( Kean/ key's POV)
nang makita ko ang papa ni lena na nag announce na si lena pala na kababata ko ang may debut ngayon, hindi ako makapaniwala. coincidence lang ba to? o destiny? ewan ko. pinaglayo kami, as in walang connection sa isa't isa, tapos ngayon matatagpuan ko nanaman siya. sh*t ang gay ng pinagsasasabi ko, pero.. excited na talaga akong makita siya ulit..
nung napunta sa kanilang dalawa ni neeko yung spotlight habang pababa sila sa stage, napatayo ako sa kinauupuan ko. ang nostalgic lang ng pakiramdam. ang ganda padin niya, ang elegante pa niyang tignan, pasado sa standards ko sa fashion ang suot niya ngayon, pero bakit ganon? parang naninikip yung dibdib ko nung nakita kong magkahawak sila ng kamay ni neeko? ang bigat sa pakiramdam. parang gusto kong tumakbo dun at ako nalang maging escort niya.
" hala?! paano na yan? anong na caught sa traffic? papano na yung 18 roses niya? kulang ng isa!!!" narinig kong nagbubulungan sa likod ko yung dalawang babae, lumingon naman ako at namukhaan ko agad si tita, mama ni lena..
" tita! natatandaan niyo pa po ba ako?!" dali dali kong tanong kay tita, tinignan naman niya ako, mula ulo hanggang paa. hinawakan niya ako sa balikat. " key!! anak!! ang laki mo na!! buti nakadating ka!! may problema kami!! ikaw nalang ang pumalit dun sa kaklase ni lena sa 18 roses niya, eh kasi naman natraffic eh.. kulang kami ng isa!!" natatarantang sabi sa akin ni tita, tumango naman ako, " leave it to me tita,"
" oh, buti naman , hulog ka ng langit key, kamusta mo ako sa parents mo ha?teka eto sumama ka sa akin, dito ka pumwesto, pangatlo ka ha? " mabilis na sabi ni tita sa akin habang ni-lead niya ako dun sa pwesto ng mga 18 roses.
tinignan ko ulit si lena, kasayaw pa niya si neeko. i clenched my fists. aish! selos ba tong nararamdaman ko? ang weak ko naman! infatuation lang siguro to. brotherly love lang to, oo. bestfriend ko si lena. okay? AISSSH!!!
napalingon sa akin si mint, nasa unahan ko kasi siya sa pila, " oh! mama anong ginagawa mo dito?! di ka naman kasali sa 18 roses ah?!" nanlalaki pa yung mata niya. tinulak ko siya, " mamaya ko na i-e-explain, turn mo na oy!" lumapit siya kay lena at neeko, yan! tama yan! paghiwalayin mo sila.!! nako kean, magiging karibal mo ba si neeko? aish! scrap that idea! wala ka nang gusto kay lena. crush mo lang siya nung bata ka diba?
isa lang ang alam ko ngayong gabi. mabaliw baliw na ako kaiisip kung ano ba talaga si lena sa akin. para kasing lahat nalang ng feelings ko sa kanya nung bata kami bumalik nung nakita ko siya at na realize kong pede ko ulit siyang makasama.
nagsayaw na sila lena at mint, parang nag e-enjoy si lena kasama si mint, okay lang yan, bata pa naman si mint.. inayos ko yung disguise ko ulit habang nagsasayaw sila... pagtingin ko, aba!! yakap na ni mint si lena!!!!
dali dali akong pumunta sa gitna...
" ehem ehem..." humiwalay naman na si mint kay lena..
" see you later ate," sabi pa niya...
lumingon si lena sa akin, nasa likod kasi nila ako. ang tagal niya akong tinitigan.. pumikit pa siya tapos dumilat ulit ng pagkatagal tagal.
anong nangyari dito?
" KEY~!!" sigaw niya, nagulat naman ako, at the same time relieved kasi nakilala niya ako as key at hindi as kean. niyakap niya pa ako ng pagkahigpit higpit.. i miss this girl so much.
i wrapped my arms around her too tapos, ibinalik ko yung death hug. ang tagal naming nagyakapan.
" happy 18th birthday lena" binulungan ko siya, ang saya saya ko ngayon.
" waah. key, namiss kita ng sobra sobra!!! saan ka na ba kasi nagsuot?! " tanong pa niya sa akin, tapos bumitaw siya..
nabitin naman ako sa yakapan namin!! psh. nag pout ako." bakit ka bumitaw? ayaw mo ba akong yakapin? ten years mong di nakita bestfriend mo tapos bibitaw ka lang?"
natawa siya sa akin, niyakap niya ulit ako... " baliw ka kasi key eh, dapat magsasayaw tayo, debut ko to diba?"
" bakit sumasayaw naman tayo ah?" sagot ko, gusto ko siya makausap ng masinsinan, yung matagal ba, haist. 10 years kaming di nagkita no. tapos busy ako sa training training training. >_<
napatingin ako sa audience, nakita ko si tita na nagse-senyas ng oras..
"turn na ng iba," sabi ko kay lena, kahit sa totoo lang, ayaw ko pa bumitiw..
pagka balik ko sa may audience, nilapitan agad ako ni john at mint..
" okay?! what's that about?!!" hysterical na tanong sa akin ni john,habang tinuturo pa niya si lena na may kasayaw ng iba, sarap tawanan ng pagmu-mukha ni john, kala mo naman nakipagtanan ako. HAHAHAHAH
" oo nga!!!! ano yun?kilala mo pala si lena eh!! " pahabol pa ni mint, para naman nila akong kino-corner,
" mahabang kwento guys,pero please wag niyo sabihin kay lena na ako si kean." malungkot kong sabi sa kanila..
siguro nagtataka kayo kung bakit ayaw kong ipaalam kay lena na si key na kababata niya, ay akong si kean ng the shining...
" bakit naman?" napalingon kami ng makita namin si neeko. kinabahan ako bigla.. pero parang may feeling ako na gusto ko siyang pantayan.. o lagpasan.
" basta. sa dorm ko na i-e-explain lahat. pero please, huwag." pakiusap ko ulit sa kanila.
" okay, basta sa dorm , kwento mo ah!! ang sweet niyo kaya!!!!" masiglang sabi ni mint,
" oo nga eh, kala mo mag jowa eh, " sabi naman ni john,
" mag jowa nga ba?" tanong naman ni neeko..
" HINDI kami mag jowa! o siya, later guys! " sabi ko sa kanila at lumayo na ulit duon.
nag de-debate padin talaga utak ko kung sasabihin ko ba kay lena na ako si key, at ako din si kean. baka kasi magbago yung pakikitungo niya sa akin. baka maging akward siya around sa akin knowing na ako yung inidolo niya. gusto ko kung mapapalapit ulit kami sa isa't isa, gusto ko mapalapit siya kay key. hindi kay kean. si key na ako lang. hindi si kean ng the shining.
ayoko kasi maagaw siya ng ibang member.
may special bond na kasi sila ni KEY.
where in ako bilang KEAN, WALA. :(
-------------------------------------------------end of UD----------------------------------------------------------------
sensya po lame update :P ayan po kasi yung POV ni kean / key nung sa first part ng debut ni lena. :P WAHAHAHAHAHAHA~! JELLING JELLING si key~! seloso ka boy~! :P
ano na? KEY VS NEEKO NA BA?! :p
hahahahahahahaah:) Epic_Live23 signing out~!
BINABASA MO ANG
* Just like the Movies* ( SHINee Fiction)
Teen FictionSi Lena Samantha ay isang typical college student, ng sa isang iglap, nagbago ang buhay niya dulot ng isang aksidente. samahan natin si Lena sa kanyang kwentong mala pelikula. she couldn't believe the fact that her life??? it's JUST LIKE THE MOVIES...