TMP 56 #AnActOfPain

671 9 0
                                    


Para sa kanila, napakahirap ng pinaggagagawa nila at ganun din kay Richmond. They started the plan. Isang linggong tiniis nilang hindi magkita, mag-usap o magtext ni Christoper. Thanks to Merthiel na s'yang naghahawak ng cell phone n'ya. Thanks to Jessica na hindi nakakalimot na paalalahanan si Christoper. Then they come to the hardest part. Hindi nila alam kung magiging effective sila but they are hoping dahil dito magdidikta kung tuloy-tuloy na ang plano nila.

"Tita thank you for bringing me here. Na-miss ko lang talaga si Jojo. Thank you." ani Jessica habang papasok sila ng restaurant kasama si Mrs. Alicia.

"You should have told me na naririto ka pala. Eh di sana naisama kita dito ng mas maaga. Kung hindi pa kita makikita sa puntod ni Jojo eh hindi ko pa malalamang balik Pinas ka na." sagot naman nito.

"Mas magpapasalamat pa nga sana ako kung ikaw na lang ang minahal ni Jojo. Hindi na sana-" Hindi na naituloy nito ang sasabihin ng makita sina Christoper at Shane sa table na malapit sa may bintana. Napansin nitong animo nagmamakaawa si Christoper kay Shane.

"Tita?" ani Jessica na sinundan ang mata nito. "Si Christoper 'yon ah." aniya at akmang pupuntahan sana pero pinigilan naman ni Mrs. Alicia.

"Let it be. We shouldn't let them know na nandito tayo. I think there's something going on between them." anito at hinila s'ya sa table na hindi kita nina Shane pero kita nila ang mga 'yon.

"Tita hindi po ba-"

"Jess, I think may problema silang dalawa. Ito na siguro 'yong hinintay kong pagkakataon." anito sa kanya at saka hindi pa rin inaalis ang mata nito kina Christoper habang lihim naman s'yang nagdidiwang.

"Then this is our chance as well." piping sambit ng isip ni Jessica.

"Looks like nagwork ang pangongonsensya ko sa kanya." muling sambit nito habang nakatuon pa rin ang mga mata sa kinaroroonan nila Shane.

"What do you mean tita?" usisa n'ya.

"I think it's going to be a great day for us, Jess." baling nito sa kanya saka umorder na ng makakain nila.

Sa panig naman nina Shane...

Halos gusto na n'yang magback-out nang mapansing pumasok na ng restaurant sina Jessica. Pakiramdam kasi n'ya hindi magiging effective ang acting n'ya. Pero mukha ng ama n'ya ang naging tanging pinaghugutan nya.

"Hanggang dito na lang tayo. Ayoko na." aniya na hindi n'ya namalayang naging dahilan para pumatak ang luha n'ya.

Oo. Palabas lang ang ginagawa nila pero pakiramdam n'ya totoo 'yon. Pakiramdam n'ya hinahati ang puso n'ya nang bitiwan ang katagang 'yon.

"Siguro ako nga talaga ang dahilan kung bakit namatay si Jojo. Siguro ako nga talaga ang dapat sisihin sa bagay na 'yon. Pero ayoko ng paulit-ulit pang ipinapamukha sa'kin ng stepmom mo ang tungkol sa bagay na 'yon. Pagod na pagod na ako na marinig 'yon. Pagod na pagod na rin akong ipagtanggol ang sarili ko." aniyang muli.

Hindi pa rin humihinto ang pagpatak ng luha n'ya. Hindi n'ya mapigilan. Naalala n'ya kasi nong mga oras na 'yon kung paano n'ya isinuko si Christoper, kung paano nasaktan si Jojo at kung paano naging komplikado ang pagkakaibigan nila ni Richmond.

Hindi inasahan ni Christopher ang makita ang pagluha n'ya. Napansin n'yang maging ito ay naapektuhan sa nangyari. Eh ano bang magagawa n'ya kung ayaw tumigil ang pagpatak noon.

"Wag naman ganito oh. Nangako tayo diba? Malalagpasan din natin ito. Kaya 'wag mo naman akong iwan oh. Wag ka namang sumuko oh." ani Christopher na nong mga pagkakataong 'yon ay kumukuha ng emosyon sa nangyaring pagsuko n'ya minsan dito. Hinawakan nito ang kamay n'ya.

THE MISSING PIECETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon