[Tyrone's POV]
Kasama ko ngayon si Nikki. Papunta kami sa bar ni Arthur. Balik sa dati na pala yung bar niya, nung New Year kasi, bigla nalang sila nagsara. Nagtataka nga ako kung anong nangyare sa lalakeng yun. Tsaka, napansin ko rin hindi niya kasama si Ate Steph. Ano kayang nangyare sa dalawa?
Bigla akong napatingin kay Nikki. Ang tahimik niya talaga kahit kelan. Ever since nung nakilala ko siya, tahimik lang siya pero once na magsalita siya, siguradong may laman yung sinasabi niya. Pranka kumbaga.
Actually, pasalamat ako sakanya kasi unti-unti na akong nakakamove on kay Mia.
Pero hindi ko naman siya ginagawang rebound. Atchaka, wala naman talagang 'kami' ni Nikki eh. Nag-eenjoy lang kami. Sabi niya kasi, ayaw niyang magcommit sa isang relasyon dahil masasaktan lang daw siya at ang karelasyon niya. Kaya madalas niya ring sabihin na party hard, worry less.
In-off ko na yung makina dahil nasa may tapat na rin naman kami ng Happy Ending Bar. Nauna akong bumaba at pinagbuksan ko ng pinto si Nikki.
"Thank you! Let's go?" masaya niyang anyaya sakin. Tumango naman ako at inalok ko sakanya ang braso ko kung saan doon naman siya kumapit.
*play video on the multimedia*
Kaso natigilan kami nang makita si Knight na papasok ng bar. Lasing na lasing siya at halatang wala sa sarili. Palagay ko, any minute now, matutumba na siya sa sahig.
Lalapitan na sana namin kaso may bigla siyang nakabunggo noong papasok na ng bar. "Pare, ano ba?!" inis na sabi noong lalakeng nabunggo niya. Halatang lasing rin yung nabunggo niya pero mas lasing si Knight.
Inalalayan ng mga kasamahan niya yung lalakeng nabunggo ni Knight. Kahit yung mga kasama niya, sa tingin palang, alam mo nang lahat sila ay nakainom at maiinit ang ulo. " Hoy! Hindi ba't kapag may nakabunggo ka, dapat humingi ka ng tawad?!"
Dinaanan lang sila ni Knight at hindi sila pinansin. Nainis yung lalake at tumalikod, "Hoy! Hindi pa ako tapos magsalita! Gago ka! Wag mo akong tinatalikuran!"
Nalakad lang si Knight na para bang wala siyang nakabunggo kanina at walang naririnig ngayon. Nilapitan siya nung lalake at hinila yung braso ni Knight para harapin siya ni Knight kaso pagharap ni Knight ay suntok ni Knight ang hinarap niya.
Napangiwi yung lalake. Hinawakan niya yung labi niyang nasuntok dahil sa sakit. May dugo na ring lumalabas dito. "Gago ka ah!" gigil niyang sabi habang sinusuntok si Knight sa mukha.
Sa sobrang kalasingan ay natumba si Knight sa sahig. Napahawak siya sa ilong niya na tinamaan ng suntok at napatingin sa kamay. Dumudugo na rin ito. Ininda niya lang ang sakit at tumayo para suntukin yung lalake. Kaso hindi niya ito natamaan.
Sa ikalawang pagkakataon ay nasuntok na ni Knight sa mukha iyong lalake. Suntok lang siya ng suntok hanggang sa tumumba yung lalake. Pumaibabaw siya at pinagsusuntok iyong lalake. Halatang nanggigigil din siya.
Pero yung isa sa mga kasamahan nung lalake ay tinulak si Knight palayo at sinuntok siya. Pinagtulungan na siya noong mga lalake. Hinawakan noong dalawang lalake si Knight sa braso at hinintay na makatayo iyong leader nila.
Hindi ko na hinintay na makatayo pa yung leader nila. Tinignan ko si Nikki, "Stay here."
Lumapit na ako. Noong suuntok na sana iyong leader nila ay tinapik ko siya sa balikat. Nang humarap siya sakin ay isang malakas na suntok mula sa kamao ko ang bumati sakanya.
Napaluhod naman siya sa lakas ng suntok ko. Binitawan na noong dalawa si Knight at pinalibutan naman nila ako. Sinuntok ko yung isa at natumba siya sa sahig.
BINABASA MO ANG
Mission101: Escape
Humor[RomCom Teenfic] "It's easier to feign affection than to feign hate when love is what you really feel."