Mission 37 - Fin

638 22 13
                                        

Kinakabahan ako. Sino kaya yung bisita?

Pano nga kung si Lolo? Pano kung sapilitan niya akong iwui tapos i-lock niya ako tapos hindi ko na mkita si Knight? Pano na?

Tumayo ako at naglakad-lakad sa kwarto nang pabalik-balik. Hindi talaga ako mapakali.

Naupo nalang ako ulit sa kama. Bakit ang tagal bumalik ni Knight?

Pano kung binugbog na siya nung butlers ni Lolo sa baba, kaya natatagalan siyang bumalik dito sa kwarto?

Omg. Bigla akong nakarinig na mabilis na yabag sa labas ng kwarto. Napahawak ako ng mahigpit sa unan sa katabi ko dahil sa sobrang kaba.

Napansin ko ring gumagalaw na ang doorknob. Napapikit ako nang marinig kong bumukas na ang pinto. Ayokong makita kung sino.

"SISSYYY!" Matinis na sigaw mula sa pinto.

Ano raw? Sisig? O sissy?

Naramdaman kong niyakap niya ako. Sino to? Napadilat naman ako at nilayo yung yumayakap sakin pero ang higpit ng pagkakayakap niya kaya hindi ako nakalayo.

Parang katawang lalake. Tapos sissy ang tawag niya sakin. Kuya Henry?

Siya na yung kumalas sa yakap. "Omg talaga sissy! Bu -- ARAY!"

Sinampal ko siya ng malakas. "Anong sissy?! Hindi kita kapatid! At never kitang magiging kapatid, sa dugo man o sa kasal! Kadiri ka, Dwende ha!"

Hinimas-himas niya yung pisngi na sinampal ko. "Aray ko, sissy ha! Wag mo nga akong tinatawag na Dwende! Weng! Weng ang pangalan ko!" Nailagay niya ang kamay niya sa bewang niya, "Or pwede mo rin ako tawaging sissy! Ahihihi!"

"Kagabi, 'teh' ang tawag mo sakin, ngayon 'sissy' naman? Kadiri." Inirapan ko siya.

"Ang taray mo naman. Sige, alis na ako. Akala ko ba tinext mo ako na pumunta dito para tulungan ko kayo ni Fafa Knight? Sige, wag nalang. Mukhang di mo naman ako kailangan." sabi niya na parang nagpapakonsensya at dahan-dahan nang naglakad papunta sa pinto para lumabas.

Oo nga pala. Tinext ko nga pala siya kagabi na pumunta dito kasi pag-uusapan na namin yung plano.

"Hoy! Joke lang! Eto naman!" sigaw ko sakanya.

"Wala! Ayaw mo naman yata akong maging sissy mo. Alis nalang ako." Hawak niya na yung doorknob. Ano ba naman tong taong to? Ang lakas magpakonsensya.

"Oo na! Si -- si -- siss -- sissy." sabi ko na parang hindi makapaniwala sa sinasabi ko. Hindi ako makapaniwalang binubugaw ko ngayon si Kuya Henry kay Dwende. Ano ba naman ito?

"Yey! Sissy kita ha!" masayang-masayang sabi niya. Paalis na sana siya sa tapat ng pinto nang biglang magbukas ito. Natulak siya nung pinto kaya napaupo siya sa sahig. Tinulungan naman siya ni Knight na kakapasok palang.

Mission101: EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon