take thirty one! action!

440 6 5
                                    

( kean's POV)

Nung niyakap ni neeko si lena sa harap ko, bigla akong nainis. Hindi lang sa kanya, kung hindi pati nadin sa sarili ko.

" neeko salamat talaga ha, kung hindi siguro dahil sayo baka ano ng nangyari sa amin ni miko dun. life saviour ka talaga." tuwang tuwang sabi sa kanya ni lena. I clutched my hands. Bakit ba? bakit ba kasi hindi nalang ako yung nakakita sa kanila? bakit hindi nalang ako yung nakaligtas sa kanya? bakit hindi ako? bakit si neeko pa?

yung pakiramdam na makita mo yung mahal mo na yakap yakap ng ibang lalaki at wala kang magawa? NAKAKAMATAY. Lalo na at WALA KANG KARAPATAN PARA MAGSELOS. sino nga ba ako para kay lena?

idol niya?

bestfriend niya?

ni hindi nga niya alam na ako si key.

"wala yun no, ikaw pa! kalusugan mo muna yung isipin mo, madami ka ng na-miss na lesson sa college no." piinagsabihan ni neeko si lena. tumango naman siya. napangiti siya kay neeko. at napansin kong may iba sa ngiti niya.

napatingin ako kay tasha at na realise kong nakatingin din siya sa akin. sinenyasan niya ako na lumabas ng pinto at tumango naman ako.

"neeko, lena, labas lang kami saglit ha." pag papaalam pa ni tasha.

" oh sige lang, ako na muna bahala kay lena" sabi pa ni neeko. pinigilan ko ang sarili ko na mag selos. pakiramdam ko kasi pag natuloy pa to, magkakaproblema pa ang grupo namin.

mahalaga sa akin ang the shining. Sila na ang tumayong pamilya ko, pero ngayon palang, gusto ko ng agawin si lena kay neeko. Hindi naman ako manhid para hindi ko mapansin na iba ang paga-alala ni neeko kay lena.

nasa hallway na kami ni tasha, at hinarap niya ako. '' kean may tanong ako, may gusto ka ba sa bestfriend ko?'' dere-deretso niyang tanong ng walang pakundangan,

"..."- ako. nabingi yata ako. tama ba ang pagkakarinig ko?

" huh?"- reaction ko.

'' ang sabi ko, may gusto ka ba sa bestfriend ko?'' - pag uulit pa ni tasha.

'' ANO?!!!!!'' napasigaw kong tanong. halatang napalakas ang boses ko dahil nag lingunan pa sa amin yung mga tao sa paligid.

" SHHHHHHHHHHHHH! " hinampas naman ako ni tasha. '' ang ingay mo!'' at tinawanan pa niya ako. '' ang sabi ko..'' pag uumpisa pa nya habang nilagay niya yung kamay niya sa balikat ko at tinignan ako ng deretso sa mata.

*gulp*

"" May.gusto.ka.ba.sa.best.friend.ko?'' mahinahon pero punto per punto niyang tanong.

para akong binuhusan ng malamig na tubig sa tanong niya. nanikip dibdib ko. eto ba ang pakiramdam ng kino-corner?

nailang ako bigla sa tanong niya kaya naman i broke our eye contact.

'' ha? huh?! HAHHAHAHAAHA! ano ba namang tanong yan? syempre ano, syempre ano..syempre'' shoot. nauutal ako. eh kinakabahan ako eh! mas kinabahan pa ko dito kesa nung nag audition ako sa pagiging trainee!

'' ano ba naman tong kean na to. lalaki ka ba? simple lang ng tanong ko eh. may gusto ka ba kay lena?'' paguulit ni tasha.

" syempre ano nga.. syempre.."

''syempre oo?'' - pag du-dugtong ni tasha sa sasabihin ko.

shoot. busted.

i de-deny ko pa ba?

aaminin ko na?

-------------------------------- end of ud-------------------------------------

* Just like the Movies* ( SHINee Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon