Dedicated to @rhialeity! Hello! Keep safe! :* ♥♥♥
----
[Mia's POV]
"Sa bilang ng tatlo, papasok na tayo, Knight. Game?"
Whoo! Eto na! Sa isang kilos ng kamay ko ay bubuka na ang pinto at magsisimula na ang pagtatapos.
Oh, dyosa ng pag-arte, sapian mo kami ni Knight para makaarte kami ng maayos mamaya sa harap ng pamilya namin.
Huminga siya ng malalim. "Game."
Humingan a rin ako ng malalim at diniinan pa ang hawak sa doorknob ng main door ng mansion ni Lolo. "Isa..."
*click video on the multimedia*
Kaso bilgang nagsalita si Knight, "Tatlo!" Hinawakan niya rin ang door knob at siya na mismo ang nagbuka ng pinto.
Dahil sa gulat ko, nauna na siyang nakapasok at naiwan ako sa labas.
Gago ka, Knight! Kahit kelan, di ka marunong magbilang!!!
Nang nasa loob na siya ay bigla siyang nagsalita nang parang galit na galit, "Sino ba kasi yung lalakeng yun?!"
Oh ngayon may lalake ka namang tinutukoy?! Sino ba yan!? Ikaw, ang gulo mo ha! At ikaw pa tong may ganang magalit eh hindi ka nga marunong magbilang!
"Mia, ano?! Hindi ka makasagot?!"
Pumasok na rin ako ng bahay. "Punyeta, Knight! Ano bang problema mo?!" Ba't sakin ka nagagalit eh ikaw nga tong mali-mali ang bilang. Dapat, papasok tayo sa bilang ng tatlo pero pumasok ka sa unang bilang. Ano ba?! Punyeta.
"Ikaw ang problema ko!!!"
Ako pa talaga ang problema niya?! Ang gulo mo ha!
Lakad lang siya ng lakad at padabog-dabog pa. Kaya inis rin akong lumalapit sakanya. "Ako?! Wow ha! Wow! Ang galing mo rin!" sarcastic kong sabi.
Ni hindi ko nga nagegets yung sinasabi niyang lalake o kung ano pa man kanina plus hindi pa siya marunong magbilang at iniwan niya ako sa labas tapos ako pa yung may problema dito?! Wow!
"Ikaw naman talaga eh! Nakita kita! Wag mo nang ikaila! May kasama kang ibang lalake kanina!"
PUNYETA, KNIGHT! SINONG LALAKE BA TINUTUKOY MO?! EH BUONG ARAW KAYA KITANG KASAMA. HELLO? NAGDIDILIRYO KA BA?! IPAPA-ALBULARYO NA KITA!
"Amelia? Anong nangyayare dito?" Napatingin ako sa direksyon ng taong nagsasalita. Nandito na kami ngayon sa sala. Sa likod ng nagsasalita ay ang gulat ng gulat na parents ni Knight na sina Tita Danica at Tito Geoff; habang ang nagsasalita naman ay si Lolo.
Anong nga bang nangyayare, Lolo?
Aish, bobo! Oo nga pala, dapat umaarte na kami ngayon, nakalimutan ko! Kunwari pala ako yung may ibang kalaguyo. Ano ba yan! Ang tanga ko talaga. Kaya pala galit na nagtatanong si Knight kung sino yung kunwaring lalake na kasama ko raw kanina.
"Ano, Mia?! Hindi ka na makasagot?! Ha? Pero kung lan--" padirediretsong sabi ni Knight sakin.
Pinutol ko yung sinabi niya at binalewala ang tanong ni Lolo, "Pwede tumigil ka?! Ang daldal mo, daig mo pa babae! BWISET!"
"Eh paanong hindi?! Mia, nanlalalake ka! Fiance mo ako! Akala mo ba, hindi ko napapansin yang ginagawa mo!? Matagal na, Mia! Matalaga na at ang sakit sakit itago ang nararamdaman!"
Wow! Saang palabas naman kaya nahanap ni Knight itong break-up line na to? Hahaha! Medyo natatawa ako pero pinipigilan ko lang dahil kung hindi, masisira ang plano.
![](https://img.wattpad.com/cover/3556365-288-k60140.jpg)
BINABASA MO ANG
Mission101: Escape
Humor[RomCom Teenfic] "It's easier to feign affection than to feign hate when love is what you really feel."