"KNIGHT! AHMISHU AHMISHU AHMISHUUU!" Tae, mukha na akong tanga dito kasisigaw dito sa kwarto ko. Miss ko na kasi talaga siya! Kung di lang kasi nakealam yung Dwendeng Manyakis na yun, edi sana nakasama ko pa ng matagal kanina si Knight.
"Knight! Hoy, Knight! Naririnig mo ba ako? Tok tok tok! Tao po? Can you hear me?" Nakahilata lang ako ngayon sa kama, nakatingin sa kisame, at kinakakausap ang virtual Knight ko. "Hoy, ang sabi ko, miss na kita!"
Nagroll ako sa kama ko at dumapa. Tinignan ko yung cellphone ko. Wala man lang text. "Waaaah!" Nagshake-shake ako na para bang nagwawala. Nahulog na yung kumot sa sahig dahil ang gulo-gulo ko.
Nagroll ako ulit at humarap sa kisame. Kumuha ako ng unan at nilagay sa may tiyan ko. "Hindi mo ba ako namimiss? Hindi ka man lang ba isasagot dyan?"
Kinuha ko yung unan at nilagay sa mukha, "SAVE ME FROM THIS LONELINESS, MY KNIGHT IN THE SHINING ARMOR! SAVE MEEEH! SAVE ME, BEBEH! SAVE MEEE--" Natigilan ako nang may biglang kumatok sa kwarto ko. "Sino yan?"
"Si Knight."
Ano raw? Sino?
Si Knight?! Si Knight?! As in si Knight, my labidabs, my sugar honey iced tea?
OMG. Wala nang ayos-ayos ng mukha at buhok, kahit magulo, agad na akong tumakbo papuntang pinto. Kaso yung kumot na nahulog kanina dahil sa kabaliwan ko, naapakan ko kaya nadulas ako. "Ahhh!"
"Mia?!" sabi ni Knight habang binubuksan yung pinto.
"Ouch. Huhu!" sabi ko habang namumulupot sa sakit. Pero kunwari ko lang na masakit noh! Syempre, gusto kong buhatin ako ni Knight papuntang kama. Bridal style ha, hindi baboy style na buhat tulad ng ginagawa niya sakin dati. "Ouch, ang sakit talaga!"
Narinig ko yung mga yabag niya palapit sakin. Nagside view ako tapos maya-maya nasa likuran ko siya ngayon, hinawakan niya yung isang side ng balikat ko. "Okay ka lang ba?!"
Teka, may weird. Pero kahit weird, pinagpatuloy ko lang ang pamumulupot sa sakit. Niroll niya ako para maiayos yung pagkakahiga ko sa sahig. Pumikit pa ako para effect yung pag-arte ko na masakit yung likod ko. Di nagtagal, naramdaman kong binuhat niya na ako.
Shet, namiss ko yung paraan ng paghawak niya sakin. Omg. I miss him.
Ibinaba niya na ako sa kama, kaso yung braso niya, nadaganan ko kaya hindi siya makaalis. Nararamdaman ko yung hininga niya sa pisngi ko pero nanatili akong nakapikit.
Pwede bang ganito nalang tayo lagi? Magkalapit at hindi na maghihiwalay?
Sumilip ako ng konti at hinalikan ko yung pisngi niya. "I miss you, Kni-- Aray!"
Tinulak niya ako palayo para maalis yung kamay niya at sinapak ako sa mukha kaya napadilat na ako. Nanlaki yung mata ko sa gulat. Gulat dahil sinapak niya ako at gulat dahil... "KADIRI KA, TEH! BAKIT MO AKO HINALIKAN?! YUCK YUCK YUCK! DI MO BA MAGETS NA MAGKALAHI TAYO?! YUCK! DYOSA AKO! DYOSA!" Hinaplos-haplos niya pa ng kamay niya yung part na nahalikan ko.
BINABASA MO ANG
Mission101: Escape
Humor[RomCom Teenfic] "It's easier to feign affection than to feign hate when love is what you really feel."
