Mission 23 - Curiosity Kills

1.2K 24 17
                                        

"Kahit kelan, ang pangit pangit mo talagang tabachoy na may lahing unggoy ka." sabi ko sakanya kahit hindi naman niya ako maririnig.

Katabi ko siya ngayon... Sa kama. Himbing na himbing pa nga ang tulog eh. Eh paano kasi, kagabi... Halos ipagtabuyan ko na nga siya dito sa kwarto ko pero nagpumilit siya. Ang lakas pa naman niya kaya wala na akong nagawa...

*flashback*

"Mia kasi!!! Sige na please! Sige na! Ngayon lang!" katok siya ng katok sa pinto ng kwarto ko. Argh!!!

"Che! Manahimik ka jan! Matulog ka na!!!" sabi ko at tinakpan ko na yung tenga ko ng unan. Ang ingay niya promise! Anong oras na! Halos madaling araw na oh! Tapos gusto niya pang pumasok sa kwarto ko?! Argh!

"Eeh!!! Mia!!!"

BAHALA KA!

"Miaaaaaa? Mia naman eh!!!"

Bla bla bla! Tulog na ako! Tulog na tulog na ako! Zzzzzzzz! Hmp!

"Amelia!!!"

Argh! Lubayan mo ako!!!

"Lois! Buksan mo to! Kundi kukunin ko yung susi... Sige na kasi!!! Papasukin mo na ako sa kwarto mo!" katok pa rin siya ng katok. Ay bwiset!!!

Binuksan ko na yung pinto. "Ano bang gus--"

Pero bago ko pa natapos yung sinasabi ko, pumasok na kaagad siya tapos nahiga sa kama ko. Naglagay pa siya ng unan sa gitna. Ehh? "Hoy! Tumayo ka nga jan! Anong ginagawa mo?! Layas!!!" sabi ko tapos tinulak-tulak siya paalis.

Pero hinila niya ako kaya napahiga naman ako sa kama. "Good night! Tabihan mo lang ako ah? Please?" sabi niya tapos tumalikod na. Pero medyo parang nanginginig siya. Problema nito?

"Hoy, anong nangyayare sayo?"

"Eh kasi... Basta! Wag kang lilipat ha!" sabi niya nang makaharap sakin tapos hinawakan ang kamay ko ng mahigpit at ipinikit niya na yung mata niya para matulog.

"Pag di mo sinabi kung bakit, lilipat talaga ako!" sabi ko tapos sinubukan kong tumayo. Kaso hinila niya yung balikat ko pababa para makahiga ulit ako.

"OSIGE NA! SIGE NA! BASTA WAG KANG TATAWA!"

Natawa naman ako bilga. Hindi ko sinasadya! Natawa nalang talaga ako nung sinabi niya yun. Ewan para kasi siyang tanga. Feeling ko tuloy sobrang nakakatawa yung sunod niyang sasabihin! Haha!

"SABI NANG WAG KANG TATAWA EH! MIA NAMAN!" Mukha na siyang nagmamakaawa.

Mas natawa pa ako. Haha! Ano kayang nangyayari dito? "Oh ano nga?" Ngiting-ngiti pa rin ako.

"Eh kasi... Di ako makatulog..."

"Bakit naman?" Hinawakan ko yung noo niya. "May sakit ka ba? Insomnia? Depression?"

"Hindi!!! Kasi ano... Ano... Uhm..." Pumikit pa siya dahil parang naghehesitate pa siyang sabihin sakin kung bakit. "Natatakot ako dun sa Pagpag!!!"

Ano daw? Natatakot siya? Dun sa Pagpag? "Pfft! Hahahahaha!"

Bigla siyang tumalikod. "Aish! Sabi kong wag kang -- Tsk!"

"Sino yang kasama mo?" sabi ko habang ginagawa yung boses nung bata.

"AAAAAAH!" sabi niya tapos inalis niya yung unan sa pagitan namin at siniksik niya pa yung pwet niya sakin dahil usog siya ng usog sa tabi ko. "MIA! WAG KASI!!!"

"Hahahahaha! Sorry! Natatawa talaga ako. Shet. Hahaha!"

"Basta ha! Wag kang aalis sa tabi ko!" sabi niya na parang seryosong seryoso talaga siya. Haha! Bwiset! kung nakikita niyo lang itsura niya. Best epitome of a person being hysterical. Whooh! Haha!

Mission101: EscapeMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon