"Ano ba kasi talaga nangyare?" tanong ko kay Gayle na medyo naluluha na nang maabutan namin sila sa gallery, kasama ang classmates niya na kinokomfort siya. Umalis na din sila nung dumating kami pero yung Gunther, nagpaiwan para i-comfort si Gayle.
May itsura si Gunther ah. Pwede. Sa totoo niyan, mas neat pa ngang tingnan si Gunther kaya gwapo siyang tingnan kesa kay Kuya Henry. Pero mas maappeal pa rin talaga si Kuya.
"Ewan ko sakanya!" sabi ni Gayle habang umiiyak at hinahabol ang hininga. "Na-nakakainis! Eh wala namang -- wala naman akong ginagawa ah."
"Wala kang ginawa pero nagselos si Kuya Henry? Ha? Ano yun? Bigla nalang nagalit? Gayle naman..." sabi ko kay Gayle tapos tinignan niya ako habang umiiyak na para bang sinasabi niya sa mga mata niyang kumakampi ako sa kapatid ko imbis na sa betfriend ko. "Uhm, I'm not taking sides, okay?" pagkaklaro ko dahil baka na-misinterpret niya yung tinanong ko kanina. "So, ano nga nangyare?"
"Nakita niya lang kaming nag-uusap ni Gunther dito sa stall. Umalis kasi yung ilan naming groupmates kanina para magsnacks. Eh walang magbabantay ng stall kaya sabi ko ako nalang, pero nagpresenta rin si Gunther, kaya ayan, kami lang ang natira sa stall." sabi niya at umiyak ulit.
"Yun lang?" Imposible namang magalit si Kuya Henry nang ganun-ganun nalang. I'm sure may ikinaselos yun.
"Nag-uusap nga lang kami." sabi niya habang nakatingin sa mata ko. Ano ba to? Ang hirap naman ng sitwasyon ko. Ang bestfriend ko plus ang Kuya ko. Kaya ayoko noon na magkaron sila ng ugnayan eh! Ako ang maiipit kapag nag-away sila.
"Teka nga lang, kausapin ko lang to." singit ni Knight at tinuro si Gunther na nakaupo lang sa gilid. "Halika dito. Dali! DALIAN MO!"
"Knight naman..." nag-aalalang sabi ni Gayle. "Gunther..."
Di naman kaya bugbugin yun ni Knight? Yaan na nga, baka boys talk lang naman.
Binalik ko ang tingin kay Gayle, "Hayaan mo na sila. Going back, as in wala nang ibang nangyare? Maliban sa nag-usap lang kayo? Try mo pang isipin, baka meron."
"Wala --" Bigla siyang napaisip at parang nataranta pa. "Ay meron nga pala."
----
[Arthur's POV]
Oh, sabi ng author nito, first and last ko na daw itong POV sa storyang ito kaya namnamin niyo na, lalo na sa mga fanchicks ko jan. Alam ko naman, namiss niyo ako. Oh eto.. I love you! (Send to many nalang!) Dejoke. May nililigawan na ako kaya dapat magseryoso na ako sa love. Love? Shet. Nakakabading mga tol. Haha!
Eh bakit nga ba ako may POV ngayon?
Eh kasi naman tong lasing na kaibigan na kasama ko ngayon, na itago nalang natin sa pangalang Henry, ay ako nanaman ang iniiyakan. Tsk. Kainis to ah! Baka mapagkamalan pa kaming mga bading dito sa Happy Ending Bar. Sakin nga pala tong bar.
Kaninang alas singkong tapat pa nga yan tungga ng tungga ng alak, eh syempre mabait akong kaibigan kaya ako yung tagabigay ng alak. Sponsor kumbaga. Tsk. Siya yata ang magpapabagsak sa negosyo ko eh. Lagi nalang libre ang mga inumin niya kapag may problema. Ang yaman tapos ang kuripot. Taena. -_____-
BINABASA MO ANG
Mission101: Escape
Humor[RomCom Teenfic] "It's easier to feign affection than to feign hate when love is what you really feel."
