[Mia's POV]
"Hoy, Knight! Ano bang problema mo?!" Padabog siyang pumasok sa bahay. "Hoy, ano ba?! Sumagot ka nga!"
Ano ba nangyayare sakanya? Ibang iba siya ngayon... lalo na kanina sa harap ni Tyrone. Medyo nakakatakot ang aura niya. Siguro kahit si Tyrone ay na-intimidate sa inakto niya. Tapos may sinasabi pa siya kanina noong nagpakilala siya kay Tyrone. Ayaw niya raw sa mga taong kinakain ulit ang mga pagkaing iniluwa na. Wait, nagpaparinig ba siya noon kay Tyrone? Tsk.
Padabog siyang umakyat sa kwarto niya. Sinundan ko naman siya. Kaso...
*BLAG*
Pinagsarhan niya ako ng pinto. >________< Ano bang problema niya?! Anong klaseng alien ang dumukot kay Knight? Hindi ito si Knight na makulit at pacute na nakakairita. Ngayon, naiirita lang ako dahil hindi siya ito. Banas!
*TOK TOK TOK* Kinatok ko yung pinto ng pagkalakas-lakas. "HOY, CHUA! ANO BANG PROBLEMA MO?! BUKSAN MO NGA TO! MAG-UUSAP TAYO! HOY! CHUA! ISA! HINDI MO TO BUBUKSAN?! DALAWA!"
Aba talagang hindi niya pa rin binubuksan. Balak pa yatang paabutin nang tatlo.
*TOK TOK TOK* Kinatok ko ulit yung pinto.
"KNIGHT, ANO BA!! BUKSAN MO NGA TO! KANINA KA PA HA! NAKAKAINIS NA! SIMULA NUNG KAUSAP KO SI TYRONE! HOY! ANONG PAG-IINARTE TO? KANINANG UMAGA LANG ANG LAKAS NG TRIP MO, TAPOS NGAYON?! KUNG NANTI-TRIP KA NANAMAN, WALA AKO SA MOOD! KAYA PWEDE BA? ITIGIL MO NA TONG KAARTEHAN MO!"
*TOK TOK TO-- Biglang naputol yung pagkatok ko nang bumukas yung pinto.
"TINATANONG MO KUNG ANONG PROBLEMA KO?! BREAK NA KAMI NI JAZZ! OH ANO NGAYON?! MASAYA KA NA?! MAY MAGAGAWA KA PA BA!?"
O___________O Be-break? Jazz? Ma-may girlfriend siya?
*BLAG* O_______O
Pinagsarhan niya ulit ako ng pinto. >_________<
"BAHALA KA SA BUHAY MO! HINDI KO KASALANAN KUNG MAGBREAK KAYO NG GIRLFRIEND MONG YUN! HINDI KO PINAPAKEALAMAN ANG LOVE LIFE MO, KAYA WAG MONG PINAPAKEALAMAN YUNG SAKIN! HINDI KO GINUSTO YANG ARRANGED MARRIAGE NA YAN, KAYA WAG AKO ANG PINAGBUBUNTUNGAN MO NG GALIT! LECHE! BAHALA KA! AALIS AKO SA BAHAY NA TO!" Sigaw ko sa harap ng pinto ni Knight.
Tumalikod na ako at naglakad palayo papunta sa hagdan. Talaga! Aalis ako! >____< Binuksan ko yung pinto ng bahay kaso may biglang humigit sa braso ko. Napaharap ako sakanya.
"Oh, san ka naman pupunta?!"
"LAKAMPAKE! BWISET!"
*BLAG*
BINABASA MO ANG
Mission101: Escape
Humor[RomCom Teenfic] "It's easier to feign affection than to feign hate when love is what you really feel."