[Mia's POV]
"Ano kaya yung second game? Excited na ako!" sabi ni Ate Steph habang hinihintay namin si Kuya Arthur na makabalik. Di ba siya natatakot na baka siya yung matalo tapos kung anong parusa ang ibigay sakanya? Wow lang ha! Ganyan ba talaga siya ka-cool at ka-adventurous?
"Magpapatalo talaga ako kapag ganun ulit ang parusa. Isang masarap na body shot." sabi ni Kuya Henry. "Aray! Makabatok?!" reklamo niya sakin.
"Ang manyak mo eh!" sagot ko naman.
"Joke lang. Syempre, nirerespeto ko tong si Gayle noh." sabi niya at yung bruha, kinilig naman. Ano kayang nagustuhan ni Gayle kay Kuya Henry? Eh ang pervert naman ng lalakeng yan! Tsk tsk.
Bigla akong napatingin kay Knight na busy sa birthday cake nung kapatid niya. Yung totoo? Sino may birthday? Kung makakain siya, akala mo kanya eh! "Hoy! Baboy na unggoy! Sa susunod, gagalingan mo! Hindi yung nagpapatalo ka, ako yung naaagrabyado!" sabi ko. Naaalala ko nanaman kasi yung picture na nakuha ni Ate Steph nung ginagawa namin yung body shot. Tsk. Nakakainis!
"Sus. Nasarapan ka naman sa lemon at asin eh! Hahaha!" pang-aasar niya. "Tingnan mo, nagka-hickey ako sa tyan dahil sinipsip mo ng sinipsip yung tyan ko para sa asin! Haha!" Tinuro niya pa yung tiyan niya na namumula talaga at halos maging chikinini na. Teka, gawa ko ba talaga yan?! OA ah!
"GAGO! FYI, masuka-suka na nga ako eh. Maghilod ka nga minsan! Naghahalong alat at asim yung tyan mo kanina!" sabi ko kahit hindi naman totoo. "At no choice lang ako nun! Wag kang masyadong feeling! Suntukin kita jan eh!" pagbabanta ko. Eh naiinis kasi ako! Ang yabang yabang! Akala mo naman ang yummy niya!
Bigla siyang lumapit sakin kaya napaatras naman ako, "Lugi ako kapag nagsuntukan tayo..." TALAGA LANG! MAKAKAKITA KA NG MGA BITUIN NG DI ORAS! At sisiguraduhin kong, tanging yang mata mo lang ang walang pasa! Hinawakan niya ang baba ko na para bang hahalikan ako, "Kasi hindi ka pa sumusuntok tinamaan na ako sayo." sabi niya.
Tinabig ko naman yung kamay niya, "Gago! Tumigil ka nga! Hindi mo ika-uunlad yang kabaduyan mo!" Nagtawanan lang sina Ate Steph. Nakakainis!
"Ehem. Ehem. Guys, may papakilala ako sainyo." Napalingon naman kaming lahat nang makabalik si Kuya Arthur. "Uhm, si Tyrone Delgado nga pala. Madalas siya sa b--"
Nanlaki ang mata ng lahat maliban kay Ate Steph nang lumabas ang isang lalake sa likod ni Kuya Arthur. "TYRONE?!" sigaw ko.
"Mia?" nagtatakang tanong din ni Tyrone habang tinuturo ako. "Kayo?"
"Woah woah woah! Teka lang, magkakakilala na kayo?!" singit ni Kuya Arthur. Tumango si Gayle. "Edi great! Pero pano?"
"Pare, si Mia yung ex ko." Kinapakapa niya yung batok niya. "Siya yung madalas kong ikwento sayo sa bar." bulong ni Tyrone kay Kuya Arthur.
"ANO?! Wait, si Mia yung ex mo?!" sabi ni Kuya Arthur na halatang naguguluhan at napahawak nalang sa noo niya. "So... Kapatid ko pala yung karibal mo? Te-teka lang." dagdag pa niya habang tinuturo si Knight. Biglang hinila ni Kuya Henry si Kuya Arthur palayo samin at nag-usap sila. Parang nagkakaron sila ng maliit na diskusyon pero kalma pa rin ang isa't isa.
BINABASA MO ANG
Mission101: Escape
Humor[RomCom Teenfic] "It's easier to feign affection than to feign hate when love is what you really feel."