[Mia's POV]
"Ay nga pala, may isa pa tayong bisita."
"Chicks ba?" tanong ni Kuya Henry.
"Henry naman ee." reklamo ni Gayle habang hinihila ang braso ni Kuya Henry.
"Basta no food, no entry." paalala ni Knight.
"Ah baka sineryosong babae na yan ni Arthur." dagdag pa ni Ate Steph.
"Sino?" tanong ko naman.
"Easy lang! Mamaya pa yun dadating! Hahaha! On the way palang daw eh." paglilinaw ni Kuya Arthur. Akala ko naman kung sino na. Pero sino nga kaya?
"Teka, teka, mga tsong, 11:57 na oh! Alam na!" singit ni Kuya Henry. Tumingin siya samin na para bang sumisignal siya at "Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday, happy biiiiiirthdaaaaay tooooooo youuuuuu!" kanta naming lahat. Tawa lang ng tawa si Kuya Arthur dahil kay Kuya Henry na muntanga kung kumanta. Hahaha!
"Salamat! Hahahaha! Ang excited niyo, di pa nga 12am eh!"
"Mabuti nang excited! Haha! Dalaga ka na, Arthur! Eto oh, regalo ko! Hahaha!" singit ni Ate Steph sabay tapon ng box kay Kuya Arthur. Wow. Tinapon talaga yung regalo? Haha! Baliw din si Ate Steph eh.
"Wow! Ikaw?! Nagregalo!? Himala! Hahahahahaha!" sabi niya kay Ate Steph at binuksan na din ang regalo. Lahat kami napanganga nang ilabas ni Kuya Arthur ang laman ng box. "HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAAHHAHA pfft! Ano to?! HHAHAHAHA! Loko ka, Steph!" sabi ni Kuya Arthur at inakbayan ulit si Ate Steph at ginulo ang buhok.
"A-ano ba!? Eh kailangan mo niyang napkin since dalaga ka na noh! Hahahahahahaha!" pang-aasar naman ni Ate Steph. Natawa naman kaming lahat sakanilang dalawa. Sa totoo lang, bagay sila, di lang nila pansin.
"Oh! Oh! Tama na yan! Baka magka-inlaban pa kayong dalawa! Kung mangyari yun, mawawala ang title ni Steph na one-of-the-boys, sige kayo. Hahahaha!" singit ulit ni Kuya Henry tapos nagtawanan nanaman ang lahat.
"Gago ka, tsong!" sigaw nila Ate Steph at Kuya Arthur pareho.
"Sus. Hahahaha! Oh, dahil 20 ka na slash gurang ka na, eto ang regalo ko. Alam mo na! Bwahahahahaha!" tawa ni Kuya Henry na para bang may kalokohan siyang ginawa.
"Salamat, pare. Gago ka, baka kung ano to!" sabi ni Kuya Arthur pagkaabot ng regalo. Inilabas niya mula sa kahon ang isang snow globe na walang snow sa loob. May nakasulat din dun na, "BREAK GLASS IN CASE OF EMERGENCY 3:)" Natawa naman ang lahat ng mapansin kung ano yung laman nung snow globe. Mga pakete ng... Ng... Ano... Hahahaha! Condom. As in, ang dami. Kahit kelan, talaga, Kuya Horny tong si kuya. Hay naku.
Nagtawanan ulit ang lahat. "Gagu ka! Hahahahaha! Wag mo akong itulad sayo noh! Virgin pa ako! Mabait tong si Junior ko! Hahahaha!" sabi naman ni Kuya Arthur habang nakatakip ang isang kamay sa Junior niya. Ganyan ba talaga ang way ng pagthank you at pagwelcome nila? Sa pamamagitan ng 'gago'? Pero wala e, nakakatawa pa rin sila kahit nagga-'gagu'-han lang sila.
"In case of emergency nga lang eh! Malay mo, magdilim ang paningin mo at mapusuan mo tong si Steph! Hahahahahaha!" asar ni Kuya Horny kay Kuya Arthur kaya natawa kaming lahat.
Natigil naman kami nang magsalita si Knight, "Syempre di ako magpapahuli! Oh eto!" sabi niya sabay abot ng regalo na kasing liit lang ng index finger ko.
"Wala na tong ilalaki?" reklamo ni Kuya Arthur sabay abot nun. Binuksan niya at birthday candle ang laman nito.
Bigla naman lumapit si Knight dala ang concorde cake, "Syempre di ka pa nagboblow ng candle noh! Oh, magwish ka! Hahahaha!"
![](https://img.wattpad.com/cover/3556365-288-k60140.jpg)
BINABASA MO ANG
Mission101: Escape
Humor[RomCom Teenfic] "It's easier to feign affection than to feign hate when love is what you really feel."