[Third Person POV]
Natataranta ngayon si Gayle dahil hindi niya alam kung ano ang isusuot. Isasama daw kasi siya ni Henry sa mansion para sa New Year's Eve celebration mamaya. Naisip niya na dapat disente siya dahil for sure, ipapakilala na rin siya sa lolo ni Henry. Ayaw niyang mapahiya ang sarili at ang kanyang honeybunch sa harap ng lolo ng huli. Di nagtagal, nakapili na rin siya ng isusuot niya. "Honeybunch ko! Okay lang ba suot ko? Huhu! Di kasi ako makap --"
"Whatever you wear, you're still Hilary Gayle Opiano; you're still my baby." sabi nito at hinila sa bewang si Gayle para halikan sa noo.
Namula kaagad ang pisngi ni Gayle at hindi alam ang gagawin dahil nabigla lang rin siya. Pero mas nabigla siya, maging si Henry, nang marinig ang boses ng ama ni Gayle, "Ops ops ops! San ka pupunta?"
Agad na bumitaw si Henry at lumayo ng kaunti si Gayle. "Ugh, Da-da-daddy! Ehe. Ano po..." Nilapitan niya ang kanyang ama at niyakap ito, "Daddy, pwede po bang sumama kay Honey-- este Henry --" biglang naputol yung sinasabi niya nang sumagot na kaagad ang ama, "No. It's New Year's eve, baby. Delikado na sa labas."
"Ee pero kasi--" sinubukan ni Gayle na pilitin ang ama niya.
"No, but's. Tsaka kung aalis ka, sinong kakain nitong mga niluto ko?" Naalala ni Gayle na nagluto nga pala ang kanyang ama para sa New Year's eve. Bigla siyang naguilty dahil parang hindi niya napansin ang effort ng ama. Ito na nga lang ang nag-aalaga sakanya tapos hindi niya pa napansin. Wala na rin kasi siyang nanay dahil sa namatay ito sa heart attack. Kaya ayan, simula noon, daddy's girl na siya.
Bigla niyakap ng mas mahigpit ni Gayle ang ama, "Eto naman si Daddy! Matampuhin! If I know, nagseselos ka lang kay Henry?" pang-aasar niya sa ama niya. Inipit niya pa yung ilong ng ama niya gamit ang mga daliri. "Syempre kahit may honeybunch na ako, ako pa rin ang super ultra mega superdidoodle honeybunch ko, Daddy."
Tinignan niya sa Henry, "Sige, honeybunch, dito muna ako sa original honeybunch ko ah? Wag kang magseselos!!!" Paalala niya kay Henry, natawa naman ito dahil ang cute cute talaga ni Gayle.
Nagpout ang binata, isang expression na bihira lang makikita sa binata, at nagsalita. "Kung hindi kita maisasama para icelebrate ang New Year, ako nalang ang magsestay dito... Yun ay kung okay lang kay..." Hindi alam ni Henry kung ano ang itatawag sa ama ni Gayle. Sir Opiano? Mr. Opiano? Tito? O Daddy?
Natawa ang ama ni Gayle, "Tito nalang hijo." Biglang nagseryoso ulit yung mukha ng ama ni Gayle. "Hmm... Pano kung sabihin kong hindi pwede?"
"Okay lang po. Uuwi nalang a--"
"HONEYBUNCH!!!" Sumigaw si Gayle ng pagkalakas-lakas kaya natigilan si Henry. Tinignan niya ang ama, "Daddy naman ee! Sige na puhh-leaaaaase?"
Halatang pinipigilan lang ng ama ang ngiti sa mukha, di nagtagal ay hindi niya na ito napigilan at napangiti na talaga siya. "Sige na nga. Basta no hugs, no kisses, no holding hands, okaY? Ugh, no super long eye contact na rin!" Natawa nalang silang tatlo at tumulong na sa paghahanda ng pagkain.
Sa kabilang banda, nag-uusap naman si Tyrone at si Nikki sa loob ng kotse. Nagdadrive ngayon si Tyrone habang si Nikki ay nagtataka kung saan sila papunta. Hindi kasi iyon ang direksyon sa madalas nilang puntahan eh. Yung bar ni Arthur. "Where are we going? Aren't we going to Arthur's bar?"
Ngumisi si Tyrone, "No."
Binalewala nalang ni Nikki ang sinagot ni Tyrone kahit hindi niya nakuha yung gusto niyang sagot. Hindi kasi sinagot ni Tyrone kung saan sila pupunta.
Tumingin nalang siya sa salamin at nagretouch. Wala siyang idea sa binabalak ni Tyrone.
Di nagtagal, nakarating sila sa tapat ng isang bahay. Pinagbuksan ni Tyrone si Nikki ng pinto at pagbaba ng dalaga ay nagtanong kaagad siya, "At your place?"
![](https://img.wattpad.com/cover/3556365-288-k60140.jpg)
BINABASA MO ANG
Mission101: Escape
Umorismo[RomCom Teenfic] "It's easier to feign affection than to feign hate when love is what you really feel."