Mission Accomplished (Epilogue)

833 30 19
                                        

[A/N: Wala po akong kinalaman sa pagkawala ng spaces. Automatic na nag-iba yung format niya. Haha!]

----

"Masakit magmahal."

Yan ang madalas kong sabihin sa sarili ko noong una. Pero sa lahat ng nangyare sakin, napagtanto kong hindi iyon totoo.

Hindi naman talaga masakit magmahal e.

Ang kasinungalingan, oo, masakit. Ang kawalang tiwala, masakit. Ang hindi pagtanggap, masakit. Ang mawalan ng taong minamahal, masakit. Pero ang pagmamahal? Hindi.

Sadyang nalilito lang tayo kung ano nga ba ang tunay na masakit -- ang pagmamahal o ang kasinungalingan, kawalang tiwala, hindi pagtanggap, at pagkawala ng minamahal. At madalas, pagmamahal pa ang pinipili nating sisihin.

Sa katunyan, ang pag-ibig ang siyang nag-aalis ng lahat ng sakit at kalungkutan ng puso.

Napabuntong hininga na lang ako sa kinauupuan ko. Wala na akong magagawa. Kasalukuyan nang lumilipad ang eroplanong sinasakyan ko papuntang London.

Kung gusto niya talagang kalimutan ko siya, gagawin ko. Kung yun ang paraan para bumalik siya tulad ng buwan sa alamat, titiisin ko.

Minsan hindi ko mapigilang isipin kung umabot ba kami nang ganito kalayo at katagal para lang sumuko.

Pero hindi eh, alam kong babalik siya. Pero kailan?

"Sissy, wag ka nang malungkot," sabi saakin ni Weng na katabi ko ngayon. Pinahid niya yung mata niya, "Maiiyak din ako nyan eh!"

Nginitian ko nalang siya kahit hindi naman talaga ako masaya dahil ayoko namang mag-iyakan kami dito ni Weng. Kasi kahit umiyak pa kami ng buhangin, wala pa ring mangyayari. Hindi pa rin titigil sa paglipad netong eroplanong sasakyan namin at ikakasal at sa ikakasal din kami.

Hay! Naibigay na kaya ni Kuya Henry yung letters ko para kina Gayle, Ate Steph, Kuya Arthur, at Nikki? Ni isa kasi sakanila hindi ko pa nakikita simula noong gabing pinaglaban namin ni Knight ang pag-iibigan namin. Ni hindi man lang talaga ako nakapagpaalam. Kaya sinabi ko nalang ang lahat sa letters na pinadala ko kay Kuya Henry.

Iniisip ko palang ang mga reaksyon nila kapag nabasa nila yun, naiiyak at natutuwa na ako ng sabay. Ewan ko ba. Baliw na yata ako. Pero mas baliw yung mga yun. Pero kahit na baliw yung mga kaibigan ko, nagpapasalamat pa rin ako at nakilala ko sila. Siguradong mamimiss ko sila.

Lalo na si Knight! Mamimiss ko yung unggoy-na-panget-na-gago-na-patay-gutom-na-baboy-na-bwiset-na-madiskarte-na-gwapo-na-mahal-ko na yun! Aish! Nakakainis dahil kahit anong pagpapaalala ko sa sarili ko na kalimutan siya, hindi ko magawa!

Sinampal ko ang sarili ko sa inis. "Mawala ka na jan! Layas!" Bulong ko sa sarili ko habang marahas na tinuturo yung utak ko. Bigla ko namang nilagay yung kamay ko sa puso ko, "Pero wag ka munang aalis dito... Sabi mo kasi babalikan mo pa ako. Kaya dito ka lang. Dito."

Mission101: EscapeMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon