Mission 28 - The Missing Knight

770 14 10
                                        

Dedicated to ImSkaterGirl! Hello! :D

----

*click video on the multimedia*

Lord, kung narito siya... Yun na ang sign... Mahal ko nga talaga siya.

Dahan-dahan kong pinihit ang door knob kahit walang kasiguaraduhan ang nasa loob ng likod ng pintong ito.

Bigla akong napaisip, kung andito siya, oo, magkakaroon ng sign na mahal ko siya, pero anong gagawin ko? Aamin ako na mahal ko siya? Pano kung hindi niya rin ako mahal?

Ano ang sunod na mangyayare?

Tsk. Hindi ko rin alam.

Pero kahit ganoon ay itinuloy ko pa rin ang pagbukas ng pinto at pagtuklas kung andyan ba siya. Nang una'y nakapikit lang ang mata ko, pero nang mabuksan ko na talaga ang pinto ay naglakas loob na akong buksan rin ang mata ko.

Nilibot ko ang mata ko...

Wala ang mga gamit niya. Napakalinis ng lugar.

At napagtanto kong maging siya ay wala..

Eto na ba yung sign? Hindi ko ba talaga siya mahal?

Pero habang nag-iisip ay nahagilap ng mata ko ang cabinet niya. Nakabukas ang pinto nito.

Bakit kaya nakabukas yun?

Lumapit ako. Paglapit ko, unti-unti kong nakita na may gumagalaw sa likod ng pintong iyon at may paa sa ilalim ng pinto ng cabinet.

Teka, may tao?! Si Knight?!

Andito si Knight?!

Ito ba yung sign?!

 Si Knight!

Agad akong tumakbo pat6ungo sa likod ng pinto ng cabinet para yakapin si Knight. Wala na akong pakealam kung anong isipin niya or kung halatang-halata na gusto ko siya, basta ngayon, gusto ko lang ay yakapin siya. Miss na miss ko na siya.

Miss na miss ko siya kahit iilang oras palang ang lumilipas na hindi ko siya kasama. Normal ba yun? Normal bang isipin ko siya palagi? Mahal ko nga talaga siya.

Pero may napansin ako. Bakit parang ang lambot ng tyan ni Knight? Ganyan na ba siya kataba para lumambot ang tyan niya? Oo, malakas siyang kumain pero wala naman talaga siyang bilbil. Pero hindi naman bilbil itong nahahawakan ko ngayon, sadyang malambot lang siya. And weird ang ganoong tyan para sa isang lalake.

Tsaka bakit pumayat ka yata, Knight?  "Bakit parang sumesexy ka?" Ang liit ng bewang mo, parang mas sexy ka pa sakin. Tsaka yung buhok mo, amoy... amoy matamis. Weird ulit para sa isang lalake. "Teka, nakalimutan mo bang tumalon noong New Year kaya nagshrink ka?" Bakit arang bumaba yata height mo? Wait, posible bang magshrink ang mga tao?

Ahh! Baka sobrang namiss ko lang siya kaya kung ano-ano na ang naiisip at napapansin ko. Niyakap ko pa siya ng mas mahigpit. "Hay ewan, basta ikaw bwiset ka, namiss talaga kita. At mahal na mahal kita."

Kaso bigla niyang inalis yung braso ko sa bewang niya.

Rejected ba ako? Inalis niya ba yung pagkakayakap ko dahil hindi niya rin ako mahal?

Teka, ano ba, Mia? Wag kang mag-overthink! Baka inalis niya yung kamay mo sa bewang niya kasi haharap siya sayo at sasabihin niyang mahal ka rin niya. Chill ka lang! Ayan, haharap na siya.

Yumuko lang ako dahil baka hindi ko magustuhan ang sasabihin niya. Dahil baka kapag iba ang sinabi niya sa inaasahan ko, baka maiyak lang ako, at ayokong makita niya yun. Kaya yuyuko nalang ako.

Paghrap niya, nakita kong nag-cross arms siya pero hindi pa rin ako tumitingin sa mukha niya.

Please, sabihin mong hindi ako rejected. Please? Knight, kahit sabihin mo lang na namiss mo ako, okay na sakin.

Mission101: EscapeMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon