Mission 32 - Revelation

629 14 12
                                        

"Yes, hija. He is your fiance."

Tumayo ako. Tinignan ko si Lolo. "FIANCE." Tinignan ko naman yung Mr. Dy. "YOUR." Lastly, tinignan ko si Manyakis. "FACE!"

Halatang nashock sila sa sinabi ko. Pero si Manyakis, di nagtagal, napangiti pa. Anong nakakatawa?!

Inirapan ko nalang siya at naglakad na ako papunta sa pinto ng office ni Lolo. "Mia!"

"Oh?!" Lumingon ako. "Ah, oo nga pala! May nakalimutan ako!" Lumapit ako ulit sakanilang tatlo. Tumigil ako sa harapan ni Manyakis at yumuko ako para magkalevel ang mukha namin. Lumapit ako na para bang hahalikan ko siya, hinawakan ko rin ang pisngi niya. Hinaplos-haplos ko yun hanggang sa makarating sa buhok niya ang kamay ko. "HALIKA RITO!" sinabunutan ko si Manyakis at kinaladkad palabas ng office.

Halatang mas nashock yung dalawang matanda. Bahala kayo! "Mia!" tawag ni Lolo bago pa kami makalabas ng tuluyan.

"Son..."

Padabog kong sinara yung pinto. Binilisan ko ang paglalakad para mas masakit sa part ni Manyakis. Naiinis talaga ako!

Sinabunutan ko siya hanggang sa makarating kami sa garahe. "Aray ko!" Akala niya hindi ko na hawak yung buhok niya nang tumigil kami sa tapat ng kotse, kaya sinubukan niyang tumayo. "Aray!" Hindi ko pa kasi binibitawan yung buhok niya kaya mas nasaktan siya. Well, hindi ko na kasalanan yun.

"Kung ganito ba naman ang fiancee ko, baka hindi na ako umabot ng wedding day. Tss"

"Talagang hindi!" Hinigpitan ko yung hawak sa buhok niya.

Humarap ako sa driver na nagbabantay sa kotse. Napatingin siya kay Manyakis at parang nakilala niya kung sino iyon. Nanlaki ang mga mata niya. "Ye-yes, ma'am?"

Tinignan ko siya ng matalim sa mata. "Susi." Inilahad ko yung isang palad ko sakanya.

"M-m-ma'am..." Yung itsura ng driver namin ngayon parang lahat ng dugo sa muka niya ay nag-evaporate. Namumutla na siya.

"Hoy, wag mo namang takutin yung driver niyo! A-aray!"

"Close ba tayo?" casual na tanong ko kay Manyakis.

"Eh? Malamang hindi! Duhh!" pabalang na sagot niya naman. 

Hinila ko yung buhok niya pataas para yung mukha namin ay magkalevel. "Kaya wag mo akong didiktahan!"

Binalikan ko ng nakamamatay na tingin yung driver. "SUSI!"

----

"Aish! Grabe ka pala noh?" sabi ni Manyakis na inaayos niya yung buhok niya. "Tss. Ang sakit talaga." bulong niya sa sarili.

Nandito kami ngayon sa mall, nasa unahan ko si Manyakis para hindi siya makatakas. Andito kami sa mall hindi para magdate. Yuck, asa. Ni hindi ko nga to kilala. Actually, balak ko kasing i-meet si Gayle. Parang nung dati lang, nung malaman kong fiance ko si Knight, si Gayle din ang una kong tinawagan. Kaya eto, tinatawagan ko.

Ring lang ng ring. Tae. ang tagal mo. "Hello?"

"Bitch, pumunta ka sa mall! Ngayon na! Babye --"

"Ha? Bakit? -- Sino yun, honeybunch?" May narinig akong lalake sa kabilang linya bago ko pa maibaba yung phone. Honeybunch?

"HELLO?! HELLO?!" Shit, sana hindi pa ibinababa ni Gayle. Kailangan ko siyang makausap!

"A-ano yun?"

Whoo! Hindi niya pa binababa! "Ibigay mo kay Kuya Henry! NGAYON NA!"

"Te-teka, eto na. -- Hello? Yes, li'l sis?" sweet na tawag sakin ni Kuya Henry sa kabilang linya.

Mission101: EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon