Mission 21.2 - The Start

1.1K 22 8
                                        

Dedicated to Nhikie. :D Ayan na yung request mo sakin last summer. Sorry medyo natagalan. Medyo iniba ko rin yung name na napag-usapan natin like the surname. Sorry. Haha! Anyway, welcome to the cast. Haha! :D

----

[Tyrone's POV]

Here I am. Staring at this girl I just met a few nights ago. Fancy how she can withstand all my complaints about this life.

Finally, she woke up.

"Good morning!" bati ko sakanya. Yung itsura niya halatang hindi man lang siya nagtaka kung asan siya. I mean kung nakaninong kama siya?

"Don't you have school today? You know. Exams, maybe." sabi niya with her husky voice. What? Yan lang itatanong niya? Ang tungkol sa exams ko? Oo, malapit na ang exams at wala pa rin akong pakealam pero seryoso ba siyang yun lang ang itatanong niya? Ibang klase.

"Aren't you gonna ask me whose room you are in? Whose bed you've slept in? Or whose shirt you're wearing?" She raised an eyebrow then looked at her surroundings... In my room. In my bed... With my shirt...

She looked at me again. "Why should I? I know the answers anyway."

What the! Ganun lang yun? Hindi man lang siya magiging hysterical tulad ng ibang babae? Yung tipong magwawala kapag nagising sila sa kwarto ng ibang tao lalo na ng lalake? Hindi man lang ba siya mag-iisip ng masama? Wow. She's unbelievable.

Umupo siya sa kama at nirest ang ulo sa headboard. That's how calm she is right now.

"What if I tell you we did something... You know... A sinful act last night." Tinignan ko siya ng nakakapang-akit. This! I hope this would make her hysterical.

Tumawa siya ng pagkalakas-lakas. "Stop fooling around. I know when I am doing those "sinful acts". And I know what we did last night. We drank, we got wasted, we laughed, we got high, and again, you cried over that girl while I'm listening to all of your rants."

EFF! Nagbibiro lang naman ako pero bakit kailangan niya pa akong asarin na iniyakan ko nanaman kagabi si Mia? Nakakainis, naalala ko nanaman tuloy.

"Wala eh. Ang hirap magmove-on." Yumuko nalang ako. Baka kasi maluha pa ako. Nakakahiya naman kung makita niya nanaman. Baka isipin nitong si Nikki, uhuging bata ako.

Napangiti nalang ako. Ewan ko ba. Nawiweirduhan na rin ako sa sarili ko. Natatawa ako kasi kahit ako, hindi ko lubos maisip kung bakit ba ang hirap-hirap magmove-on?

"Stop smiling." suway niya sakin.

"Bakit naman?"

"It makes me think that you're really happy... Even if you're smiling out of pain." And that hit me again. Ano bang taglay nitong si Nikki at ang dami niyang alam sa buhay? I mean dahil ba yan sa pagiging cold or bitchy niya? Siguro defense mechanism niya na rin ang pagiging bitch. Defense against pain. At siguro, tinuturuan niya na rin ako ng defense mechanism niya...

"I just --" she cut me out.

"-- miss her. Bla bla bla." she said in a mocking manner. "I have pretty memorized your lines since day one. It makes me sick already. In my harsh but honest opinion, you're hopeless."

Psh. Kapag talaga sinsabi niya yung, "In my harsh but honest opinion", umasa ka nang masasama ang sasabihin niyang kasunod. Tss. Pero totoo naman.

Tumayo siya papunta dun sa salamin at inayos ang buhok niya. Kahit hindi pa siya nagsusuklay, ang ganda ng buhok niya. Wala rin siyang pakealam kahit naka-cycling shorts at tshirt ko lang siya. Ang laki nga nung tshirt eh. Halos hindi na mahalata na nakashorts pa pala siya. This pretty little liberated spoiled brat.

"When people walk away from you, let them go. Your destiny is never tied to anyone who leaves you. And it doesn't mean that they are bad, it just means that their part in your story is over."

