Lumingon yung babae, tumayo, at naglakad patungo sa direksyon ni Knight, "What took you so long, Knight? I missed you so much!"
Napataas naman ang kilay ko nang halikan niya sa pisngi si Knight. "Won't you say you missed me, too?" Kahit kasi si Knight, natulala lang sa ginawa ng babae.
Maganda siya, sexy, maputi, mukha namang matalino, halatang englishera, sophisticated. Dyosa yata ang tamang term para sakanya? Kaya lang, halatang napakaliberated niya, sa suot pa lang niya at pananalita. Aaminin ko, nakakaintimidate siya ah. Pero ipapaalala ko lang, nasa pamamahay ko siya. Tch.
"O-of course! I-I missed you, too."
"Ehem. Padaan nga!" singit ko dahil nakaharang lang sila sa main door. Duhh, ang lamig kaya sa labas! December na rin kasi. "Maglalandian kasi, sa may pinto pa!" bulong ko pa sa sarili ko.
Kaya lang, bago pa ako makadaan, nagulat ako ng hinigit ni Knight yung bewang ko para ipakilala dun sa babae. "Si Mia nga pala."
Lumapit sakin yung babae at inikutan ako. Tinignan ako mula ulo hanggang paa. Problema nito?! Nearsighted ka ha? Kung makakilatis ka, parang iyo tong bahay ko. Baka gusto mong tusukin ko yang mata mo? "Oh, so, she's the girl." Ngi-ngiti-ngiti niya pang sabi. "Nah! The ordinary girl."
Aba nakakainis to ah! Kung makaasta! Ang yabang! Ang sarap kalbuhin! Pshh. Eh naiintimidate ako eh! Kung nakamamatay lang ang tingin, siguro kanina pa ako nakalibing!
Nasa pamamahay ko siya kaya hindi pwedeng magpahalata akong naiintimidate ako. Inextend ko yung kamay ko para makipagshake hands, "I'm Mia, Knight's fiancee. And you are?"
Tinignan niya lang yung kamay ko na nakaextend pa rin at nagsmirk siya. Gahd! Nang-aasar ba siya? Bakit ba ang ganda niya?! "Who am I? Hahaha! Are you sure you want to know?"
Eh bakit, sinong Pontio Pilata ka ba?! Ha?! "Of course!"
"Clue: I'm the girl who makes your self esteem go away. Any ideas?" Nagsmirk siya, "Jazz is the name." Hinalikan ako sa pisngi at hinug ako. "It's nice to meet you, Mia."
Jazz? Narinig ko na yang pangalan na yan eh!!! Hindi ba't... ANO!? S-s-siya si Jazz?! Yu-yung ex ni Knight? Teka, nabingi lang ba ako or what? Sino nga ulit siya?
"I think... I think I... Uhm..." Tinignan niya lang ako habang nakasmirk pa. Shit! Ano ba tong nararamdaman ko?! Ba't ba parang gusto ko nang magtago?! "I think I need to go to my room." sabi ko at umkyat na kaagad papuntang kwarto ko. Pero tinignan ko ulit sila at ngumiti para hindi nila mahalatang natataranta ako. "By the way, nice to meet you, too." Fake smile.
Narinig ko pang natawa yung Jazz. "Give me a hug! I missed you so muuuch!" rinig kong sabi pa niya kay Knight. Pasimple naman akong lumingon at talagang naghug sila na parang namiss nila ang isa't isa.
Bakit sila ganyan!? Mag-ex ba talaga sila? Bakit kami ni Tyrone noon, hindi ganyan? Bakit hindi sila bitter sa isa't isa? Bakit?! Para silang hindi mag-ex eh! Sila na kaya ulit?! AHHHHH! ANG LANDI NINYO!
Pagkapasok ko ng kwarto, humilata kaagad ako sa kama ko at tinakpan yung mukha ko gamit ang unan. "AHH! ANG LANDI LANDI LANDI LANDI LANDI NINYO!" sigaw ko. Hindi naman nila yan maririnig dahil nga sa unan at nasa baba naman sila.
Naupo ako sa gilid ng kama ko. "Hoy, Knight, ang kapal ng mukha mo. Ang kapal kapal kapal kapal kapal kapal kapal! Tapos yung babaeng yun naman, ang sarap sabunutan! Palayasin ko siya dito eh! Pasalamat siya, bisita mo yun! Kung hindi, nakuuu! Baka nakalbo ko na siya!"
Kinuha ko ulit yung unan at sumigaw ulit ako dun. "AAAAAARGH! NAKAKAINIS!"
Sa sobrang inis, roll lang ako ng roll sa kama ko dahil gigil na gigil ako. Eh nakakainis eh! Tinignan ko yung puting kisame habang nakahiga. "Ipapaalala ko lang sayo, fiancee mo ako at fiance kita! Psh. Baka nakakalimutan mo, boyfriend kita!!! Hindi nga lang halata... Argh! Nakakainis!!!"
BINABASA MO ANG
Mission101: Escape
Humor[RomCom Teenfic] "It's easier to feign affection than to feign hate when love is what you really feel."