[Mia's POV]
'Pinaglaruan lang kita, Mia.'
'No, no, no. Alam kong nagbibiro ka lang. Hindi ba? Please. Sabihin mong nagbibiro ka lang. Please...'
''Hindi ako nagbibiro at hindi kita mahal, minahal, at mamahalin kelanman...'
Isang likod ng lalakeng palayo sakin ang nakikita ko. Hindi ko magawang habulin ito sapagkat lumalayo pa rin ito.
"TYRONE!"
Hay. Nananaginip nanaman pala ako. Tsk. Alas tres palang pala. Hay. Mahihirapan nanaman akong makatulog.
****
[Knight's POV]
"Manang, ginising mo na ba si Mia? May klase pa kami ngayon e."
"Sinubukan kong gisingin pero wala. Tulog pa rin siya. Ikaw nga, subukan mo."
I have a bright idea! *insert bumbilya here* HAHAHAHAHAHAHHAHAHA
Kinuha ko lahat ng damit ko sa wardrobe ko. Sinubukan ko munang kumatok sa pinto ng kwarto niya pero wala. Tulog mantika talaga. Mabuti naman. Masasagawa ko ang plano. HAHAHAHAHA
Pumasok ako ng kwarto niya at yinugyog siya. Medyo dumilat na ang mata niya pero halata pa ring antok siya.
"Miaaaaaa! Mia, dalian mo! Daliiii!" sabi ko na parang natataranta. Tae. Natatawa ako pero pinipigilan ko. Hahaha! Ang hirap magpigil!
"Baket nanaman ba?" tanong niya habang humihikab pa.
"Dalian mo! MAY SUNOOOOOOG!" agad akong tumakbo papunta sa pinto.
"SUNOOOOOG?!" Nakita ko namang nataranta siya at hinalungkat lahat ng damit niya sa wardrobe. Kamuntikan pa ngang madapa eh.
Nakalabas na ako ng kwarto niya. HAHAHHAHAAHAHAHAHAHHAHAHA. Tae. Grabe tawa ko. Itsura niya lang. HAHAAHAHAHAHAHAHHAHAHAHA. Sarap video-han! Hahahaha. Ang sakit sa tyan! XD
Paglabas niya ng kwarto niya. "OH?! ANO PANG TINATAYO-TAYO MO JAN? MAY SUNOG DIBA? DALIAN MOOO! TEKA, SI MANANG?!"
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"
"HOY! ANONG NAKAKATAWA? HALIKA NA!" sabi niya habang hinihigit ang kwelyo ko
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHA. ASAN ANG SUNOG? HAHAHAHAHAH" Napatingin naman siya sa paligid at dun niya lang narealize na walang sunog. HAHAHAHAHAHAHHA
"GAGO KA TALAGA! GAAAAAAAAHD! NAKAKAINIS! IT'S NOT EVEN FUNNY! BAHALA KA SA BUHAY MO!" Bumalik siya sa kwarto niya at pinagsarhan ako ng pinto. Tae. Di ko mapigilan tawa ko. Hahahahahaha.
Kinatok ko yung pinto. "Hahahaha! Ikaw naman kasi masyadong tulog mantika. Eh may Saturday class pa tayo! Yun nalang ang naisip kong paraan para magising ka. Hahahaha. Bumaba ka na nga pala, kakain na. HAHAAHAHAHAHAHAHAHAHAHA. Ay nga pala, muntik ko nang makalimutan, mamayang hapon ang uwi ng Kuya Henry mo sa Pilipinas. Wala lang, pinapasabi niya lang."
[Mia's POV]
Nag-aayos na ako ng gamit for school pero di ko mapigilang maalala yung kanina. Nakakainis talaga! Shit lang. Sarap niyang sapakin ng kaliwa't kanan! >______<
Tapos wow lang ha! Siya pa mas unang nakaalam na uuwi si Kuya mamaya! Siya ba talaga yung kapatid o ako?! Bwiset.
Palabas na sana ako ng kwarto nang tumunog yung phone ko. Buti tumunog! Kamuntikan ko ng makalimutan dalhin.
BINABASA MO ANG
Mission101: Escape
Humor[RomCom Teenfic] "It's easier to feign affection than to feign hate when love is what you really feel."
