Mission 27 - Officially Missing You

838 15 6
                                    

*click video on the multimedia*

Nagkatotoo kaya yung hiling ni Knight? Sana oo, para mas okay kasi nagkatotoo na yung akin. Tsaka ano kaya yung wish niya dun sa lantern? Tae, nakucurious ako. Tsaka may utang pa pala ako sa unggoy na yun na isang wish. Natalo niya kasi ako dun sa Wish Contract namin sa basketball arcade sa WOF.

Ay ewan! Bakit ko pa ba siya prinoproblema eh tapos na nga? Ano ba yan?! Hahaha! Parteeeh!

Pero next time nalang ako magpapaparty, magshoshower muna ako. Duhh, alangan namang matulog ako ng hindi nagshoshower lalo na't nahiga kami sa kalsada kanina para lang tignan ang stars noh? Baka katihin ako pagtulog. Hahaha! Sayang ng skin kong maganda. Hahaha!

Nagshower na ako habang pakanta-kanta pa. Ang saya ko kasi talaga eh!

Matapos nun ay naghanap na ako sa wardrobe ko ng mapagbibihisan. Laking gulat ko nang makitang kokonti lang mga damit ang wardrobe ko. Bigla kong naalala, nasa bahay pa nga pala namin ni Knight yung mga gamit ko. Ang tanga ko talaga, bakit ba hindi pa namin kinuha ni Knight kanina bago kami pumunta rito para mag-away?

Hayaan na nga, maghihiram nalang ako ng tshirt kay Kuya Henry sa kwarto niya. May set of unused undies pa naman kami dun sa walk-in closet kaya yun nalang gagamitin ko.

Tsk. Dapat bukas, pumunta ako sa bahay namin ni Knight para kunin lahat ng gamit ko. Tsk.

Habang hinihintay na matuyo ang buhok ko ay nakita ko yung laptop ko sa study table ko. Kaya nag-Facebook na rin ako. Naku! Ilang araw na nga ba akong hindi nakapag-online? Zzz.

Pag-open ko ay ang dami kong notifications, messages, at friend request.

Oh? Anong meron? Ang oa naman ng mga tao! Simula nang lumipat ako ng bahay, nagsidatingan naman yung notifs? Hahaha!

Binuksan ko muna yung friend requests. Sino ba tong mga to? Close ba tayo? Hayaan na nga, accept nalang ng accept.

Nang nasa huling friend request na ako ay nakita ko ang pangalan ni Knight. "Knight Xyn Chua. 912 mutual friends. Confirm. Not Now."

Hindi ko pa pala siya friend? Hahahaha! At nagsend pala siya ng request dati pa? Hahaha! Funny! Bat ba ngayon ko lang to binuksan account ko? Hahaha!

In-accept ko nalang din yung request niya. Hayaan na, wala naman na din yun eh. Haha!

Tinignan ko naman yung messages ko. Mga hindi ko naman kakilala.

"Pa-add po, ate!"

"Ateng, add mo akes! Gandola mo talaga! :D Add me ples?"

"J3j3j3! Addzxs m3h pHoeowsxz!"

Puro pa-add ang nakita ko. Kung hindi naman pa-add, puro...

"Congrats po! Bagay na bagay talaga kayo!"

"Gratsxz!"

"Nice one po! Bagay kayo."

Oh hindi ko naman kilala kung sinong kinabagayan ko. Haha! Mga baliw din tong mga taong to.

Pero nung pagscroll ko pa ng konti, nalinawan ako, dahil sa ilang messages nung iba...

"Best wishes po sainyo ni Knight! Ang pogi niya, swerte mo po!"

"Add mo po ako, ang gwapo kasi nung boyfriend mo. Eheeeeee. Stalker po ninyo ako ni Kuya Knight!"

Oh di ba? Best wishes daw. Ano kami? Kinasal? Haha! Oo, muntikan na pero no way! Buti nga napigilan pa namin ngayon. Hahaha!

At saka, kaya ba nila ako in-add ay dahil ang alam nila ay syota ko si Knight? Ano ba naman yan? Ang daming echosera sa mundo! Mga chismoso! Hahaha!

Mission101: EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon