TMP 58 #Ang Muling Pagkikita

693 16 0
                                    

Walang kahirap-hirap dahil pagkadoorbell na pagkadoorbell nila sa gate ng townhouse walang question silang pinapasok ng gwardya. Habang si Richmond ay naiwan sa sasakyan 300meters ang layo mula sa townhouse.

"Maganda naman pala ang mga pamangkin ni Mam Alicia. Hindi n'ya nabanggit sa'kin yon. Kung hindi pa magkakaroon ng malaking krisis ang kompanya hindi ko pa kayo makikilala iha." ani Manang Hasmin nang makapasok na sila sa loob.

"Salamat naman po." sagot naman ni Jessica.

"Oh s'ya may inihanda akong makakain n'yo alam kong pagod kayo. Mamaya n'yo na tingnan si Conrad. Ang sabi ni Mam Alicia makakatulong kayo para kumain s'ya." muling saad nito na pinaunlakan nila.

"Hindi po s'ya kumakain?" tanong ni Merthiel.

"Hindi ba nabanggit sa inyo ni Mam Alicia?" balik tanong nito sa kanila.

"Ang sabi lang po kasi sa'min ni Tita bisitahin lang si Tito Conrad at siguraduhing okay pero hindi n'ya po nabanggit na hindi kumakain. Baka ito po 'yong gusto n'yang ipahiwatig na siguraduhing okay si Tito." salo ni Jessica.

"Ah. Nagkataon naman ang punta n'yo dito dahil may sakit si Liezelle. Eh s'ya lang 'yong direktang tumitingin kay Conrad. May dalawa pang nurse kaso hindi ko naman sila pinapapasok ng kwarto, 'yon kasi ang bilin ni Mam." anito

"May sakit? Eh nasan po s'ya?" usisa ni Jessica.

"Pinauwi ko muna. Naku ipapaalam ko nga pala kay Mam Alicia ang tungkol doon. Total nandito naman na kayo sasabihin ko na ring nakarating kayo ng safe." anito at tuluyan ng idinial ang number noon.

Huli na para mapigilan nila ito laking pasasalamat na lang nila dahil hindi sinasagot noon ang tawag nito.

"Masyadong busy si Tita para masagot hu kayo." ani Merthiel.

"Oo nga noh. Sige, ittext ko na lang." anito na hindi na naman nila napigilan.

Samantalang naiwan naman ni Mrs. Alicia ang phone sa bahay. Hindi n'ya na rin 'yon ma-check sa sobrang dami ng trabaho sa opisina. Kaya naman hindi nito alam na tumatawag at nagti-text si Manang Hasmin. Si Christoper sinisiguro namang hindi nakakaalis sa paningin n'ya ito.

Tuluyan ng nakita nina Merthiel ng personal ang papa ni Shane. Naka-wheelchair ito at bakas sa mukha ang labis na pangungulila.

"Mr. Conrad?" ani Jessica na sinagot lang naman noon ng sulyap. Halatang pagod 'yon. Nalaman nila kung bakit dahil mga nagkalat ang gamit sa loob ng kwarto noon.

"Jessica, malulungkot si Shane kapag nakita n'yang ganyan ang papa n'ya." bulong ni Merthiel.

"Wala na tayong masyadong oras. Kailangan na nating isunod ang plano. Maya-maya lang magpapameryenda na si Manang Hasmin." ani Jessica.

"Inihahanda ko na ang kakainin n'ya. Kayo na ang bahala, ha? Tsaka maghahanda na rin ako ng makakain nina Dexter."

"Tulungan ko na po kayo." pagpipresenta ni Merthiel pero tinanggihan ng matanda.

"Kung hindi natin s'ya matutulungan paano natin-"

"Ako ng bahala." ani Jessica sa mga sasabihin pa sana ni Merthiel.

Walang kamalay-malay si Manang Hasmin na habang nasa CR s'ya ay nakasalisi na si Jessica. Mula sa bulsa n'ya ay kinuha ang isang pakete at saka ibinuhos 'yon sa pitchel na may lamang juice. That's it. Nagawa na n'ya 'yon habang kinukwento naman ni Merthiel ang dalawang nurse. Wala na s'ya doon ng lumabas si Manang Hasmin sa CR. Nang makabalik s'ya sa kinaroroonan ni Merthiel kinindatan n'ya ito hudyat na nagawa na n'ya ang plano. Kasunod noon bumalik sila sa silid na kinaroroonan ni Mr. Conrad.

THE MISSING PIECETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon