take thirty seven~~ action!

182 5 11
                                    

*please read author's note after the UD* :)

(Key's POV)

Agad namang pinaalala sa akin ni John na kailangan ko na palang magluto ng dinner, kaya naman para makaiwas nadin sa asaran sa sala, pumunta na ako sa kitchen para magluto. Okay lang naman sa akin. Hindi naman sa OP ako kasi naririnig ko padin ang usapan nila. Kasalukuyan nilang pinagtatawanan si mint dahil dun sa katangahan niya nung birthday ni lena.

"Nagtatago? Uh oh stalker alert!" Hirit ni john. Ang alaskador talaga netong isang ito. Nako sana naman hindi madulas si mint na si key at ako ay iisa. Ako itong ninenerbyos ng wala sa oras. Hindi ako makapagconcentrate dahil sa kaba.

nagtuloy ako sa paghihiwa ng luya para sa lulutuin kong tinola. hay nako. kaka manok namin sa bahay na ito hindi na ako magtataka kung isang araw ay tubuan kami ng pakpak at lumipad. Parang duon lang sa hit music video namin na ring ding dong.

" grabe mint, lume level up ka ah!!" rinig kong sabi ni tasha sa gitna ng pagtawa. Napaisip ulit ako. nakakaguilty eh. Nakalimutan ko nga siya contact-in bilang si key. Ang mas masama pa dito, mukhang boto si tasha sakin bilang si kean para kay lena, pero mukhang badtrip siya kay key. Ano nalang ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niya na ako si key?!!

ayoko ng isipin!!! nadivert ang atensyon ko ulit sa sala kasi natahimik sila. Akala ko, tapos na ang usapan. ayun pala, it's the calm before the storm. Biglang nagsalita si mint.

" teka ah! Naalala ko na! Hinahanap ko si kean nun, magkasama-" bago ko pa na-realise ng buo ang gusto niyang sabihin na ako si kean, wala na kong magawa kundi sumigaw ng pagkalakas lakas para hindi niya matuloy yung sinasabi niya.

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!!!!" sigaw ko ng napaka lakas. Sobrang kaba ko, bigla nalang akong hiningal, bigla akong nanlamig, at yung puso ko grabe kung makatibok wagas.

"Ay kabayong wagas!" Rinig kong sigaw ng isa sa kanila sa sala. Halatang nagulat ko din yata. Mamaya maya'y naririnig ko na sila na papunta sa kitchen, kaya naman wala akong magawa kung hindi ang hiwain ang daliri ko.

" ARAY!' sigaw ko ulit. hay nako naman kean, kung ano anong pinaggagagawa mo. Hiwain daw ba ang sarili?!

" Uy okay ka lang ba kean?" nag aalalang tanong sa akin ni lena. bakas sa maganda niyang mukha yung gulat sa sigaw ko. Nasa likod niya sila john,tasha at neeko na mukhang nagulat din.

" anong nangyari sayo kean? sigaw mo parang babae!" hirit naman ni neeko. Aba'y kanina pa tong lalaking ito ha?

" ah wala nagulat lang ako kasi nahiwa ko yung daliri ko, ang ingay niyo kasi sa sala eh!'' pagdadahilan ko naman habang pinakita ko yung malalim kong hiwa na intensyonal naman.

" HALA?! KEAN ANONG NANGYARI SAYO?!" huling nagpunta sa kusina si mint at nung nakita niya yung sugat ko, namutla siya. ayaw kasi niya sa dugo. nakaisip naman ako ng ideya. Payback dahil muntikan na niyang i-reveal ang sikreto ko.

" oh sige na, okay lang ako. disperse na ng ako'y makapagluto!" pagtataboy ko sa kanila gamit ang usual ''nagging'' motherly voice ko.

tumango naman si john at tasha at bumalik na sa sala. " okay ka lang ba talaga kean?" tanong ulit ni lena. ako naman yung tumango. " oo sure ako!" sabay kindat pa. nanlaki yung mata niya nung kumindat ako nagflash yung isang emosyon sa mukha niya na hindi ko mabasa kung ano pero bigla rin naman nawala. bumalik na siya sa sala kasama si neeko.

bago pa man umalis si mint, hinigit ko siya. " MINT, kuhanin mo nga yung first aid kit sa toilet. tulungan mo ako dito sa hiwa ko."

unti unti siyang lumingon sa akin. Sabay turo sa sarili niya as if hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. '' a...Ako?!'' tanong niya. '' oo'' maikling sagot ko.

mamaya-maya'y sumunod nadin si mint. Tinakot ko kasi na wala siyang dinner kapag hindi niya ako tinulungan. Hay nako. kung secret ko lang din ang kapalit ng pagkakahiwa ko. Hay laslas na dre!

natapos nadin niya ako tulungan at naluto na yung tinola. Dugo't pawis ko ang ginugol ko dito! ang hirap kaya magluto ng may malaking hiwa sa daliri! tinawag ko na sila at ng makakain na.

Hindi ko maiwasan kabahan kasi kanina pa ako tinitignan ni lena ng ibang klase. ang weird ng tingin niya sa akin! Bakit kaya??

( Lena's POV)

Nung kinindatan ako ni kean sobrang nagulat ako. Parehas silang kumindat ni Key! Nung bata kasi kami everytime na nanloloko si key or may ginagawang kalokohan, lagi siyang kumikidat. O kaya naman kapag ni-re-reassure niya kami ni tasha sa isang bagay, kumikindat din siya. Si boy Kindat nga yun eh.

Pero imposible! Si key? Hindi siya pwedeng maging si Kean. Imposible! Ang dami nilang difference! Pagsayaw palang eh parehas kaliwa ang paa nung si key, eh si Kean?

ay grabe ang galing ng dance moves niya! Kaya nga fan ako ng the Shining kasi ang galing galing nila, not to mention ang ba-bait pala nila.

Dati naging fan nila ako for face value. Yung tipong ang ga-gwapo na iisipin mo na nung nagsabog ng kagwapuhan si Lord sa sangkatauhan ay batya at drum ang dala nila. Tapos kung talent lang din naman ang paguusapan ay astig talaga! Pero ngayon na parte na sila ng buhay ko dahil sila nalang ang natitira kong pamilya with Mommy Lucy at Tasha, mahal ko sila kung sino sila. Hindi yung mga perpektong tao na mahal ng media. Minahal ko sila despite their imperfections.

yung ka-clumsy-han ni neeko, yung pagiging alaskador ni John, yung pagiging Hari ng kasungitan ni Miko, yung ka-hyperan ni Mint na Swear! minsan sobrang nakaka asar lalo na pag pagod ka at para siyang pre-schooler sa pagka-active at attention span, at saka yung pagka dramatic queen ni Kean. Not to mention ang over protective niya! mas protective pa siya sa nanay ko.

pero nung tinitignan ko si kean ngayon habang kumakaen kami, parang somehow may pagkakatulad din sila ni key. Na-divert yung attention ko kay tasha nung naramdaman ko yung pag-poke niya sa akin.

" Uy bes tama na, baka matunaw!" hirit niya sa akin.namula naman ako bigla. nahuli pala niya akong nakatingin kay Kean. Shocks nakakahiya.

" Ano ka ba bes! wag ka nga!" pag-de-deny ko naman. Nag concentrate nalang ako sa pagkain ko habang tuloy tuloy lang sila sa pagku-kwentuhan.

" The shining, huwag niyo kalimutan bukas wala tayo sa college ha? May practice tayo para sa concert." biglang naging seryoso yung tono ni neeko. ay? Wala sila bukas? oh well, trabaho nila yun eh. Saka naging lie low din kasi sila after nung insidente namin ni miko nung na injured kami sa mine.

" oo nga ano? muntik ko na makalimutan yung world tour natin!" mukhang excited na excited si mint. nagliwanag kasi yung mala anghel niyang mukha.

" oo nga! two months nalang then hello world na!! " pag gatong pa ni John. hay isang taon din silang mawawala. I know trabaho nila yun..

masaya ako para sa kanila because they are living their dream but..

bakit deep inside me, ayoko na silang umalis?

----------------------------------------------------------end of UD-------------------------------------------

director's note:

AAAAAAAAAAAY!!! Hindi naman talaga ako naka-schedule na mag update ngayon kasi next week Final exams ko na!! Pero nagulantang talaga ako kasi biglang naging 20.5k reads itong Just like the movies! eh 15k ito nung huli kong tingin! Ayun na overjoyed lang ako kaya kahit tustado na utak ko kaka aral ng psychology at biology nag Update ako. Guys salamat po sa suporta at dun sa mga nag vo-vote maraming salamat po. again sorry dahil ako na yata ang pinaka mabagal mag update na author pero promise sa July, when all my exams are finished kaka-ri-reen ko na ang ag u-UD dito :) Sorry din kasi medyo sabaw tong UD ko. but still I hope you enjoy it :)

comments are highly appreciated. Sarap kasi basahin eh :3 God bless sa lahat ang iloveyouguys xxxxxxxx :)

* Just like the Movies* ( SHINee Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon