Mission 31 - Again

636 13 8
                                        

"SINO KA?!"

Gahd! Nakatapis pa rin ako ngayon at nasa harapan ko ang isang lalakeng hindi ko naman kilala sa loob ng kwarto ko. Take note, sa kwarto ko mismo!

"A-ano... Ako?" Bigla siyang nataranta na para bang may ginagawa siyang kababalaghan dito sa kwarto ko bago pa ako makarating. He's out of words. Got ya!

Huminga ako ng malalim at naghanda para sa isang malakas na "AHHHHHH!!!"

Tili kung tili na talaga ito! Mamaya serial killer tong lalakeng to at ako pa ang unang biktimahin, kaya eto, titili na ako ng pagkalakas-lakas para marinig ako ng kung sino man sa labas. Sana may butler na makarinig!

Kaso bigla siyang lumapit. "Wa-wag kang sisigaw! Teka lang! Let me explain!" Nakataas pa yung kanang kamay niya na para bang pinipigilan niya ako pero halatang takot naman siya.

Humakbang pa ulit siya. Nataranta naman ako! Duhh, nakatapis pa ako noh! "Wag kang lalapit!!!" Binantaan ko siya at hinawakan ko na ang kung anumang bagay ang mahawakan ko sa likod ko. Sakto, isang malaking bote ng lotion ang nakuha ng kamay ko. Buti nalang plastic bottle to. Bahala na! "Sige! Lumapit ka, tatamaan ka sakin!"

"Hindi! Hindi! Teka lang naman kasi!" natataranta pa ulit siya. Humakbang ulit siya dahil parang gusto niya ng kunin yung bote ng lotion para hindi ko na maibato sakanya.

Nang humakbang pa ulit siya, "AHHHHH!" sigaw ko sabay bato nung lotion.

Akala ko okay na, kaso nakailag siya! Bwiset! Natapon pa yung lotion sa sahig kasi nagcrack yung plastic bottle ng lotion! Argh! Mahal yun!!!

"HOY MUNTIK MO NA AKONG MATAMAAN!"

"AHHHHH!" kumuha ulit ako ng bagay sa likod ko at yung paddle brush naman ang nakuha ko. Naku! Malaki to kaya kapag tumama to sa mukha niya, talagang tulog siya!

Tinapon ko na ulit yung paddle brush kaso boplaks! Wala! Ang galing niyang umiwas! Siguro athlete to, ang galing ng reflex action niya eh!

"ABA TALAGANG! PAPATAYIN MO BA AKO?! TEKA LANG NAMAN KASI! TAMA NA!"

Ahh hindi ka pa titigil?! Kumuha ako ulit ng bagay sa likod ko, kamuntikan ko pang hindi maabot yung bagay na yun at di nagtagal, naabot ko na. Isang malaking bottle pulbo. Eto, ikatlong beses na to, please lang, tumama ka na!

"MANYAKIIIIIIIS!" sigaw ko habang inaangat sa ere yung kamay ko para itapon yung pulbo sakanya.

Pero natuto na ako this time! Inuto ko siya! Hindi ko muna talaga hinagis sa mukha niya yung pulbo. Kaya nung nakita niyang itatapon ko na, umilag siya. At nung nakailag na siya kahit hindi ko pa naman talaga tinatapon, saka ko na tuluyang tinapon sa mukha niya.

At sapul! Bull's eye, baby! "ARAY!" sabi niya sabay bagsak sa sahig. Muntik pa akong matawa dahil punumpuno na ng pulbo ang mukha, buhok, at damit niya! Hahahaha!

Pero hindi ko nagawang tumawa dahil kasabay ng pagbagsak niya ay ang pagkalaglag ng singsing ko sa daliri ko. "Shit!" as in S.H.I.T! Dahil yun ang engagement ring namin ni Knight!

Mission101: EscapeMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon