Mission 8 - His Side

1.5K 40 20
                                    

[Mia's POV]

"Ugh.... Excuse me?"

"Mia..." O__________O Tyrone..... "Mia, pwede ba tayong mag-usap? Please..."

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Para bang bumabalik ang sakit na naramdaman ko noong niloko niya ako. Akala ko wala na, akala ko okay na ako, pero ang sakit sakit pa rin pala at ang lahat ng iyon ay akala ko lang..

*flashback*

(a/n: click the vid for background music. Echos lang XD)

 "Talaga bang hindi ka na papasok, babe?" tanong ko sakanya. Nandito na kami sa tapat ng bahay. Kakauwi lang namin from our first anniversary celebration.

"Ahh. Hindi na. Nandyan pa naman yung lolo mo." pagtatanggi niya sa alok ko.

"Ano ka ba! Masungit lang talaga yun sa ibang tao, pero for sure gusto ka din nun para sakin."

"Hmm. Hindi na talaga. Atsaka, may kailangan pa akong puntahan e. Pero don't worry, malapit lang naman dito yun." he assured me.

"Ahhh. Ganun ba? Osige. Ingat ka ah! Gabing-gabi na."

Humalik siya sa pisngi ko. "Bye, babe. I love you. Happy first anniversary ulit. Hehe."

"Sus. Hahahaha. Osige. Bye na. I love you, too." Binuksan ko na yung gate at pumasok na ako.

Ang swerte ko lang sa boyfriend ko. Mabait, maalaga, matalino, vice captain ng basketball team at gwapo. Di ko nga inexpect na magtatagal kami ng isang taon. Akala ko kasi nung una, pare-pareho lang ang mga basketball players. Mga manloloko. Pero hindi naman pala. Stereotype lang pala yun.

Papasok na sana ako ng bahay nang may maramdaman akong kakaiba. Para bang pag-aalala? Ewan ko? Pag-aalala para kanino? Kay Tyrone?

Lumabas ako ng gate at nakita kong hindi pa siya nakakalayo. Sinundan ko siya.

Lakad lang siya ng lakad hanggang sa makalabas na siya ng village namin. Saan kaya siya pupunta? Hayaan na nga, malapit lang naman daw dito.

Medyo nakakalayo na rin kami sa main gate ng village. Pumasok siya sa isang eskinita. Ha? Anong gagawin niya dun?

Nagtago ako sa likod ng basurahan. Wala kasi akong ibang mapagtataguan. =______=

"Woohoooo! Ayan na si Tyrone, mga tol!"

"Whoooooo!"

Ha? Anong meron? Sumilip ako ng konti at nakita ko ang ilan sa varsity ng basketball team. Nagyoyosi ang ilan sa kanila. -,-

"Ayos ka talaga, tol! Akalain mong nag-isang taon kayo nung girlfriend mo! HAHAHAHAHAHAHA" sabi nung isa tapos nagtawanan ang lahat. Anong nakakatawa? =________=

"Syempre, ako pa!" boses ito ni Tyrone. Di ko alam kung matutuwa ba ako na ipinagmamalaki niya na nag isang taon kami o hindi. "Oh pano na ba yan... Payday ko na!" Payday? Babayaran siya? Para saan? Ha?

"Atat mo naman, pare! Tsk. Dapat pala hindi na ako nakipagpustahan! Tsk. Oh ayan ang three thousand mo! Tsk. Wala nanaman akong allowance neto." O_________O Pustahan?

Tama ba ang narinig ko? Pustahan?

"Oh next time, pustahan ulit tayo." Tama. Pustahan nga. Ibig sabihin..... Ibig sabihin, pinagpustahan lang nila ako. Pinaglaruan lang niya ako.

Mission101: EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon