A/N: Dedicated to GhostChix kasi pansin ko yung support niya. Hihi! Hi sayo! Mwah! Take care! :D
----
"Mia..."
Nakapikit pa rin ako. "Hmm?"
"Wala na yata siya."
"Mm-hmm."
"Uhm..."
"...." Wala nang nagsalita. Sa sobrang katahimikan, biglang nagsink-in sa utak ko yung posisyon namin ngayon. Nakayakap ng mahigpit pa rin pala kami sa isa't isa para lang makapagtago sa likod ng isang maliit ng basurahan. "Ugh, sorry." Kumalas na ako sa yakap.
Pero nang makabitaw ako sakanya, nanlaki ang mata ko nang bigla niya naman akong hinila para yakapin ulit. "Dito ka lang."
"Ha?" Mas hinigpitan niya pa yung yakap sakin. "Wala na siya di ba?"
"Shh. Andyan pa siya." bulong niya sa tenga ko kaya naman medyo nakiliti ako. Pinigilan ko lang ang sarili kong matawa, lalo na't ang lapit namin sa isa't isa.
Ang tagal naman yatang umalis nung humahabol samin? Ang alam ko, dapat nailigaw na namin siya. "Matagal pa ba?"
"Oo. After 10 minutes pa siya aalis." Ah okay. Hinyaan ko lang siyang yakapin ako kasi baka mahuli kami nung humahabol samin. Lalo na't ang liit lang ng pinagtataguan namin, dapat pagkasyahin namin ang sarili namin.
Teka. Parang may mali... Anong after 10 minutes?! Ang tagal nun ah! At pano niya nalaman na after 10 minutes pa nga yun aalis?! Tinulak ko siya palayo dahilan para matumba siya sa sahig, "Pinaglololoko mo ko eh!!! Gusto mo lang yata akong mahug eh!!!"
Tumayo siya mula sa pagkakaupo at pinagpagan ang pwetan. "Sus. Hindi naman masarap hug mo. Di ko nga mafeel boobs mo sa dibdib ko eh! Tss. Hanggang ngayon, cup A ka pa rin." casual niyang sabi at humikab pa siya pagkatapos.
"Bastos!" Lengya talaga tong lalakeng to! So talagang finifeel niya muna yung boobs ko sa chest niya?! Gahd! Nakakainis!
Tumayo na rin ako sa pagkakaupo ko at pinagpagan ang pwetan ko. Nauna na akong maglakad palabas ng eskinita. "Halika na nga! Tapusin na natin to! Pumunta na tayo ng mansion!"
"Ayoko!" Anong ayaw?! Hindi pwede! Dapat matapos na yung mission! Nilingon ko siya pero hindi ko siya makita. Asan na yun?! "Ang ganda ng mga bituin oh." sabi niya. Kaya pala hindi ko siya makita kasi nakahiga siya sa sahig ngayon habang pinagmamasdan ang mga bituin.
"Hoy, ang dumi kaya jan!" saway ko sakanya. Tumingala ako para makita irn ang mga bituin na sinasabi niyang maganda. Maganda nga ito, pero ang sakit sa leeg, kaya nahiga na irn ako sa tabi niya. Pero inalis ko muna yung jacket na nakasabit sa bewang ko at ginawa ko yung kumot sa legs nang makahiga ako. "Oo nga noh. Ang ganda."
Wala munang nagsalita saaming dalawa. Pareho kaming busy sa pagmamasid sa mga bituin.
Ang ganda. Para akong tumitingin sa karagatan ng mga dyamante. Pakiramdam ko, lahat ng bituing ito ay kumikinang para sakin...
*click video on the multimedia*
"Alam mo ba ang Alamat ng Bagong Buwan?" biglang tanong ni Knight sakin. Napatingin naman ako sakanya, nakatingin lang siya sa kalangitan.
"Bagong Buwan? As in New Moon?" tanong ko rin sakanya habang pinagmamasdan ang langit. Sa pagkakataong iyon, saka ko lang napagtantong walang buwan ngayong gabi...
Hindi... Lagi namang merong buwan pero hindi ko ito makita. New Moon, ang tawag nila dito. Siguro yan din ang napansin ni Knight kaya niya yun natanong sakin. "Hindi eh. Ano ba yun?"
BINABASA MO ANG
Mission101: Escape
Humor[RomCom Teenfic] "It's easier to feign affection than to feign hate when love is what you really feel."