[Mia's POV]
Andito na kami ngayon sa Happy Ending Bar para sunduin si Kuya Henry. Oh jusko. Sana naman wala siyang ginagawang kababalaghan! Please lang. Sana hindi, kasama kasi namin ngayon si Gayle. Nagpumilit kasi si Gayle nang malaman niyang alam na namin ni Knight kung asan si Kuya. Patay kami kapag makita ni Gayle na may ginagawa si Kuyang kababalaghan.
Syempre, lalake siya plus given na din na malalasing siya, oh ang kalalabasan? Oo, tama! Isang napakalaking kababalaghan! Idagdag pa ang fact na babaero yang si Kuya Henry. Kuya Horny. -___-
Dumiretso kaagad kami ng counter dahil for sure, andun si Kuya Arthur dahil siya nga ang bartender at owner ng bar na ito. Sana naman binantayan ng maayos ni Kuya Arthur si Kuya Henry. Sana...
Kaya lang, bago kami makarating ng counter, may nakita akong isang lalakeng may kahalikan. Nagmamake out na sila, actually. And when I say make out, it's close to s*x. Nakatalikod yung lalake sakin pero parang kilala ko siya. Alam ko ang likod na yun... Parang si Kuya Henry yun!
Nasapo ko nalang yung noo ko at nilapitan agad sila nung babaeng ka-make-out niya. Si Gayle halatang naiiyak nanaman. Shit naman, Kuya. Ano ba tong pinaggagagawa mo?! Sinabunutan ko si Kuya Henry para matigil siya sa paghalik dun sa babae, "HOY! UUWI NA TAYO! MAHIYA KA NAMAN!" Hinila-hila ko pa yung damit niya, kasi ayaw pa rin magpatigil. Halik pa rin siya ng halik dun sa babae. "KUYA NAMAN EH! TARA NA!"
Ayaw niya talaga magpaawat. Argh!!!
"KUYA, ANG LANDI MO TALAGA! UUWI NA TAYO! MAAWA KA KAY GAYLE! HOY!" Waepek. Ahh so ganun? Ayaw pa rin talaga tumigil? Ha?! Ayaw mo pa? "OH SIGE, WAG KANG TITIGIL HA!? PUMUTOK SANA BIBIG MO!" sabi ko at tinulak siya ng mas malakas papunta dun sa babae.
"POTA! KANINA KA PA!" Nilingon niya na ako. "SINO KA BA?! HA!"
"KAPATID MO, BAKI-- HA? EH SINO KA RIN?!" Teka teka, bakit? Anong? Wait! Shet! "A-a-a-ay, kuya, sorry po! Ano... Eh.. Akala ko kasi... Aish. Sorry. Peace! Ehe. Sorry na talaga."
Halatang inis na inis pa rin yung lalakeng pinagtulakan ko dun sa kahalikan niya. Kung anime to, sure ako, may lumalabas ng usok sa ilong at tenga nitong lalake. "ANONG SORRY?! HA?! BANAS KA AH!"
Mukha yatang hindi ako sasantuhin nito kahit pa babae ako. Jusko. Tulungan mo akong malutasan to!!! AHA! "Kuya, sorry na talaga!"
"May problema ba dito?"
Familiar yung boses!!! Ate Steph!!! Oh jusko! Hulog ka ng langit! "YANG BABAENG YAN E--"
"Teka!" pagpuputol ni Ate Steph. "Ano yun?! May lumilipad na ipis sa paanan mo oh!" Turo niya sa paanan noong lalake.
Nataranta naman yung lalake at nagtatatalon. Halos magpiggyback na siya dun sa babaeng kahalikan niya kanina. Tapos natumba sila dun sa sofa at nadaganan pa yung babae. Kawawa naman.
Nakita kong kinindatan ako ni Ate Steph. At ayun! Grab the chance! Babay na! Habang busy yung ginulo namin, hinila ko na kaagad sina Gayle at Knight palayo, papunta dun sa counter. "Thank you, Ate Steph!" sabi ko nalang sa isip ko, feeling nakakapagtelepathy kami. Haha!
Nasapo ko nalang yung ulo ko matapos namin tumakbo. Tae. Ang fail ko. Akala ko kasi talaga si Kuya Henry yun! Argh! Nakakahiya. Buti nalang hindi kami naabutan sa counter dahil naharangan na rin siya ng mga tao sa dance floor.
"Ano? Asan na si Kuya Henry?" tanong ko kay Kuya Arthur pagkakitang-pagkakita namin sakanya sa counter. Hinahabol ko pa rin ang hininga ko.
"Asan si Henry?" mangiyak-ngiyak na naman tanong ni Gayle kay Kuya Arthur.
Ngumisi lang si Kuya Arthur at tinuro ang isang lalakeng natutulog sa kabilang side, sa sulok, ng counter. Agad naman lumapit si Gayle para gisingin si Kuya. Kaya lang mukhang lasing na lasing na talaga si Kuya Henry kaya mahirap siyang gisingin.
![](https://img.wattpad.com/cover/3556365-288-k60140.jpg)
BINABASA MO ANG
Mission101: Escape
Humor[RomCom Teenfic] "It's easier to feign affection than to feign hate when love is what you really feel."