take ten~! action~!

743 9 3
                                    

( lena's POV)

tok tok tok tok.

napalingon ako sa may pinto, binuksan naman ni mama yung pintuan, at bumulaga sa amin si neeko, na naka disguise pero gwapo padin hahahahaha.

"late po ba ako?" kabado niyang tanong.. ngumiti naman kami ni mama,

" sakto ka lang anak," sabi ni mama, biglang bumilis yung tibok ng puso ko sa word na anak. HAAAALAAA?! ibig sabihin boto siya kay neeko maging asawa ko?! teka lena, huminahon ka, expression lang yan ng matatanda..

" mama, si neeko po pala, neeko, mama ko..." pinakilala ko siya kay mama, ang alam kasi ni mama, escort ko yung leader ng shining pero hindi niya alam pangalan ni nila..

ngumiti naman si neeko looking relieved.. " hello po, buti naman sakto lang dating namin hehehehe"

" teka lena anak, magtabi nga kayo at ng ma picturan ko kayong dalawa, haay~!! ang anak ko dalaga na!!!!!!!!!!!!!!!" excited na sabi ng mama ko habang kulang nalang kaladkarin ako sa tabi ni neeko...

" sorry sa mama ko ah.. " bulong ko kay neeko,

" okay lang yun, hahahaha" ang cheerful talaga ni neeko, " teka anak, kumapit ka kay neeko, dali dali teka bilisan mo at magsisimula na yung party!" ngarag pa sa akin ni mama,

i wrapped my arms around neeko's arms. para bang ikakasal lang...

dug dug dug dug dug dug dug dug - puso ko yan. aatakihin yata ako sa puso bago matapos tong gabing to.. i blushed.. naramdaman ko namang parang nanigas yung katawan ni neeko, which i found it cute.

" ayan, ngiti ng maigi ah, one, two, three., smile~!!!" tuwang tuwang sabi ni mama, tapos pinakita niya sa amin ni neeko yung picture namin,.. we look good together. LOL. ashumera nanaman ako, :P

" o bilisan niyo at magready na kayong dalawa sa pag baba niyo sa hagdan ha? neeko, ikaw na bahala kay lena ha?" sabi ni mama tapos lumabas na siya.. naiwan tuloy kami ni neeko dito sa room...

.............................

silence....

AKWARD...

" you look stunningly beautiful today lena.." nagulat ako ng biglang basagin ni neeko ang katahimikan sa kwarto with a BANG BEYBE!!

you look stunningly beautiful today lena....

you look stunningly beautiful today lena....

you look stunningly beautiful today lena....

pa ulit ulit nag re-replay sa utak ko yung sinabi niya...

buti nalang maka make up ako... baka mukha na kong kamatis sa sobrang pula ko..

" tha...thank you.....hehehe. thanks sa pag punta niyo ah? it's really my best gift.." honest kong sagot sa kanya..

"" ladies and gentleman, thank you for making it up to this night, thank you for giving your time to join us celebrate our daughter's debut." rinig kong sabi ni papa, that's our cue..

pumunta kami malapit dun sa stairs.. nanlalamig ako. kinakabahan ako pero at the same time, i'm so excited... parang ikakasal ulit yung posisyon namin ni neeko.. breathe lena breathe... HUMINGA KA! sigaw ko sa sarili ko.. pero sa utak ko lang... "relax ka lang lena, pati ako kinakabahan sayo eh. hahaha" sabi ni neeko sa akin.. ramdam at rinig ko sa boses niya na pati nga siya kinakabahan. hooray! ngayon panu ako hindi kakabahan?

* Just like the Movies* ( SHINee Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon