"Kapag natalo mo ako jan, kahit anong wish mo, tutuparin ko. PERO kapag ako naman ang nanalo, tutuparin mo ang wish ko. Deal?"
Bahala na. "Deal." Inabot ko yung kamay niya at nagshake hands kami.
Hinintay naming maging available yung dalawang Basketball arcade na magkatabi. Nilagay ko si Shrek sa parang desk sa arcade.
Akala ko magsisimula na kaming dalawa maglaro pero may bigla siyang inabot na permanent marker. "Oh, pumirma ka."
"Ha? Pirmahan ang alin?" Inabot ko yung marker kahit hindi ko alam kung anong pipirmahan.
"Ang kontrata." Tinuro niya yung gilid nung basketball arcade niya kaya napasilip naman ako sa kung anong kontrata ang tinuturo niya. Pagtingin ko, may nakasulat na vandal in small font, "Wish Contract." tapos may pirma niya sa ibaba nun.
Tinignan ko siya ng may halong pagtataka, "Kailangan pa ba neto?"
"Syempre, baka hindi mo tuparin yung wish ko. Tss, alam ko namang ako ang mananalo eh." mayabang na pagkakasabi niya. Whoosh! Ang hangin, pre! Pati ba naman sa loob ng WOF, may hanging habagat na namumuo? Ay nako.
"Kapal mo! Buti nalang pumirma ka na kasi baka ikaw yung hindi tumupad ng wish ko!" mayabang ko ring pagkakasabi tapos pinirmahan ko na yung kontrata niya.
Hay nako. Nakagawa nanaman kami ng isa pang kontrata, eh hindi pa nga namin natatapos yung isa. Tsk.
Pumunta na ako dun sa basketball arcade ko. Pero tinignan ko muna siya, "Ngayon palang sasabihin ko na yung wish ko, since alam ko namang ako ang mananalo... Buy me that freaking teddy bear. That's my wish." Napasmirk lang siya sa sinabi ko. Tsk! Ang yabang talaga!
Sabay naming nilagyan ni Knight ng dalawang token yung arcades namin at sabay rin naming pinindot yung Play button. Ohjusko. Sa ngalan ni Doraemon, sana manalo ako...
Nagsimula na ang laro. Shoot lang ako ng shoot. Buti nalang at nakakapasok naman halos lahat ng tira ko. Umabot pa nga ng Round 2 eh. Kaso pagtingin ko sa katabi ko, magra-Round 2 na rin pala siya. Huhuhu! Lord, sige na please. Panaluhin mo na ako...
Kaso pagtapos nung Round 2, hindi na ako umabot sa next round. Hindi kasi umabot sa kota yung score ko. Tss. Pero eto namang si Knight, umabot pa ng Round 3. Tae lang!!!
Shoot lang siya ng shoot pero hindi mawala-wala yung ngiti niya sa labi. Narealize niya rin kasi sigurong hindi ako umabot sa kota. Tss. "Oh pano ba yan?" sabi niya pagkatapos.
"Tss. Oo na! Oo na!" Tinignan ko lang siya nang matalim. Nakakainis kasi yung pagmumukha niya, nakakaasar. Ngiting-ngiti masyado. Psh. "Ano ba wish mo?!"
"Hmm." Tumingala siya at nilagay ang kamay sa ilalim ng baba na animoy nag-iisip ng malalim.
Nakakairita yung itsura niya. Nang-aasar tong gagong to eh! Tinapon ko yung Shrek stuffy toy sa mukha niya. "Unggoy! Bilisan mo na nga! Ang dami mong arte!"
"Hoy! Grabe ka talaga! Sadista ka kahit sa bagay! Amiazona!!! Psh!" Sa-pilitang binigay niya sakin yung Shrek stuff toy. "Alagaan mo nga yan! Cute cute nga eh!"
"Whatever. Ano nga yung wish mo?"
"Pag-iisipan ko muna... Irereserba ko muna yun. Pero habang hindi ko pa alam kung ano yung hihilingin ko.." Bigla niyang hinila yung kamay ko at dinala ako sa isang lugar sa loob ng Wof. Naramdaman ko nalang nakaupo na pala ako sa audience bench. "Kanta muna tayo!"
"Ano?!" hindi makapaniwalang tanong ko sakanya. Hindi niya na ako narinig dahil pumunta na siya kaagad dun sa mini stage at nagsearch sa songlist.
Talaga bang itutuloy niya to?! Bwiset. Nakakahiya kaya! Buti sana kung dun sa loob ng room kami kakanta, eh ang kaso, hindi! Dun kami sa exposed. Ang dami pa namang tao!
BINABASA MO ANG
Mission101: Escape
Mizah[RomCom Teenfic] "It's easier to feign affection than to feign hate when love is what you really feel."