'ya 'yon girlfriend just his friend because just like him she doesn't want any commitment kahit minsan na 'yong umamin na mahal s'ya noon.
"Are you leaving?" tanong n'ya.
"I need to go. Today is my mom's birthday." tugon ni Bella. "Love yeah." Huling sambit nito at tuluyan ng umalis.
Nang makaalis na 'yon ay automatikong kinuha n'ya ang cp n'ya at tinawagan 'yon. "Bella, just give tita my greetings. Take care." Aniya at hindi na hinintay pang sumagot ang babae dahil ibinaba na kaagad n'ya 'yon. Kasunod noon nagsimula na naman s'yang mag-sketch ng isang building.
To be continued...
BINABASA MO ANG
THE MISSING PIECE
RomanceAno ang handa mong gawin para mapunan ang kakulangang nararamdaman ng iyong puso't isipan?? HIGHEST RANK: #5 out of 1.2k stories under #MISSINGSOMEONE -MhireJed/ItinakdangAsul- CJL