take eight! ACTION!

797 13 6
                                    

( Lena's POV)

one week nalang and mag de-debut na ako~! :) yehey!! hooray!!! yahooo!! super excited ako, and everytime na maaalala ko yung sinabi ni neeko at mint na pupunta sila sa debut ko kahit naka disguise lang, ang weird ng pakiramdam ko, i mean, ang... ang..... ang lakas ng kabog ng dibdib ko, para akong kinakabahan na ewan, parang bumabaligtad yung sikmura ko? ewan ko ba kung kinulam ba ako or what eh.

" turn around darling" sabi sa akin ng mama ko,

" opo," umikot ako ng dahan dahan, naghahanap kasi kami ngayon ng gown para sa debut ko. tinitignan naman ni mama yung gown maigi and if it compliments my features. by the way, hindi kami mayaman, pero 18 years pinagipunan ng mama at papa ko ang debut ko na to kaya makakayanan namin gawing bongga ang party ko. nung bata daw kasi si mama, dream niyang magkaruon ng debut party pero hindi nakayanan nila lola at lolo ang gastusin noon kaya ayun.. poof! di natuloy, kaya nasa sinapupunan palang ako ng mama ko, pinag planuhan na nila ito.

" hmm. okay na to, pero masyado yatang plain for a debut, gusto ko sana anak parang pa balloon style ba?" remark pa ni mama, well, tinignan ko yung sarili ko sa mirror, i look absolutely fine. yup. tama si mama, simple lang nga yung long gown na to, pero it seems elegant. parang caramel beige ang kulay niya, and dahil pinaglihi ako sa labanos, ( buti nalang) at biniyayaan ako ng maputing kutis, eh sakto lang sa akin to.

" okay na to sa akin ma, i mean, it's simple pero elegante namang tignan, and ayoko naman na masyadong show off di naman talaga tayo mayaman,hahaha. at saka mama, mas comfortable ako dito, kesa dun sa kanina, "

tumango naman ang mama ko, " sige, " tinulungan niya akong hubarin ulit yung gown, " oh,oh, oh, teka teka, ingat ka, di pa natin binabayaran yan, " sabi pa niya,

in the end binayaran na namin yung gown and umalis na sa store na yun, next stop! flower shop, then sa bookstore for invitations and chorbaloo,

nang makauwi kami sa bahay, dumeretso agad ako sa kwarto ko kasi pagod na pagod ako. makakatulog na sana ako ng biglang tumunog yung cellphone ko,

" hello, hello,~ everytime that you pass me by~" agad agad kong tinignan kung sino yung tumatawag, unregistered number. hala??

"hello,hello~ it's breaking my heart! ohh" pinagiisipan ko kung sasagutin ko ba or hindi, pero in the end, i pressed the answer button.

" hello?" cautious kong sagot sa kabilang linya,

manly na boses yung narinig ko sa kabilang linya. manly yet soft voice. " hello, si lena ba to?"

"ako nga? sino to?"

" sabihin mo na kasi!!!" rinig ko sa background nung kabilang linya, " teka!! atat masyado?!" sagot nung lalake na kausap ko dun sa kung sino man yung nasa background niya na sumisigaw,

" ehem. sino to?" ulit kong tanong, naiinip na ko, inaantok ako!! for goodness sake!

" ay sorry, si neeko to, ng the shining?" O_________________O, napatigil ako. wait oi puso, wag ka nang ganyan,

" ahhh? aa..? ano...." yan nalang nasabi ko kasi super duper ultra mega kabado ako ngayon at impit na impit na yung sigaw ko. i want to shout so badly!!!!

" ano, hindi kasi namin alam pala ni mint yung venue niyo sa debut mo, tanong ko lang sana,kung okay lang, " rinig kong sabi niya. ipinikit ko yung mata ko. i want this moment to last forever!~~~!!!!!

* Just like the Movies* ( SHINee Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon