*please read the author's note after the update.:)
(kean's pov)
nagtatalo ang puso at isipan ko sa tanong ni tasha sa akin.
aamin na ba ako? sinasabi ng puso ko na oo. ayoko ikahiya ang taong mahal ko. pero sinasabi ng utak ko na huwag. na hindi pa ako ready na ipaalam na ako at si key ay iisa.
"ano na??" parang naiinip na tanong ni tasha. lumingon ako sa paligid at huminga ng malalim.
"oo,tingin ko may gusto ako sa kanya." napatingin ako sa lapag. parang gustong sumabog ng dibdib ko. kaba, hiya,takot,guilt,saya. hindi ko alam na kaya pala ng taong makaramdam ng napakadaming emosyon sa isang oras..at dahil lang sa iisang tao.
napatingala naman ako ng naramdaman ko yung kamay ni tasha sa balikat ko.
"uhm.." tinignan niya ako ng deretso sa mata.. parang kinikilatis ako. dumoble ang kaba ko.
namukhaan ba niya akong si key?!
"sabi na eh!" nagulat ako ng biglang ngumiti ng malapad si tasha.
"ang galing talaga ng radar ko!" pagdudugtong pa niya. "mukha namang seryoso ka sa bestfriend ko, kaya tutulungan kita, pero pag ikaw! pag niloko't sinaktan mo si lena, tatawagin ko kaluluwa nila tito para di ka matahimik!" pagbabanta pa niya..natawa naman ako sa kanya. napaka protective niya kay lena kahit nung bata pa kami.
flashback
papapunta ako sa park, maglalaro kami nila tasha at lena, napatakbo ako nung nakita ko na may dalawang malaking bata na kino corner sila lena.
"lena!tasha!" sigaw ko. nung malapit na ako, narinig ko si tasha..
"dun na kayo! grabe pumapatol sa babae! asar talo bleeeeeeeh! pag binully niyo ulit si lenw, susumbong ko kayo sa pulis!!" inis na sigaw niya.naniwala naman ang dalawang epal na yun at kumaripas sila ng takbo.
end of flashback
"at bakit ka natawa?" balik nanaman siya sa pagsusungit..nakataas pa kilay niya.
"wala wala!" natatawa tawa kong sabi sa kanya.. nagulat ako nung yung kamay niyang nasa balikat ko ay napunta sa kwelyo ko.
GRABE KINUKWELYUHAN AKO NG BABAE?!!!!!
"basta kean, alam mo ang kaya kong gawin pag sinaktan mo siya"
pag uulit ni tasha. seryoso ang boses niya at kinilabutan ako pag naiisip ko ang kayw niyang gawin.
"hindi mo na kong kelangan pang pagbantaan. gusto ko si lena at wala kong gagawin na ikasasakit niya. pangako pa yan!!" sabi ko kay tasha. she let go of me.
ibang klase na talaga tong kababata ko
"may isang problema nga lang.." malumanay na sabi ni tash..
"ano?" napakunot noo ko.problema agad?!
"ano kasi.." umiwas siya ng tingin.parang di niya alam pano sasabihin sakin.nag aalangan siya..
don't tell me....
may gusto siya sakin?!!
"ano kasi ang gusto -" hindi ko na pinatapos si tasha,tinakpan ko yung bibig niya.
"alam kong mabait ako at gwapo, pero si lena ang gusto ko.ayokong saktan ka pero...kaibigan lang tingin ko sayo..can we stay friends?" diniretso ko si tasha.. ayoko maging awkward ang sitwasyon. parang kapatid na ang turing ko sa kanya.
nakita ko na naluluha siya. na guilty ako.mukhang nasaktan ko siya talaga. tinanggal ko yung kamay ko sa bibig niya.
"tash..."
"aHaaHAHAHAHAHAHA!!ah kean grabe!7HAHAHAHAHAHAHA! pagkatanggal ko ng kamay ko, halos mabingi ako sa tawa ni tasha..
"let's stay friends..HAHAHAHA! the best!!" tawa siya ng tawa hawak na niya yung tyan niya.
"tasha sorry, hindi mo kelangan magpanggap na masaya ka kahit na masakit.sorry." nababaliw na yata siya. grabe charisma ko.nakakabaliw.
"AAAAH ANG SAKIT NA NG TYAN KO KATATAWA TAMA NA KEAN! makinig ka sakin! wala akong gusto sayo! grabe naluha pa ko katatawa! assuming ka din eh no?"
dere deretsong sabi ni tasha.
"huh? sabi mo problema?? gusto?"
tanong ko sa kanya..eh sabi niya problema daw eh. at gusto.yun lang naiisip ko.
"adik.di mo kasi ako pinatapos. ang problem, iba ang type ni lena."
ay anak ng tinapa!!!
"SINO?"
-end of ud-
AUTHOR'S note:
una sa lahat, sorry dahil ang tagal kong di nag ud. daming nangyari sa buhay ng inyo pong lingkod.
SALAMAT PO. sa paghihintay ng UD ko,, Anong masasabi niyo sa pagka assumero ni kean?!:D hahaha!
SANA PO PATULOY NIYO ITONG SUBAYBAYAN :) HAPPY 10k reads!:) thanks guys!:) love ko kayo!:)
p.s
sa mga nashlene /jailene fans out there, i have a oneshot , "hide and seek jailenash fan fiction" po title niys, pinaghirapan ko yan, pa read po and comment!:) GOD BLESS EVERYONE!:)
BINABASA MO ANG
* Just like the Movies* ( SHINee Fiction)
Fiksi RemajaSi Lena Samantha ay isang typical college student, ng sa isang iglap, nagbago ang buhay niya dulot ng isang aksidente. samahan natin si Lena sa kanyang kwentong mala pelikula. she couldn't believe the fact that her life??? it's JUST LIKE THE MOVIES...