Mission 14.2 - Summer Paradise

1.3K 23 13
                                        

[Mia's POV]

"Ooooooh!"

"Yun oh! Ang galing sumayaw, mga tsong!"

"Witwiw!"

"Bigyan mo nga ako ng link, pare! Yan nalang papanuorin ko gabi-gabi!"

"Oh sige. Sabi ko naman kasi sayo, mas maganda to sa dati mong pinapanood!"

"Saraaaaap!"

"Seeeeeeeexy!"

Andito kami sa harap ng pinto ng kwarto ng mga lalake at yan ang naririnig kong hiyawan nila sa loob. Kailangan kong makausap si Kuya Henry! Kailangan ko to para sa kapakanan ng bestfriend ko! Pano kung nabuntis si Gayle!? Pano kung nagalaw niya si Gayle!? Hindi pa ako ready maging tita o ninang noh! Aba! HINDI!

"Bitch naman... Wag na... Mommy ko talaga. Wag mo nang awayin si Henry ko." sabi ni Gayle habang hinihigit ang damit ko. Aba! "Henry ko" talaga ang tawag ah?!

Tinignan ko lang siya ng matalim kaya tumigil siya sa pag-awat sakin. Kinatok ko ng malakas yung pinto.

*Tok! Tok! Tok!*

"Ang sarap nila, tsong!"

"Teka, parang may kumakatok!"

"Hayaan mo na. Sina Mia lang naman yata yan eh."

Aba talaga namang! Sira ulo pala yung tatlong yun eh! Patay kayo sakin, lalo ka na talaga Kuya Henry!

"Ate Steph, alam mo na." sabi ko kay Ate Steph at tumango naman siya. Hinila ko si Gayle palay sa pinto at dumistansya din si Ate Steph para bumwelo at...

"Kyaaaaaa!"

*Boooogz!*

"Ay potek! Steph!!! Anong problema mo?! Ba't mo sinira yung pinto? Mahal yan!" sigaw ni Kuya Arthur na halatang nabigla. Si Knight, na nasa isang sulok, biglang natigil sa pagkain ng marshmallows niya at si Kuya Henry naman na katabi si Kuya Arthur, natigil sa panonood ng kung ano sa ipad niya. And yes, tama, nasira slash nawasak ni Ate Steph yung pinto ng kwarto nina Knight. Ang lupet niya noh! Isang sipa lang, tumba kaagad yung pinto.

Itinaas naman ni Ate Steph ang kamay niya na para bang wala siyang kasalanan at ngumuso ng nakatutok sakin. "Wala eh. Humingi ng favor si Mia."

"Hoy! Ikaw!" sabi ko at piningot si Kuya Henry palabas ng kwarto.

"A-ano ba?! Aray ko! A-araaay! Mia! Hoy!" pagrereklamo naman ni Kuya na pilit inaalis ang kamay ko sa tenga niya.

Kinaladkad ko siya papunta sa harap ni Gayle. "Shut up! A--" naputol yung sasabihin ko.

"Don't shattap shattap me! Mas matanda ako sayo, Mia! Shattap shattap ka pa ha!" sabi ni Kuya Henry habang hinihimas ang namumula niyang tenga.

Mission101: EscapeMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon