[Knight's POV]
"Hoy! Patahanin mo yang mga bata! Kasalanan mo eh!"
"Oo na! Oo na!" Psh. Eh hindi ko naman alam na may mga kasama pala silang bata, di ba?! Hindi ko naman alam na magugulat sila sa pagsara ko ng gate! Hindi ko naman alam na matatakot sila! Tapos ngayon ako ang papatahanin niya sa mga batang yan na umiiyak? At isang dosenang bata pa ang papatahanin ko! Psh!!!
"Umayos ka! Mababatukan talaga kita kahit pa may sakit ka!" sabi nung amazona at pumunta na sa kusina para gumawa ng cookies kuno. Teka, marunong ba yun? Kung ako nalang kaya gumawa ng cookies? Di naman kaya sunugin niya ang buong bahay niyan?
"Waaaah!"
"Huhuhuhu!"
"Waaahuhuhuhuwaaah!"
Sabay-sabay na iyak nung mga bata. Aish. Mas sumasakit ulo ko. Mas magkakasakit pa yata ako!. "Tahan na. Sorry na talaga. Uy, sige na. Bati na tayo." sabi ko sakanila pero mas lumakas pa yata ang iyak nila. "Mga bata, sorry na talaga oh. Hindi na uulitin ni Kuya Knight. Please? Sorry." sabi ko ulit habang magkadaop ang mga kamay pero balewala lang din.
Tumayo bigla si Tyrone na kanina pa nakatingin sakin habang pinapatahan ang mga bata. Lumapit siya sa mga bata at lumuhod sa harap nila. "Gusto niyo ba ng candies?" masayang tanong niya sa mga bata. Natuwa naman sila at unti-unti nang tumahan. Psh! Ang lakas makasuhol ah! Pasikat! Ba't di ko ba yun naisip? Nakakainis! Teka, may naalala ako!
"Ako! Si Kuya Knight! Merong candies! Maraming marami! May chocolates pa! Gusto niyo?" masaya ko ring tanong sakanila. Naalala ko kasi may nakatago pala akong candies and chocolates sa kwarto ko. Tinatago ko talaga kasi baka agawan ako ni Mia. Grr.
"Ayaw! Mas gusto namin si Kuya Tyrone." Edi ako nalang kakain nung candies ko! Huhu. Bakit ba ayaw pa rin nilang tanggapin ang sorry ko? Bakit ba mas gusto nila si Tyrone? Psh.
"Ato po! Ato po! Tuya Knight! Guto ko po ng candies! Guto ni Vivi ng candies! Guto!" sabi nung isang bata na Vivi yata ang pangalan habang lumalapit sakin. Wow! May isang batang nagustuhan ako! Nagustuhan ako! Yeheeey! Ang cute niya nga eh, may flowers na parang headband ang nakalagay sa ulo niya. Hindi ko alam ang tawag dun, eh ano bang alam ko sa mga accesories ng babae? Anyway, siya ang pinakamaliit sa lahat at ang chubby din ng cheeks niya plus may curly siyang buhok kaya ang cute cute niya talaga!
"Ta-talaga? A-ako?" hindi makapaniwalang tanong ko. Tumango naman siya at sa sobrang tuwa ko, binuhat ko siya. Umakyat kami sa kwarto ko para kumuha ng candies. Tuwang-tuwa naman siya nang makita ang isang bag ng candies at chocolates ko.
Bumaba na rin kami agad at sakto, inihahanda na ni Mia yung cookies. "Yeees! Cookies!" kukuha na sana ako kaso bigla niyang tinapik ang kamay ko.
"Tumigil ka nga! Ang baboy mo! Para yan sa bisita!" Baboy agad?! Kainis! Eh siya nga jan, amazona agad!
"Grabe ka naman! Hihingi lang eh!" Inabot ko yung plato pero itnataas niya para di ko maabot. Sus. Akala mo naman mas matangkad siya sakin. Pero ang likot niya, di ko maabot. Psh. Isa lang eh!!! Di na naawa sa may sakit!!! Amazona!!!
"Ehem." biglang singit ni Tyrone. Isa pa to, epal. Sarap upakan. Hindi ko alam pero naiinis ako sa presensya niya eh!
Bigla kaming napatigil ni Mia at binigyan niya nalang din ako. "Himala! Hindi sunog." kumuha ako ng isa at kinagatan ito "At malasa."
BINABASA MO ANG
Mission101: Escape
Humor[RomCom Teenfic] "It's easier to feign affection than to feign hate when love is what you really feel."