Argh! Ayan nanaman siya! Si Nikki na magaling. Si Nikki na prangka. Kahit pilit kong pinipigilan ang sarili kong makinig sakanya, tumatagos at tumatagos pa rin sa puso ko lahat ng sinasabi niya.

'... their part in your story is over'

'... their part in your story is over'

'... their part in your story is over'

If it's over, then...

"If that's the case, then I'll have my early Christmas wish." Tinabihan niya ako ulit sa kama tapos tinignan ako na parang naghihintay ng karugtong. "I wish that I'll have a second chance to meet her again for the first time."

"What the hell!" sabi niya sabay bato nung throw pillow sa mukha ko. Buti nalang nasambot ko. Haha!

Natawa nalang ako. Alam ko kasing yun ang irereply niya sa sinabi ko. Haha! "Why? Don't your ever wish to have a second chance to meet someone again for the first time?"

Nakita kong napaisip siya sa tanong ko. "Nah! Life is too short to live the same day twice."

Hay nako, Nikki. Hindi kita gaanong kilala pero magaan ang loob ko sayo. Siguro dahil totoo ka sa sarili mo. You bitch around when you want to, you say bad words when you like to, you do things on your own. Ang dami mo na ngang alam tungkol sakin eh. Lalo na sa lovelife ko. At ang dami mo na ring na-i-advice sa gagong tulad ko. Samantalng ako, wala pa rin akong alam tungkol sayo. Ni full name mo nga hindi ko alam eh. Ang alam ko lang, ikaw si Nikki, ang pinakaprankang babaeng nakilala ko. Ahh! Pati rin pala cellphone number mo, alam ko.

"How can you say that?! Wala ka man lang bang namimiss?"

Bigla siyang tumayo at iniwan ako sa kama. "My parents."

"Why? Where are they?"

Bigla niyang kinuha yung red dress niya sa sofa at dumiretso ng cr sabay sabing, "Let's go somewhere else. Let's get high and drunk again, bastard."

----

 [Mia's POV] *click the vid on the multimedia*

"Do you hate me that much?" out of the blue niyang tanong.

"Why do you ask all of a sudden?"

"So, you really do." He rubbed his nape... disappointedly?

"It's a case-to-case basis, you know." I said trying to brighten up his mood... if he's really that upset a while ago.

I don't know what I did wrong pero tinitigan niya lang ako ng sobrang tagal. I was about to say, "What?" pero bigla niya akong hinila kaya naman bigla akong napahiga sa sahig habang yung ulo ko ay nakarest na pala sa lap niya.

Wait, ang bilis nung pangyayare. Di ko namalayan, unti-unti na pala siyang yumuyuko. Unti-unti, lumalapit yung mukha niya sa mukha ko. Hindi na ako nakagalaw pa. Unti-unti bumibilis ang tibok ng puso ko... Unti-unti...

Napapikit nalang ako... Lord, bahala na.

Nararamdaman ko yung mainit niyang hininga sa mukha ko. "Mia..."

Ha? Akala ko... Akala ko hahalikan niya ako. Bwiset. Hindi pala. Minulat ko yung mga mata ko. Hala! Ang lapit pa rin ng mukha niya!

"Please don't think of the deadline that often. It'll come soon, okay? I promise. For now... Let's just savor the moment."

What? Masyado ba akong halata na excited na akong magNew Year's Eve? Eh kasi, oo eh! Excited na talaga ako. Gusto ko nang matapos ang lahat. Pero sabi nga ni Knight, 'It'll come soon.' kaya dapat mag-enjoy muna.

Akala ko hindi niya itutuloy yung halik. Pero bigla nalang akong napapikit ulit nang mas lumapit pa siya para halikan ako.

Ilang segundo din akong nakapikit. Ilang segundo din bago niya inilayo ang mukha niya.

Conservative but sweet and sincere. He kissed me on my forehead.

----

A/N: Yow! Ang bilis ko na mag-UD noh? Haha! Lasapin niyo na kasi baka ngayong holidays lang to. Baka sa pasukan, mabagal nanaman ang UD. <///3 Anyway, hello and thank you sa old and new readers! ^__________^v

Mission101: EscapeMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon