Nagising ako ng walang katabi. San kaya pumunta si Jazz? Ay mali. Si Nikki pala yun. Yung bestfriend ni Knight. Nakalimutan ko.
Ang aga niya namang umalis. Or baka hindi pa siya nakakauwi simula nang umalis siya kagabi? Ay juskong babaeng yun. Virgin pa kaya yun? Ay parang ang sama ko naman para isipin yun... Eh kasi naman di ba...
Pumunta ako ng banyo para maligo. May pasok pa kasi kami ngayon. Hay naku, nakakatamad lang. Ang lamig pa naman ng panahon, ang sarap matulog. And these past few days, I've been having an awesome threesome... Threesome with my bed, pillow, and me. Isn't it great? Best relationship ever! Haha!
Habang nashoshower, naalala ko yung sinabi ni Knight kagabi. 'Mia, gusto ko nang gawin ang final step. I want to break our feigned relationship.'
Yes! Malapit na! Malapit nang matapos ang kalbaryo ko! Sa wakas! Hindi ko na makikita ang asungot na si Knight. Wala nang mangungulit, makikipagsigawan, makikipag-away sakin. Yes! Shet! Excited na akong magNew Year's Eve! Wee!
Sana wala nang bawian at sana matuloy nga iyon.
"Dear New Year's Eve, please be fast!" sigaw ko sa banyo ko dahil sa sobrang excitement na nafefeel ko. Finally!
Matapos kong maligo, nagbihis na ako at inayos yung gamit ko. Pagkabukas ko ng pinto, nagulat ako kasi nasa harapan ko na kaagad si Knight. Eh? Anong problema niya? Kanina pa ba siya andito sa likod ng pinto? "Oh? Problema mo?"
"Wala lang. Hinintay lang kitang kumain." kaswal niyang sabi.
Magpapamisa na ba ako?! Anong himala ang meron? Or anong santo ang sumapi a katawang panget ng lalaking ito at hinintay niya ako sa labas ng kwarto ko para lang makasabay akong kumain?
Hindi ko na siya tinanong o sinita sa pagbabago niya kasi baka bumalik pa sa dati. Sayang naman. Hahaha! "Ah okay."
Bigla niyang kinuha yung sling bag ko sa shoulders ko. "Ako na magdadala."
Wait, ano ba talaga nangyayare? Hahaha! Hindi ko mapigilang mapangiti. Ewan. Ang weird niya kasi. Ano ba talagang meron? Ang bait niya. Hahaha! "Okay."
Nang makarating kami sa dining table, ready na lahat ng pagkain. May hotdog, bacon, egg, ham, java rice, at 2 glasses of fruit juice. Ang bango nga nung lahat ng pagkain eh! Ang galing talaga ni Manang magluto. "Wow."
Nagsimula na kaming kumain. At tama! Ang sarap! Parang kakaiba ito sa mga luto ni Manang. Alam niyo yun? Yung mga luto, pareho lang, pero yung timpla, kakaiba. Siguro, inspired si Manang magluto kaninang umaga. Di kaya may lovelife na siya? Hahahahaha! Ano ba tong naiisip ko. Parang tanga. Pero ang sarap talaga!
"Kakaiba yung timpla. Pansin mo? Mas masarap." sabi ko nalang kay Knight. Tinignan niya lang ako tapos ngumiti. Wala man lang reply? Baka speechless siya sa sarap ng breakfast na hinanda ni Manang. "Ah, okay. Share ko lang naman."
Biglang lumabas si Manang mula sa kwarto niya. "Good morning, Manang! Mas masarap ang luto mo ngayon ah? The best! Sabay ka na po samin!"
"Aba'y kagigising ko lang, hija." Humihikab at nag-uunat pa siya habang nagsasalita.
Ha? Hindi si Manang ang nagluto ng lahat ng to? "Edi sino yung naglutong lahat ng ito? Ang sarap pa naman! Akala ko ikaw."
Nakiupo na rin siya sa harap namin para kumain ng agahan. "Nang alas kwatro kasi kaninang umaga, bigla nalang akong nagising sa ingay na naririnig ko mula sa kusina. Pumunta ako dun para tignan kung sino. Akala ko nga magnanakaw eh, si Knight lang pala. Ang sabi niya, siya nalang daw magluluto ng agahan." Sumubo siya ng isang hotdog. "Aba'y ang sarap mo talaga magluto, hijo."
BINABASA MO ANG
Mission101: Escape
Humor[RomCom Teenfic] "It's easier to feign affection than to feign hate when love is what you really feel."
