Bumalik ako sa resort, samantalang si Tyrone, nagpa-iwan dun sa Gazebo.
Umalis lang kami, ang gulo gulo na. Yung bote, nagkalat. Iba't ibang kulay ng likido ang natapon sa sahig. Eto namang mga lalake, halatang wasted dahil sa itsura nila pero sige pa rin ang inuman maliban kay Knight na tulog na talaga. Ano ba yan!
"Oh, anong nangyare jan sa kapatid mo at tulog na tulog na?" tanong ko kay Kuya Arthur.
Ininom niya muna yung inumin sa baso niya bago ako sinagot, "Ganyan talaga yan, mabilis makatulog. HAHAHAHA!"
"Teka, si Gayle nga pala, nasa kwarto niyo na. Sunod ka nalang sakanya kapag inaantok ka na." sabi ni Ate Steph na nakikipag-inuman din kina Kuya Henry at Kuya Arthur.
Tumango nalang ako. Aalis na sana ako kaso narinig kong biglang nagsalita si Knight mula sa pagkakatulog. "Naiiihi na ako!"
Nang marinig iyon nina Kuya Arthur ay sabay-sabay silang nagulat. Para bang may halong takot noong narinig nila ang mga katagang iyon. "Patay." sabaysabay nilang sabi.
Bakit patay?
Tumayo si Knight mula sa pagkakahiga niya. Nang ginawa niya iyon ay sabay-sabay ulit na nataranta sina Ate Steph. "Ayan na! Patay talaga!"
Anong meron?
"Wiwi. Ughhh. Cr." sabi ni Knight nang makatayo. Naglakad siya palapit sakin at umikot sa palibot ko. Pagkatapos niyang umikot ay huminto siya sa tapat ko. Di ko alam kung anong binabalak niya pero ang ikinagulat ko eh noong hinawakan niya ang shorts niya at umaktong ibababa niya iyon, kaya naman napapikit ako. "Ugh...." sambit pa niya.
Buti na lang at noong ibinaba na ni Knight ang kanyang underwear ay saktong naisod na siya ni Kuya Arthur patalikod sakin. "Gago. Lasing ka na talaga. Dun ka sa cr!" sabi niya at buti nalang ay napigilan pa ni Kuya Arthur ang pag-ihi ni Knight sa harapan ko.
Inassist pa ni Kuya Arthur si Knight patungong cr. Jusko! Buti nalang! Kamuntikan ko ng makita. Kamuntikan ko ng malaman kung totoo ba yung kasabihan na, "Big men with big foot have big you know." Eh kasi naman, may malaki siyang paa. Pero buti nalang. Hay naku.
"Pasensya ka na, ganun talaga yun kapag nalalasing. Mabilis makatulog tapos maya-maya, maiihi. Wala namang kaso dun, kaya lang sa harapan mo yun gagawin. Pasensya na. Hahaha!" paliwanag ni Ate Steph sa inakto ni Knight. Ay ganun pala yun. Hahaha! Lasingin ko nalang kaya siya lagi? YUCK. Joke yun. Isang malaking joke. Tumawa kayo, please lang. Kadiri kasi. Haha!
Di naglaon, bumalik na iyong dalawa. Pinaupo si Knight sa dati niyang pwesto pero halatang antok pa ito at lasing. Papunta na sana ako ng kwarto ko para matulog kaya lang nabigla kami ng nagsalita ulit siya. "Tubig!"
Nang tumalikod ako, nakita ko si Knight na gumagapang na papunta sa pool. "Tubig! Ughh!" Gapang lang siya ng gapang. Nang malapit na siya, inilabas niya ang dila niya, at balak na ilublob ito sa pool.
Yuck. Ganyan ba siya kalasing?
Eto namang sina Ate Steph, tinignan lang si Knight. Ganun lang? Talagang papainumin nila si Knight ng tubig sa pool? Eh may chlorine yan eh!
BINABASA MO ANG
Mission101: Escape
Humor[RomCom Teenfic] "It's easier to feign affection than to feign hate when love is what you really feel."