A/N: Flashback muna tayo, baka nakalimutan niyo na. May nameet lang namang babae, na itago natin sa pangalang Maria Mercedes dahil sakanyang suot, si Tyrone sa bar. Oh, big time si Tyrone noh? Hahaha! They don't know eachother but they kissed.
----
Mission 19.1 - Jitter
[Mia's POV]
"Asan na ba yung bitch na yun?" inip na inip kong tanong kay Kuya Henry habang nililibot namin ang school ni Gayle para sa exhibit nila. Jusko! Kanina pa kami hanap ng hanap! Ano siya? A girl like her is impossible to find? Tsk. Tirik na tirik pa naman ang araw ngayong hapon! Psh.
"Tinatawagan na nga. Eto na." sagot naman ni Kuya Henry habang tinatawagan si Gayle. Kanina pa din kami tawag ng tawag pero wala rin. Hindi sinasagot. Hay naku.
"Kung maghiwa-hiwalay kaya tayo?" suhestyon ni Knight habang kumakain ng popcorn na nabili niya kanina sa isa sa mga stall sa school ni Gayle.
"Tama! Maghiwa-hiwalay tayo!" sagot ni Kuya Henry habang nakikihingi kay Knight ng popcorn.
Nabigla kami ng sumigaw si Knight. "Ha?! Hindi!!! Ano ka ba, Henry. Maghiwa-hiwalay nalang tayo!" sabi naman ni Knight na para bang magkaiba talaga ang ibig nilang sabihin ni Kuya Henry.
"Tae ka, Knight. Ikaw yung mali! Maghiwa-hiwalay nalang tayo." Isa pa tong si Kuya Henry. Pinatulan din ang kalokohan ni Knight. Akala mo naman magkakaiba ang ibig nilang sabihin, eh pag-umpugin ko kaya sila?
"Wow. Ang galing ninyong dalawa. Sobra!" sarakastiko kong sabi habang pumapalakpak na para bang namangha ako sa mga suhestyon nila. "Mga ulol! Pag-umpugin ko kayo jan eh! Tara na nga! Maghiwa-hiwalay na tayo!" sabi ko at tinapunan ng popcorn yung dalawa.
Nagtinginan yung dalawa at nagslow clap plus pailing-iling pa. na parang nagsastanding ovation. "Tama. Ang galing mo talaga. Shet. Maghiwa-hiwalay nalang tayo! Haha!" sabi nung dalawa habang patuloy na pumapalakpak.
"Mga sira!" sabi ko at tinapunan ulit sila ng popcorn. "Tara na nga!"
"Hoy! Sayang yung popcorn!" sigaw sakin ni Knight nang magsimula na akong maglakad para hanapin si Gayle.
Bumalik ako sakanya at hinila siya, "Ah! Ikaw, sumama ka sakin maghanap kay Gayle."
"Ayoko nga!" hinila niya pabaik yung kamay niya.
"Ang arte mo! Ibibili kita ng popcorn, pag-sumama ka."
Ewan pero parang kumislap ang mga mata niya, "Tara na! Hanapin na natin si Gayle." Nagsimula na siyang maglakad at iniwan ako sa kinatatayuan ko. Mukhang mas excited pa yata sakin na maghanap kay Gayle.
Yun na nga ba ang sinasabi ko. Konting suhol lang ng pagkain ang kailangan nito. Tsk tsk. Ano ba yan? ANG BABOY.
"Hoy, hintay!" tumakbo ako para habulin yung mokong na iniwan ako sa kinatatayuan ko.
Kaso hindi ko siya naabutan dahil ang bilis niya maglakad. "HOY! HINTAY SABI EH!" sabi ko at lumingon siya at naglakad ulit. Ang bastos ng mokong na to. Binilisan ko pa ang paglakad kaya lang may nakabunggo ako sa daan. Kamuntikan pa ngang tumama yung ulo ko sa sahig dahil pareho kaming tumatakbo nang magkabungguan kami, kaya ayan tuoy, ang lakas ng impact ng pagkakatama. "Aray!"
"Ay sorrybels, Ateng! Dehins ko na-see-ing." sabi niya habang kinakamot ang ulo. Pareho pa rin kaming nakaupo sa sahig. "Keribels mo na ba magstanding jan?" Gay language? Tsk. Buti nalang at nakakaintindi ako nun.
"Di ba obvious?" sarkastiko kong sabi habang pinipilit na makatayo. Ang hapdi ng tuhod ko. Tsk.
Nabaling ang atensyon namin nang may isang estudyanteng sumigaw sa di kalayuan, "Weng! Asan ka na ba?! Yung stall natin!"
BINABASA MO ANG
Mission101: Escape
Humor[RomCom Teenfic] "It's easier to feign affection than to feign hate when love is what you really feel."
