(kean's POV)
Sino?! sino naman kaya ang type ni lena? kinabahan ako sa sinabi sa akin ni tasha. wala pa nga tapos mau-udlot kaagad?! may karibal agad ako?!
pero hindi. hindi ako papatalo.
''SINO?!!!'' agad agad kong tanong kay tasha. napailing naman ito. parang nagdadalawang isip kung sasabihin ba niya sa akin oh hindi.
'' oy tasha...sino ba kasi yun?'' tanong ko pa, niyuyugyog ko na siya ngayon.
'' ano ba yan itigil mo nga yang pagyugyog mo!!'' hala! medyo na irita yata, napataas boses niya, at dahil anak siya ni lucy, hands off agad ako! namana niya talaga pagka tigre ng manager namin!
'' oh yan na! hands off na! eh kasi naman binibitin mo ako eh!!'' sagot ko naman, at mukhang napapalakas ang usapan namin kasi nagtitinginan nanaman yung mga tao./ ay nako mahirap na! mamaya may paparazzi pa dito. lagot na!
kinuha ko yung kamay niya, ''tara dun tayo sa rooftop mag usap'' mukhang may sasabihin pa siya pero hinatak ko nalang siya.
nung nasa rooftop na kami, bumungad sakin ang malamig na hangin. puro pa nga stars. ang gandang gabi kung tutuusin. sayang. masaya sanang manuod ng langit kasama si lena, pero heto. nasa ospital siya . hay.
''hindi naman kasi sa binibitin kita kean,'' si tasha na ang unang nagsalita, '' pero kasi alam mo yun, parang wala naman ako sa lugar para sabihin yun, and isa pa hindi naman ako sigurado, kasi once lang namin napagusapan yun ni lena.'' pagpapatuloy pa niya.
tumango ako. naupo kami sa may sahig. '' alam mo, sana maging maayos na ang lahat no? ang dami kasing nangyari netong mga nakaraaang buwan, parang feeling ko, ang komplikado na ng buhay ni lena. kawawa naman yung bestfriend ko.'' pag o-open up ni tasha.
napatango naman ako. naalala ko yung pagkamatay ng parents niya, tapos yung pagkakahulog pa nila ni miko, parang puro kamalasan nalang nangyari sa kanya.
'' alam ko naman na makakayanan niya yan eh. malakas naman si lena. and nandito naman tayo para sa kanya eh. hindi ko siya iiwan.'' pag a-assure ko kay tasha.
''eh ano ng balak mo niyan?'' tanong niya. napatingin naman ako sa kanya.
'' huh?'' nagtataka kong tanong. anong balak?san?
'' sa panliligaw kay lena, sige maunahan ka pa nung isa dun'' binigyan niya ako ng meaningful look. alam ko na ibig niyang sabihin.]
si neeko.
handa ko na bang kalabanin ang leader ng the shining?
OO. para kay lena oo.
'' ako na bahala dun'' . misteryoso kong sagot kay tasha. syempre kanya kanyang diskarte lang yan.
(neeko's POV)
nakatulog na ulit si lena. pinagmamasdan ko siya matulog. nung hindi namin siya makita at akala ko na ano ng nangyari sa kanya, may na realise ako.
----
buti nalang pala at linggo ngayon, sabi nung nurse pwede na daw lumabas si lena bukas. at least makakapagready pa siya before siyang pumasok ulit sa college. sayang nga eh. two months nalang namin siya makakasama ng lubusan bago kami umalis for the world concert. 1 year din kaming mawawala.
naupo ako sa gilid ng kama ni lena at pinagmasdan siya. ang kyut talaga ng babaeng to. hindi pala. hindi bagay ang salitang cute sa kanya. ang ganda niya, inside and out. napatingin ako sa mga sugat niya. ang dami na pala niyang napagdaanan. parang pelikula lang ah? teleserye? puro kamalasan?
buti nalang mala bida din sa katatagan tong si lena.
kaya bidang bida ka sa puso ko eh.
hinawakan ko yung kamay niya. naramdaman ko na parang ayaw ko siyang bitiwan. parang ayoko umalis para sa concert. once in my life, parang naramdaman ko na may mas mahalaga pa pala sa career ko. someone worth keeping. pero ayoko din iwan ang grupo.
sila ang naging pamilya ko nung tinalikuran ako ng lahat.
hinalikan ko yung kamay ni lena. '' di bale, sa loob ng dalawang buwan, ipaparamdam ko sayo kung gaano ka kahalaga sa akin.''
----------------------------------------------------------------end of ud--------------------------------------------------------
sorry for the short update :) eto na po ang end ng parents' arc + beach filler ng kwento ni lena :) (kahit na filler lang po yung beach scenes, may mga clue padin po dun sa past ng shining :P mahalaga padin po yun hhaaahaha.)
BALIK NA PO SA MAIN PLOT!! WHICH MEANS, HELLO TO AGAWAN PORTION KAY LENA!!! LENA AND THE SHINING'S BACK!! :) EXCITED NA BA KAYO?!!!
comments are highly appreciated :''')
-much love, Epic:)
BINABASA MO ANG
* Just like the Movies* ( SHINee Fiction)
Novela JuvenilSi Lena Samantha ay isang typical college student, ng sa isang iglap, nagbago ang buhay niya dulot ng isang aksidente. samahan natin si Lena sa kanyang kwentong mala pelikula. she couldn't believe the fact that her life??? it's JUST LIKE THE MOVIES...