Mission 14.1 - Summer Paradise

1.5K 26 10
                                    

[Mia's POV]

"Ready na ba lahat?" sigaw ni Kuya Henry na naghahanda na ngayon sa pagdrive. Mamaya si Knight naman. Palitan lang daw sila.

"Paandarin mo nalang nga, Kuya! Umeechos ka pa eh!"

"Wag mong bilisan ang pagdrive! Mommy ko! Waah!"

"Whoooo! Parteh! Ay teka teka, may naiwan yata ako!"

Yan ang iba't ibang sagot namin nina Knight at Gayle. Magkatabi kami ni Gayle sa likod ng kotse at sa passenger seat si Knight, katabi ni Kuya. Napatingin kaming lahat kay Knight dahil may nakalimutan nga raw siya. Ano naman kaya yun? Psh. Abala.

Hinalungkat niya yung bag niya at biglang sumimangot. "Yung chips ko! Naiwan ko sa ref! Huhu!" sabi niya habang excited nang bumaba kaya biglang pinreno ni Kuya Henry ang kotse. "Aray!" Sa inis ko sa ka-OA-an niya, nabatukan ko siya. Sus. Laking bagay nung chips niyang yun? Psh.

"Yaan mo na tong baboy na unggoy na to, Kuya. Magdrive ka na." sabi ko naman kay Kuya Henry.

Tumango lang si Kuya at pinaharurot na ang kotse. Inutusan niya si Knight na iplay yung CD na nakalagay sa malapit sa steering wheel. Sinunod naman ito ni Knight at nagpatugtog.

(click vid on the multimedia)

"My heart is sinking

As I'm lifting up"

Intro palang pero iba't ibang reaksyon na ang narinig ko. Di nga ako makarelate eh. Anong meron sa kanta?

"Yun oh!" - Knight

"Ehem." - Kuya Henry

"Uhm..." - Gayle

Anong meron? Out of place ako. "Hoy, anong meron sa kanta?! Ba't ganyan kayo makareact? Paltan niyo na nga yan!" sabi ko habang tinatapik si Knight na para bang inuutusan ko siyang paltan.

*screeech*

Biglang hininto ni Kuya Hnery ang kotse. "WAG!"

"OA! Kung makapreno, halos maiwan kaluluwa ko para lang sa kantang yan?! Edi wag. Psh." sabi ko naman kaya nagpatuloy lang si Kuya Henry sa pagdadrive.

Dumating na yung chorus at si Kuya, mukhang nag-eenjoy sa pagkanta. Halos isigaw niya na nga eh.

"Cause I remember every sunset

I remember every word you said"

Paborito niya ba yang kantang yan? Ang alam ko kasi, yung mga OPM Rock tulad ng Parokya ni Edgar ang gusto niya. Pero ba't parang nag-iba ang taste niya? Hmm..

"We were never gonna say goodbye

Singing la-da-da-da-da"

Tapos si Gayle, naririnig kong nagha-hum kahit mahina lang. Pero parang nakakarelate din siya. Ehh? Paborito din niya ba yan?

"Tell me how to get back to

Back to summer paradise with you"

Habang kinakanta yang part na yan ni Kuya Henry, parang damang-dama niya eh. Tapos si Knight naman, tinatap niya yung ibabang part ng windshield ng kotse na para bang nagdadrums lang. Onga pala, hindi ko pa siya natatanong kung nagbabanda ba talaga siya dati. Wait, ba't ko pa kailangan itanong? Like why do I even care di ba? Eew.

"And I'll be there in a heartbeat

Oh-oh

I'll be there in a heartbeat

Oh-oh"

*poke poke*

Napatingin naman ako kay Gayle. "Yes, bitch?"

Mission101: EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon