[Knight's POV]
After ng klase, umuwi kami kaagad, exams na kasi namin bukas. Kailangan na naming mag-aral. Kaya pumunta na kami sa kanya-kanya naming kwarto para mag-aral.
Niyaya ko pa nga si Mia na sabay nalang kami mag-aral para maturuan ko siya if ever may hindi siya nagets na lesson. Kaso ayaw niya naman, baka daw hindi siya makapagconcentrate.
Baka hindi makaconcentrate dahil sa kagwapuhan ko? Hahaha! Kung marinig lang ako nun ni Mia sa pinagsasasabi ko ngayon, baka mabatukan na ako nun. Totoo naman eh!
Totoo namang nagagwapuhan na siya sakin ngayon. Di ba? Aminin niyo! Haha! Sa gwapo kong to! Hahaha! Ang cute nga ng mga reaction niya kapag may ginagawa akong hindi niya inaasahan. Ang sarap picturean. Kaya lang hindi ko ma-timing-an.
Buti nalang, kaninang umaga, nung nasa kotse kami bago pumuntang school, napicturean ko siya. Hahaha! Ang cute kasi niya nung nalaman niyang may sakit kuno ako. Biniro ko kasi siya na may sakit ako nung nagtanong siya kung bakit daw ang bait ko kaninang umaga. Ayun, tinopak nanaman ako kaya yun ang sinagot ko. Haha! Halatang worried siya. Hahaha!
Ayan, ginawa ko tuloy lock screen ng cellhpone ko yung picture na yun. Tapos nung nakatulog din siya sa byahe papuntang school, bago ko siya ginising, palihim ko rin siyang pinicturean. Buti nalang hindi siya nagising nung ginawa ko yun. Haha!
At dahil ang cute niya habang natutulog, ginawa ko namang wallpaper yung photo na yun. Bale, puro mukha niya laman ng iphone ko. Ang cute kasi! Haha!
Nahuli niya nga ako kaninang lunch time, nung nasa rooftop kami. Nakita niya yung mukha niya sa wallpaper at lock screen ko noong katext ko si Kuya Arthur. Eh buti nalang hindi niya alam password ko kaya wala siyang magawa. Hindi niya napaltan yung lockscreen at background. Hahaha! Naasar tuloy siya.
Hay, makapag-aral na nga! Ano ba naman kasi si Mia! Ginugulo utak ko! Dapat nag-aaral na ako ngayon! Tsk. Alas-dyis na ng gabi, hindi pa rin ako nakakapagsimula!
Teka, kukuha nalang ako ng juice sa baba. Nawawalan ako ng gana mag-aral eh. Ahh, ikukuha ko na rin si Mia para may study booster rin siya.
Pagbaba ko, bigla kong naalala si Nikki. Asan na ba yung babaeng yun? Buong araw siyang wala ah. Hindi pa rin siya nakakauwi simula kagabi! Aish!
Sinubukan kong tawagan siya pero ring lang ng ring. Makakabenteng tawag na ako pero wala pa rin! Tinext ko nga. "Asan ka na ba, Nikki? Susunduin kita."
Sana naman magreply siya. Hay naku. Anong akala niya sa Pilipinas, America? Sigurado ako, bar nanaman ang pinuntahan nun. Tsk!
Ay potek! Yung jucie! nakalimutan ko! Kumuha nalang ako ng juice at nilagyan ko na yung dalawang baso. Isa para sakin at isa para kay Mia. Ay hindi hindi! Gusto ko nang dalawa para sakin. Kaya ininom ko na yung juice sa baso ko, tapos nilagyan ko pa ulit yung baso ko. Eh bakit ba? Masarap eh! Hahaha!
Paakyat na sana ako kaso may biglang nagdoorbell. Ako nalang ang nagbukas kesa naman si Manang pa. Baka tulog na yun, kawawa naman baka pagod na rin siya.
Iniwan ko muna yung dalawang baso sa center table at binuksan ang pinto.
Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto, isang lalakeng buhat-buhat si Nikki ang agad na pumasok nang walang ano-ano. Hindi ko na pinansin yung ginawa yung lalake at pinakealaman ko nalang si Nikki.
She's drunk. She's not even wearing her own clothes! "My goodness, Nikki! Ano bang pinaggagagawa mo?!" sabi ko even if I know that she can barely hear me.
Tinignan ko yung lalake. What?! Kumunot kaagad yung noo ko nang mapansin kung sino. After ni Mia, si Nikki naman? What the hell, Tyrone! Tinulak ko siya sa pader at hingit yung kwelyo niya, "Don't tell me, ginalaw mo siya?!" Sinigurado kong mahina lang yung boses ko dahil baka marinig pa ako ni Mia mula sa kwarto niya pero sinigurado ko ring galit ang tono ko.
BINABASA MO ANG
Mission101: Escape
Humor[RomCom Teenfic] "It's easier to feign affection than to feign hate when love is what you really feel."