Mission 10 - Popcorn

1.4K 20 15
                                        

[Tyrone's POV]

"Isa pa!" sabi ko kay Arthur. Siya ang may-ari nitong bar na to at siya na rin ang bartender. Matanda lang siya ng tatlong taon sakin. Madalas din ako ditong uminom kapag may problema.

"Hoy, pare! Madaling araw na oh! Di ka pa ba uuwi?" tanong niya habang ibinibigay yung alcohol na hinihingi ko. Gusto niya na yata akong pauwiin pero ba't niya pa ako inaabutan ng alcohol?

Tumawa lang ako. Ininom ko yung alak.

"Baliw ka na ba? Hoy, Tyrone!" inalog-alog niya ako. "Ay alam ko na yang mga nakakagagong tawa mong yan sabay inom ng alak. Lovelife?"

Nadale mo, pare. Lovelife. Lecheng pag-ibig!

"Ha-ha-ha! Ako na dapat yun eh! Pare! Ako dapat yun." sabi ko kay Arthur habang inihihilamos ang kamay sa mukha.

"Sabi ko na at tungkol nanaman yan sa ex mo. Ang hirap kasi sayo --"

"-- sobra akong magmahal.. Ang hirap kasi sakin, nagpapadala ako sa pag-i-pag-ibig. Na dapat ang pag-ibig, hindi sineseryoso. Na dapat chill lang ako. Ang gago nga eh. Banas!" pagpapatuloy ko sa sinasabi niya at ininom ko na yung alak ko. Alam ko namang ito lang ang sasabihin niya. Halos ito kasi ang isinusumbat niya sakin kapag nadadalas ako dito. Palibhasa, pa-fall siya sa mga babae. Palibhasa, paasa siya. Palibhasa, hindi ako tulad niya.

Ininom ko nanaman yung alak ko. Tumawa ulit ako. "Madalas pa rin siyang pumunta dun sa park na yun kapag may problema. Baliw talaga siya. Luma na yun pero punta pa rin siya ng punta dun. Kung di pa siya sakin hinanap nung bestfriend niyang isip-bata, hindi ko pa siya maabutan. Hindi pa ako matatauhan. Hahahaha!" Naihilamos ko nalang ang kamay ko sa mukha ko. "Tangina, pare. Ako dapat yung sasagip sakanya. Ako dapat yun! Ako dapat yung yayakapin niya habang umiiyak siya. Ako dapat eh." sabi ko kay Arthur kahit di ko alam kung naiintindihan niya ba ako o hindi. "Kaso siyempre, naunahan ako. May iba na siya. May fiance na siya. Ano namang laban ko dun, di ba?"

"Hahahahaha! Fiance lang naman pala! Ang dami mo pang kwinento! Akala ko naman, mag-asawa na! Pwede pa yan, pare!" sabi niya habang nakatawa ng nakakaloko at tinatapik-tapik ang balikat ko.

"Gago! Tigilan mo ako sa mga walang kwenta mong plano! Di ako tulad mo!" sabi ko habang tinatapunan siya ng bola ng tissue. Wala akong balak sulutin si Mia sa fiance niya. Wala akong balak maging kabit. Gagu.

"Anong ako!? Ikaw jan ang iba ang iniisip! Ang ibig kong sabihin, pwede mo pa naman ipakita o iparamdam yung tunay na nararamdaman mo para sakanya." inosente niyang sagot. "Ewan ko sayo! Ang bata mo pa mag-isip! Umuwi ka na nga! Babae lang yan!" Gago talaga. Ininom ko nalang yung alak ko.

Pero, may point nga naman siya.

****

[Mia's POV]

"Anong meron? May family gathering ba?" casual na tanong ko pagkapasok namin ni Knight sa bahay namin nang magkahawak ang kamay. Sina Lolo, Kuya Henry, Tita Danica (Knight's mom), Tito Geoff (Knight's dad), and Manang kasi ang bumungad samin ni Knight. Yung Kuya lang yata ni Knight at si Gayle ang kulang ngayon. Remember? May kuya siya na bestfriend naman ng kuya ko.

"Ano ba kayo?! San kayo galing?!"

 "My goodness! You're back!"

 "Pinag-alala ninyo kagabi si Manang!"

 "Nag-away daw kayo at naglayas kagabi? Is that true, son?"

Sabay-sabay nilang sabi noong nakita nila kami. 

Mission101: EscapeMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon