Mission 20.3 - Who The Hell

1.1K 21 14
                                    

[Mia's POV]

"ANO?! TEKA. AKALA KO BA SIYA SI?" Kinamot niya yung batok niya at umiling-iling pa. Nahalata ko ring nagcurve yung lips niya na parang nangingiti siya sa reaction ko. "PINAGLOLOLOKO NIYO BA AKO?!"

"Hindi ko naman siya tinawag ng ganun ah? Bakit? Kelan mo ba akong narinig na tinawag siyang 'Jazz'?"

Oo nga naman. Hindi ko siya narinig tawagin ng 'Jazz' ang babaeng iyon. Kaya pala! Kaya pala mukhang hindi sila mag-ex! Kaya pala hindi sila bitter sa isa't isa! Kaya pala sinabi nung babaeng yun na gusto niya ako para kay Knight! Kaya pala ang gulo niyang kausap kanina! Kaya pala! Argh! "Pero hindi rin kita narinig na kontrahin yung pagpapakilala niya. Hinyaan mo lang akong maniwala na siya si Jazz! Nakakainis ka! Pinaglololoko mo ako!"

"Eh at least, sinabi ko na sayo ngayon!"

Pinalo ko siya sa inis. "Che! Kung hindi ko pa kayo nabuking, hindi mo naman aaminin! Bwiset! Bwiset! Bwiset!" Pinalo-palo ko ulit siya. "Teka, kung hindi siya si Jazz, sino yun?! Ha?!"

Sasagot na sana si Knight kaso biglang bumukas yung pinto at pumasok yung babaeng akala ko si Jazz sa kwarto ko. Halatang narinig niya yung usapan namin, "I told you already. I'm the girl who makes your self-esteem go away. Precious Nicole Dy is the name, but I prefer Nikki. I am Knight's bestfriend. A girl who ran away from her parents. So again, it's nice to meet you." sunod-sunod na sabi nung babae pagkapasok ng kwarto. Tinapon niya sa kama yung phone niya at umapit siya dun sa maleta niya para kumuha ng damit. Sinimulan niyang itaas yung hem ng damit niya. Mukha yatang magbibihis siya. Nilingon niya kami, "Are you sure that you, guys, will watch me change my clothes?"

Natauhan naman kaming dalawa ni Knight na nakabukas lang ang bibig, kaya lumabas kami kaagad ng kwarto. Teka, kwarto ko yun ah. Basots na bata! Akala mo naman kanya yung kwartong yun! Bwiset!

Pero teka, di ko maabsorb yung sinabi niya kanina. Precious Nicole Dy. Nikki. Knight's Bestfriend...

Ahh! Gets! Tch. Nikki the bitch. -________-

"Pagpasensyahan mo na yun. Ganun talaga yun. Medyo maarte at liberated. Hahaha!" sabi ni Knight sakin.

"I don't care."

"Kaya pala nagmamaktol ka kanina sa kwarto mo. Selosa." bulong ni Knight sa sarili niya habang nagsoscroll sa phone niya.

"Ano?!" Hindi ko kasi narinig. -_____-

"Wala. Nga pala, Mia." sabi ni Knight habang nakatingin sa cellphone niya. "Nagtext si Papa. Sabihin ko daw sayo." Inabot niya yung phone niya sakin para ipabasa yung message.

'Son, we'll be celebrating our New Year's Eve at your future grandfather-in-law's mansion. We'll see you there with your fiancee. Okay?'

Bakit sa mansion pa ni Lolo sila magcecelebrate?! Di ba pwedeng magkaroon naman ako ng break sa pagmumukha ng lalakeng ito?! Sawang-sawa na ako! Ayoko na!

"Oh, bago ka pa magreklamo na sawang-sawa ka na sa pagmumukha ko, may sasabihin ako." Biglang naging seryoso yung mukha niya. Nabasa niya ba yung nasa isip ko? Yeah right. Whatever.

"Ano?"

"Gusto ko, sa New Year's Eve..." Napalunok muna siya bago nagsalita ulit, "Gusto ko sanang sa gabing iyon na rin natin tapusin ang mission." Tinignan niya ako sa mata, "Mia, gusto ko nang gawin ang final step. I want to break our feigned relationship."

----

A/N: Sorry, ang iksi. Hahaha! Chapter 20.3 naman ito eh, kaya okay lang. Mahaba naman yung mga naunang chappies. Hahaha!

Mission101: EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon