"Your jealousy is too obvious, darling."
Teka, ano ba pinagsasasabi nito? Pigilan niyo ko! Dadaganan ko to! Anong jealous jealous?! Ako? Kanino naman ako magseselos at bakit?! Wag ninyong sabihing umaasa yang si Jazz na nagseselos ako sakanya? Kapal ah! "Ano bang sinasabi mo?"
Tumayo siya at nilapitan ako. "I really like you for him."
Ha?! Sinong him? Si Knight? Teka, ano bang pinagsasasabi nito?! "You're definitely talking in riddles. I don't get you, Jazz."
Tissue nga! Pati ako, nahahawa na sa kaartehan nitong babaeng to!
Mas lumapit pa siya sakin para maexamine ang itsura ko. Mukha ba akong unknown specie para titigan niya ako ng ganito? "In my harsh but honest opinion," sabi niya habang pinaiikutan ako. Teka, bakit parang sa sinabi niya, feeling ko maiinsulto ako sa mga susunod niyang sasabihin? Kung paduguin ko kaya yang prankang bibig niya? Umayos siya! Pag di ko nagustuhan ang sunod niya sasabihin, matatamaan siya! Naku!
Tumigil siya sa likod ko at bumulong sa tenga ko, "Plain."
"Ano!?" Feeling ko may mali akong narinig! PIGILAN NIYO AKO! MATATAMAAN SAKIN TONG EX NG FIANCE KO! SINONG PLAIN?! HA?! AKO?! PLAIN?! ANG KAPAL NG MUKHA! HINDI LANG AKO TULAD MO NA SOBRANG ARTE! PLAIN MO NEKNEK MO! KUNG BALATAN KAYA KITA NG BUHAY JAN?! TAPOS BUDBURAN KITA NG KALAMNSI! ANO?! HA!?
"But before you totally kill me in your mind," she paused. So you're a mindreader now? Grr! "Let me tell you that your plainess makes you different from her."
Ha? Ano? Pakiulit nga? Humina yata yung signal ng English ko? Ano daw? 'Your plainess makes you different from her.'? Sinong her? "Different from whom?" tanong ko sakanya.
"Knight's ex."
Sinong 'Knight's ex'? Eh di ba, si Jazz yun? Jazz, as in yung sarili niya. So, bakit niya ako kinokompare sa sarili niya? Ha? Teka, bakit ba third person pov ang pagsasalita niya? As if naman kasi, hindi siya yung ex ni Knight, di ba? Unless, hindi siya si Jazz! Eh imposible! Siya nga si Jazz! Ahhh! Nakakainis! Nakakalito siyang kausap! AHH! ANG GULO NIYANG TAO! SIYA NA ANG REYNA NA KAGULUHAN! ANO BANG PINAGSASASABI NIYA?! PROMISE, DI KO MAGETS! "Stop beating around the bush and just get to the point!"
Natawa nalang siya. Ano nanaman bang nakakatawa?! Nakakairita na! Mukha ba akong clown para sakanya?! Ay ewan! Bahala siya! Bumili siya ng kausap! Ginugulo niya ang utak ko!
Natigilan siya nang biglang bumukas yung pinto ng kwarto ko. Si Knight. Hindi ba uso katok?! Lengya! "Nikki, you forgot. Someone's caling by the way. Unregistered." Itinaas niya pa yung nagriring na phone na hawak niya.
Ano? Nikki? Mali ba yung rinig ko?
"Ahh! The guy from your brother's bar last night." sabi niya at kinuha na sa kamay ni Knight yung phone. "Nevermind. You know that I'm not interested to guys who play junks."
Ang harsh ng bobitang to! Akala mo naman kagandahan! Akala mo naman habulin ng mga gwapo! Pwe!
"That's so rude of you, Nikki." natatawang sabi ni Knight. Teka, ikalawa na to, don't tell me, mali nanaman yung rinig ko? Totoo na to! Nikki talaga ang tawag niya kay Jazz!
"Whatever." sabi ni Jazz at lumabas na ng kwarto ko. Hay salamat! Baka nagutom bigla. Buti naman.
Tinignan ko si Knight, halatang tuwang-tuwa siya sa bobitang yun. Like I care. "Sino si Nikki?"
"Ha? Ni-nikki? Si-sino yun?" I smell something fishy. Really, fishy. Malansa na nga eh. Tsk, wag lang tumama ang hinala ko! Kasi kung tama ako, naku, Knight at Bobita, tumakbo na kayo.
"You called Jazz with "Nikki" twice. So, who's Nikki?"
----
[Steph's POV]
BINABASA MO ANG
Mission101: Escape
Humor[RomCom Teenfic] "It's easier to feign affection than to feign hate when love is what you really feel."