( neeko's POV)
'' Talo na kami no?! Kasi tong si Kean eh!!!!!! napaka bossy!!!!!'' sigaw ni john kay pyo habang hirap na hirap pa kaming makarating sa finish line.
slave for two months? hindi ko kaya yun!
' kung nakinig kayo sakin, edi sana hindi tayo natalo?!!' bulyaw naman ni kean pabalik kay john. Bakit nga ba ako yung nasa gitna nila? Grabe! sumakit ang ulo ko. pero as leader nila. Kaylangan ko ng napakahabang pasensya. napaka halaga sakin ng The Shining.
konti nalang. ilang hakbang nalang at nasa finish line na kami. basang basa na ko ng pawis pero hinayaan ko nalang na tumagaktak yung pawis ko.
'' NIce work boys! hindi kayo talo! second kayo!'' Masaya at nakangiting sabi sa amin ni pyo at kirusteno. lumuwag naman yung loob ko.
YES!!!!!! HINDI KAMI TALO! buaha! for sure sila mint ang talo. sa sobrang competitive ni miko, hindi ako magtataka na sila yung panalo.
'' YUN YUN OH!! SECOND TAYO!!! WHOOOOOOOOOOOP!!'' tuwang tuwang sabi ni john kaya naman itinaas niya yung kamay niya sa ere. nakalimutan na yata niyang nakatali padin kami.
'' aray ko!! pyo! yung susi!!!'' - sigaw ko. parang masusugatan yung wrist ko. kinuha naman agad ni kean yung susi saka kami kinalagan.
FREEEEEEEEEEDOOOOOOOOOOOOOOOOOOM!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Ang saya saya ko. alam niyo yung down na down ka kasi akala mo talo na kayo pero hindi pa pala?! AWESOME!
Nag high five kaming tatlo.
'' pero dapat kasi talaga first tayo eh. ikaw kasi kean ang nagger mo eh.'' - hindi padin nagpapatigil si john sa pangungulit kay kean.. nagkibit balikat naman si kean. '' eh sino nga bang natalo?''
napatingin ako bigla kayla pyo. as if on cue, nagulat ako kasi tumakbo papunta sa amin si mint at tasha. nanlaki yung mata ko.
so ibig sabihin, sila lena yung natalo?!!
hindi ako makapaniwala. sinalubong ko kaagad si mint. '' anong oras pa kayo dito?'' tanong ko. ibinalik lang ni mint yung tanong ko gamit ang nakakalokong ngiti.
'' AAAAAAAAAH!! TALO KAYO!!! TALO KAYO!!! ANO KAYO NGAYON?!! WAHAHAHA!! AKO NA NGA PINAKABATA, KAMI PA NANALO!!!'' binatukan ko lang si mint. '' hindi padin kami talo no. sila miko yung talo.''
'' kami padin yung nauna dito! so that means, talo padin kayo!'' si tasha naman yung sumunod na nang asar samin. iba na talaga pag nananalo. ahhaha.
nagulat naman ako ng bigla nalang tumakbo si john papalapit at niyakap si tasha. parang aso lang na matagal nahiwalay sa amo niya. hahahaaha!
'' NAMISS KITA BEBE!!!'' sigaw ni john. tinulak naman siya ni tasha. poker face nanaman siya. '' bebe ka dyan? shoo. slave kita no.'' hindi ko mapigilan ang matawa. pero biglang sumagi sa isip ko sila lena. nasan na kaya sila? okay lang kaya sila?
'' anong oras kaya makakabalik ang ating mga alipin?'' tanong ni kean. feeling amo agad. tumingin si pyo sa orasan niya.
'' 15 minutes na nakalipas after ng allowed time.so-sobra sobrang negative points na yun. pasok muna tayo sa loob ng lodge at kumaen muna kayo. for sure gutom na kayo.'' sabi ni pyo. isa isa naman silang sumunod at pumasok sa loob ng lodge. sumunod nadin ako kahit na may hindi ako ma-explain na feeling. iniisip ko padin si lena at miko.
hindi naman pababayaan ni miko si lena diba?
kahit kasi masungit si miko, alam ko ang pinanggagalingan niya. at mas lalong alam ko na hindi na niya hahayaang may masaktan pa ng nandyan siya.
kahit papano nakahinga ako ng maluwag sa naisip ko.
kumaen na kami sa loob. Ang sarap ng hinanda nilang ulam! Sinampalukan, tinola, inihaw na isda, hotdog,bbq at kung ano-ano pa. all out talaga.
kung makikita lang siguro ng mga fans namin kung papaano talaga kami kumaen, matatawa sila. parang may food war na nagaganap. si mint at kean, nag aagawan sa isda. si john naman pinipilit subuan si tasha ng bbq.
'' sayang naman wala sila miko dito! paborito pa naman niya tinola!'' sabi ni mint bigla.
budump.
eto nanaman tong pakiramdam na to. hindi ko nanaman maipaliwanag. '' anong oras na? hindi ba masyado na yata silang late?'' tanong ko ulit kay pyo. tumingin siya sa orasan niya.
'' one hour late na sila.. '' - mabagal niyang sabi. para namang huminto lahat.
hindi pala parang.
huminto talaga.
binitawan ni mint yung kutsara at tinidor niya. tumigil si tasha sa pag sampal kay john. at ako naman tumayo.
''hahanapin ko sila.'' kinakabahan ako. lahat ng pwedeng maisip kong masamang mangyari, naiisip ko ngayon. hindi. walang nangyaring masama sa kanila.
'' SAMA KAMI!!!!''- sigaw nilang lahat.
-----------------------------------------------------end of UD-------------------------------------------
guys. sorry ang tagal kong hindi nakapag UD. exams season namin sa college and busy ako sa pag-fa-fundraising. Sorry!! pero sobra sobrang thanks sa mga nagbabasa neto. 5000 reads na siya!!! AM SO HAPPY!!!! *TEARS!!!*
malapit na ang bakasyon ko :) makakapag Ud na ulit ako :P
comments are highly appreciated :)
love you people! :)
BINABASA MO ANG
* Just like the Movies* ( SHINee Fiction)
Teen FictionSi Lena Samantha ay isang typical college student, ng sa isang iglap, nagbago ang buhay niya dulot ng isang aksidente. samahan natin si Lena sa kanyang kwentong mala pelikula. she couldn't believe the fact that her life??? it's JUST LIKE THE MOVIES...