Mission 12 - Twelve Hangers

1.4K 20 9
                                    

[Mia's POV]

"Hija, may bisita ka." sabi ni Manang.

Napataas ang kilay ko. "Bisita nanaman?! Sino naman daw po?" Naku. Baka BWISITA lang yan eh. Busy ako! Busy mag-alaga ng boyfrie -- unggoy!

"Basta lalake. Nasa labas pa rin siya ngayon."

"Ah ganun po ba? Sige, ako nalang magchecheck." Sino naman daw yun? Pa-mysterious effect, sarap sipain sa mukha!

*lubb dubb lubb dubb*

Ewan ko pero bigla akong kinabahan. Para bang may mangyayari? Di kaya... Di kaya si Tyrone ang bisita? Shemay. Anong sasabihin ko sakanya kung siya nga?

Ay hindi! Baka hindi naman siya!

*dingdong*

Hala! Talagang nagdoorbell pa siya ulit? Teka, baka si Tyrone talaga! Bubuksan ko ba ang gate? Shemay. Okay lang ba itsura ko ngayon? Okay ba? Huy! Ano? Okay? Di naman kaya ako mukhang basang sisiw dahil sa wet hair ko? Shemay! Teka, bakit ba ako kinakabahan? Eh siya naman yung may kasalanan sakin. Psh.

*dingdong*

Nagdoorbell ulit! Hoy! Pano na? Aish! Sige na nga, bubuksan na.

*lubb dubb lubb dubb*

Eto na. "Uhm," Eto na talaga! Shemay! "Ma'am, eto na po yung pinapadeliver ninyong tubig."

Ay? Akala ko ba bisita? Ba't delivery ng tubig ang kaganapan ngayon? Anakngpupu. Muntanga. Epic fail.

"Sige! Ipasok mo na yan sa loob. Walang unggoy ang magbubuhat niyan eh. May sakit." walang gana kong sabi sa delivery boy. Akala ko si... Tsk. Bwiset.

Binuhat na nung delivery boy papunta sa sala yung tubig at umalis na din. Aish! Akala ko talaga.. Ee naman eh! Hindi sa gusto ko ulit si Tyrone pero... Narealize ko lang kasi kagabi sa park na may point din naman siya. Na walang masama kung bibigyan ko siya ng chance. Na naipit lang talaga siya sa pangyayare. And no, hindi ako nangtu-two time. Nasa open relationship lang kami ni Knight. Remember? At siya na rin ang nagsabi na okay lang na magkagusto ako sa iba tutal, wala naman siyang pake.

Hay. Walang gana kong sinara ang gate at pumasok na.

*dingdong*

Ahh. Baka yung delivery boy yan. Nakalimutan yata yung bayad ko. Psh.

"Eto na yung baya--" napahinto ako at halos malaglag ang panga ko.

(click vid on the multimedia)

"Di ko nais na magkalayo tayo"

Biglang may lumapit na cute na cute na bata na may dalang hanger at kinantahan ako. Wait, di pa naman Christmas ah?

"Ang aga naman yata ng pagka-carol mo, bata?" Di umimik yung bata at nginitian lang ako.

"Nagselos ka at nilayuan mo ako"

May bigla ulit lumapit saaking kumakantang bata na may dalang hanger. Anong meron? Akala ko ba tambol ang ginagamit sa pagka-carol? Ba't hanger ang dala nila?

"Buhay nga naman, tunay bang ganyan

Bumalik ka naman"

May mga sumunod pang mga bata. Nakahilera lang sila sa unahan ko. Di naman kaya hinahanap na sila ng magulang nila? At yung mga hanger, san galing?

"Kahit na ano pa ang iyong gusto

Okey lang basta't magkabati tayo

Minamahal kita, hihintayin kita"

Dumami pa ng dumami ang mga batang may dalang hanger hanggang sa maging isang dosena sila. Lahat din sila kumakanta. Anong meron? Lahat sila tumngin sa kabilang side ng daan kaya napatingin naman ako.

"Sorry na, puwede ba"

Siya. Siya ang may pasimuno ng lahat. Okay lang kaya ang itsura ko? Shemay talaga.

"Buhay ko'y nasa 'yo

Matitiis mo ba ako, oh baby"

Unti-unti siyang lumapit sakin.

"Huwag sanang magtampo"

Nakihilera siya sa mga bata at sinabing,

"Sorry, pwede ba?"

"Ayieee! Oo na yan!" Sigaw ng mga bata in unison.

"Go, Kuya Tyrone!" sigaw nung isang bata.

Tinulak-tulak ng mga bata si Tyrone palapit sakin. Ewan. Natatawa ako. Ang cute kasi... nung mga bata. Hahaha!

"Ano... Uhm.." tumalikod siya at binigyan ng signal ang mga bata. "I. Am. Very. Sorry." sabi niya habang itinataas ng mga bata ang mga hanger. Bawat hanger ay may nakasulat na letra at kapag pinagtabi-tabi mo, "I. A. M. V. E. R. Y. S. O. R. R. Y." ang nakalagay. "Mia, please? Sorry na."

"No. Apology, denied." sabi ko sakanya.

Halata sa mga bata ang pagkalungkot although hindi ko alam kung naiintindhan na nila ang mga sinabi ko. Kahit si Tyrone, nalungkot din. "Bakit?" tanong niya.

"Patawarin mo muna ang sarili mo." sabi ko at hinawakan ko ang kamay niya.

Napangiti siya, "Okay. Pinapatawad ko na ang sarili ko, so..." ngumisi ulit siya at itinaas-baba ang kilay niya na para bang alam niya na ang mangyayari. "Bati na tayo?"

Tumango-tango naman ako. "Yes."

Nabigla naman ako nang niyakap niya ako. Tinapik-tapik ko siya para tumigil siya, "Uhm, bati na tayo pero hindi pa rin tayo."

"Ay oo nga pala. Sorry. Hahaha! Pero... Mahal kita." sabi niya habang hawak ang kamay ko.

"Uhm. Ano nga pala meron jan sa mga hanger? I expected for flowers, you know." sabi ko ng pabiro habang pasimpleng nagchachange topic. Ayaw ko kasi magreply sa sinabi niya. Hindi pa ako sure masyado.

"Because flowers are too mainstream? Hahaha! And I used hangers beacuse I want to ask you something..." tumalikod siya at sumignal ulit sa mga bata. Binaliktad ng mga bata yung hanger at may nakasulat pa pala sa likod nito. "Can we HANG out?"

"Kung maglalambingan lang kayo dito sa labas, wag niyo ng idadamay ang doorbell. Alam niyo bang sinasayang ninyo ang koryente? Ang dami-daming walang koryente sa mundo tapos sinasayang niyo lang yung meron tayo. At ang iingay niyo pa. Di niyo ba alam na may nagpapahinga dapat ngayon sa kanyang kwarto pero dahil nabulabog ninyo, eto, gising na gising ang diwa at pinagsasabihan kayo? At oo, ako yun! Psh." Bigla niyang sinara ang gate. Psh.

"Knight!" saway ko sakanya. Ayan nanaman siya e, iba ang aura plus mukhang GG. Galit na Galit. Psh. Panira ng moment.

-----

A/n: Hi sa mga pro-Tyrone. This is for yaaa! Lol. Teehee! Back to projects. -_-

Mission101: EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon