[Blue Job's POV]
"Teka nga, asan na ba kasi talaga si Steph?" Nagtataka pa rin si Henry dahil madalas namang kasama ni Arthur si Steph pero ngayon ay wala ito.
Natulala nanaman si Arthur. Naalala niya nanaman kasi yung nangyari nung gabi matapos nilang magsagutan. Pagkalabas ni Steph ng Happy Ending Bar ay agad na sinundan ito ni Arthur. At nangyari ang hindi nila inaasahan. "Argh! Ano ba! Erase!" sabi ni Arthur sa isip niya nang maalala iyon.
"Pero, pare, tanong lang..."
Kinabahan naman si Arthur nang sabihin iyon ni Henry sakanya. Parang ayaw niya nang marinig ang gustong itanong ni Henry. Hindi siya nagpahalata na kinakabahan siya at sinabing, "Oh? Ano nanaman sayo?" Uminom pa siya ng tubig pagkasabi nun.
NIlapit ni Henry ang mukha niya sa mukha ni Arthur para makita ang reaksyon nito sa itatanong niya. "Naisip ko lang. Hindi ka ba nainlove kay Steph kahit minsan?"
Dahil sa sobrang gulat, naibuga ni Arthur ang iniinom niya sa mukha ni Henry. "Pwe! Pare, ano ba! Inlove mo mukha mo. Gago."
Marahas naman na pinunasan ni Henry ang mukha niya. "Mas gago ka! Lengya. Basang-basa na ako. Teka, nag-gargle ka na ba? Medyo mabaho yung tubig na binuga mo eh."
Nagtawanan lang yung dalawa nang parang tanga. "Gago, kahit bagong gising ako at di pa naggagargle, gwapo din ang hininga ko noh! Hahaha!"
Nagtino na yung dalawa at nagtanong ulit si Henry, "Pero di nga, sa tingin ko, kung si Steph ang niligawan mo at hindi yung babaeng yun, siguro mas masaya ka ngayon. Tsaka, konting ayos lang kay Steph, mas maganda pa yun kesa dun. Baka nga, mas maganda pa kuko ni Steph sa paa kesa sa mukha nun."
Binatukan naman nang pagkalakas-lakas ni Arthur si Henry, "Tarantado ka! Kung makapanlait ka naman! Anong akala mo sakin, walang taste?!"
Pero naisip niya ring totoo din ang sinabi ni Henry. Mas maganda naman talaga si Sterph dun sa babaeng niligawan niya.
"Hah! Walang taste? Ikaw may sabi niyan."
Binatukan ulit si Henry ni Arthur, "Arekup! Nakakadalawa ka na ha! Isa pa! Papatulan kitang gago ka. Pasalamat ka..."
"Pasalamat ako? Bakit? Pasalamat ako na ano?! Ha? Ituloy mo, pare. Pasalamat ako na mahal mo ako kaya di mo matuloy na batukan din ako? Hahahahaha!" Tuluyan na siyang binatukan ni Henry. "Arekup! Ba't mo ko binatukan?!"
"Mahal mo mukha mo! Di ako bakla tulad mo."
Nilapit ni Arthur ang mukha niya kay Henry at mapang-asar na tinignan, "Psh! Sige, saktan mo pa ako. I believe in the saying that, 'Love hurts.' That is all! Ay, thank you! Hahaha!" sabi niya na para bang beauty queen na sumasagot sa Q&A.
"Shit ka, gago! Nakakadiri! Mamaya niyan, magbago pa isip ko at patulan na talaga kita. Tutal, yummy ka naman daw sabi nung mga chicks na pinaasa mo. Hahaha!"
Nagtawanan ulit nang parang tanga yung dalawa. Namiss nila ang usapang ganun. Huli kasi nilang tawanan nang ganun ay noong birthday pa ni Arthur. Ang tagal na noon at miss na nila ang isa't isa.
Kaso biglang bumukas ang pinto at pumasok si Knight na hindi maipinta ang mukha. May dala siyang kahon. "Oh, Knight, san ka galing? Ang tagal mo naman. Sali ka samin ni Henry? Kaso, threesome tayo." Pinulupot ni Arthur ang kamay niya sa braso ni Henry, "Okay lang ba sayo ang threesome, baby?"
Tinulak at binatukan siya palayo ni Henry. "Gago ka! Threesome mo mukha mo! Mandiri ka nga! Di ko kayang ipagpalit si Gayle sa tulad mo noh. Hahahaha!"
Nagtawanan ulit yung dalawa pero si Knight dirediretso lang sa sofa sa isang sulok at walang ganang nahiga roon.
"Huy, parang namatayan ka dyan?" sita ni Henry kay Knight. "Hay naku. Ako lang ba ang natatanging masaya sa lovelife ngayon? Tsk. Sabagay, ako ang pinakagwapo sating tatlo, kaya deserve ko naman ang masayang lovelife. Hahaha!"
BINABASA MO ANG
Mission101: Escape
Humor[RomCom Teenfic] "It's easier to feign affection than to feign hate when love is what you really feel."
